Chapter 34 part 1

79.3K 1.7K 116
                                    

Chapter 34 part 1

Ini na inis si Vincent ng makarating sa kanyang opisina. Umaga pa lamang ay mainit na ang kanyang ulo nadagdagan pa ng hamunin siya ng Papa ni Jesica. Pagkarinig niya sa huling sinabi ni Alejandro ay nagmamadali niyang iniwan ang mga ito sa study room, masyado siyang naguguluhan sa sitwasyon ngayon.

Palakad lakad siya sa kabuuan ng kanyang opisina, nasisiguro niya na wala siyang matatapos ngayon sa kanyang trabaho dahil kailangan niyang mag-isip kung paano niya mailalayo si Jesica sa Franco na yun. Hanggang ngayon ay parang naririnig pa rin niya ang tinig ni Alejandro, kung hindi lamang siya committed kay Mia ay madali niyang magagawa ang nais nito.

Biglang naputol sa pagmumuni-muni si Vincent ng marinig ang tunog ng kanyang intercom. Sinabihan na niya si Levy na ayaw niya ng istorbo at hindi siya tatanggap ng kahit na anong calls. Sisiguruhin niyang makakatikim ng sermon sa kanya ang sekretarya.

“Levy! I’ve told na hindi ako pwedeng istorbohin. Singhal ni Vincent pagkaangat sa telepono.

“Sir, sorry pero ang kulit po ni Sir Renzo.

Napabuntong hininga si Vincent, kilala niya ang kaibigan na likas na makulit. “Okay, let him in. Napag-isip isip niya rin na kailangan niya ng makakausap ngayon tungkol sa problema.

“Dude! What’s going on? Kanina pa ako sa labas ah! Reklamo ni Renzo.

“Binigyan ko ng instructions ang secretary ko na hindi ako pwedeng istorbohin.

“Hey, hindi ka naman dating ganyan unless if you’re having problem with a woman. May pagtatakang sabi ni Renzo.

“Tungkol sa babae yan di ba? curious na usisa ni Renzo.

“I think this is my karma. Pabagsak na umupo si Vincent sa swivel chair niya at sabay sandal ng kanyang ulo.

 

“Don’t tell me that you really love her.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon