Chapter 22 part 2

81K 1.7K 62
                                    

Chapter 22 part 2

Nang makapasok sina Jesica sa loob ng simbahan ay narinig nilang inanunsiyo na ng wedding coordinator na nasa labas na ang bride. Agad niyang nilapitan ang anak at sinigurong presentable pa rin ang hitsura nito.

Si Vincent ay hindi mapakali sa kinatatayuan ng mamataan ang pamilyar na pigura sa di kalayuan. May kasama itong isang batang babae at ang tantiya niya ay nasa tatlong taong gulang na ito.

 

“Mama, where’s tita Emer?” malambing na tanong ng bata kay Jesica habang papalapit sa pila ng mga kasama sa entourage.

Parang napako sa kinatatayuan si Vincent ng marinig niya ang tawag ng bata kay Jesica. Pagkakita pa lamang niya sa bata ay may kakaibang kaba siyang naramdaman.

 

“Okay, we will start now in a few minutes!” may kalakasan na sabi ng wedding coordinator para makapaghanda na ang lahat.

Hindi na nagawang makalapit ni Vincent sa mag-ina dahil magsisimula na ang seremonya.  

Pigil ang hininga ni Jesica ng mapansin niyang lalapitan sila ni Vincent at ang laki ng pasasalamat niya ng ituro ng wedding coordinator ang pwesto nito.

“Sis, nakita ko yun.” bulong ni Toffer kay Jesica.

 

“Kinabahan ako dun.” Alanganing ngiti ang tinapon ni Jesica sa kaibigan.

Nanggigil sa galit si Vincent ng mga sandaling yun habang pinapanood ang dalawang nagbubulungan.  Kung pwede nga lang niyang hablutin si Jesica para mailayo sa lalaking yun ay kanina pa niya ginawa. Nakabuo siya ng desisyon na hindi niya palalampasin ang araw na ito na hindi nakokompronta si Jesica.

“Oh God! Masama ang tingin sa akin ni Vincent. Mukhang mapapaaway na naman ako mamaya.” Reklamo ni Toffer.

“Don’t mind him.” Nakaingos na turan ni Jesica.

 

“Matagal ko ng napapansin ito…”

“Ang alin na naman?” putol ni Jesica sa sasabihin ng kaibigan.

“Magkamukha si Venice at Vincent.” Sabay nguso ni Toffer kay Venice na tahimik na nakatayo sa pila.

“Of course not!” mabilis na tanggi ni Jesica sabay iling nito.

Nagkibit na lamang ng balikat si Toffer, alam niyang may tamang panahon para kausapin ang kaibigan sa matagal na niyang hinala.

Hindi nakatiis si Vincent mula sa kinatatayuan. Nakasimangot nitong nilapitan si Jesica.

“I think this is not the proper place para magligawan kayo.” Mahinang saad nito ng makalapit sa kinatatayuan ng dalawa. Iniiwasan din niya na makaagaw ng atensiyon sa ibang tao na naroroon sa paligid.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon