Prologue

331K 3.3K 68
                                    

A.N.

Heto na po ang hinihintay ninyong story nina Vincent at Jesica :) Just preparing for it.

I am hoping na susuportahan nyo po ito. Thank you so much.

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you


Prologue

"What's wrong?" nagmamadaling dinaluhan ni Emer ang kaibigan habang walang tigil ito sa pagsusuka.

"I don't know, when I woke up nahihilo na ako and I'm not feeling well." Sagot ni Jesica habang panay ang punas sa mukha ng hawak na towel.

Tinitigan ni Emer ang kaibigan namumutla ito at hinang hina ang hitsura. "I think you should see a doctor, baka kung ano na yan." Nag-aalala siya para dito.

"Don't worry about me. May be I'm just tired kasi for the past few days halos wala akong pahinga sa sobrang dami ng requirements na kailangang tapusin, napaka istrikto pa naman ng mga professor namin ." Umiiling na sabi ni Jesica.

Limang buwan pa lamang sila sa America para kumuha ng master's degree sa Stanford University. Mula high school ay magkaibigan na sila ni Emer kaya ng payagan sila ng mga magulang na mag-aral sa ibang bansa ay napagkasunduan nilang sa isang apartment na lang sila titira para makatipid.



"I won't worry kung magpapacheck up ka. Tamang tama Saturday ngayon masasamahan pa kita. What do you think?" pilit na kinukumbinsi ni Emer ang kaibigan.

Alam ni Jesica na kahit anong idadahilan niya sa kaibigan ay hindi siya nito pakikinggan kaya wala siyang choice kundi ang pagbigyan na lamang ito.



Nang nasa clinic na sila at makuha ang result ng laboratory test ay halos hindi makapagsalita si Jesica. Hindi niya akalain na magbubunga ang isang gabing pagkalimot.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon