Chapter 28 part 1

79.1K 1.7K 60
                                    

Chapter 28 part 1

“Akala ko ma’am yung bruhang yun ang kakampihan ni sir.” Bulalas ni Levy ng makapasok sila sa opisina ni Vincent.

Matipid na ngiti lamang ang sinukli ni Jesica. Nang mga sandaling yun ay ang tanging gusto lamang niya ay magkaliwanagan sila ni Vincent tungkol sa kalokohan nitong paghihire ng isang inbestigador. Naramdaman na lamang niya ng sumara ang pintuan ng opisina, hindi niya namalayan na iniwan na siya ng sekretarya ng binata.

Nang maihatid ni Vincent ang nobya sa kotse nito ay nagmamadali ang bawat hakbang niya pabalik sa kanyang opisina. Totoong nasorpresa siya sa presensiya ni Jesica hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito. Kahit ano pa ang dahilan ni Jesica sa pagbisita sa kanya ay wala siyang pakialam ang mahalaga ay ito na mismo ang gumawa ng paraan para makapag-usap sila.

“Nasa loob pa ba ang ma’am Jesica mo?” tanong ni Vincent kay Levy na abala na sa trabaho nito.

“Yes sir.” Mabilis na tugon ni Levy.

Walang salitang tinungo na ni Vincent ang kanyang opisina.

Napaigtad si Jesica sa kinauupuan ng bumukas ang pinto. Apektado pa rin siya sa presensiya ni Vincent, tuwing magkakaharap sila nito ay bumibilis an gang tibok ng kanyang puso.

“What brought you here?” simula ni Vincent. Pinipilit niyang maging mahinahon ng mga sandaling yun dahil kung ang emosyon niya ang masusunod ay kanina niya pa ito sinugod ng yakap.

 

“Ano ang gusto mong palabasin at naghire ka pa ng investigator?” asik ni Jesica.

“Bakit may kinatatakutan ka ba na malaman ko? Are you hiding something to me?” mataman na tinitigan ni Vincent ang dalaga. Kitang kita niya ang dumaan na takot sa mga nito.

Natahimik si Jesica hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Vincent. Namalayan na lamang niya na katabi na niya ang binata at mahigpit na ginagap nito ang kanyang mga kamay.

 

“You’re worrying too much honey, may mga bagay lang akong gustong malaman pero kung sasabihin mo na sa akin ang katotohanan pwede kong tawagan si tito Ben para itigil na ang imbestigasyon.” Malumanay na pahayag ni Vincent. Ayaw niyang bitawan ang mga kamay ni Jesica, napakasarap ng pakiramdam niya habang nasa tabi niya ang dalaga.

 

“Vincent…” pilit na hinihila ni Jesica ang mga kamay na mahigpit na hawak nito.

“Anak ko ba si Venice?” Wala ng paligoy ligoy na tanong ni Vincent.

Nang hindi sumasagot si Jesica ay marahan niyang hinaplos ang mukha nito at tinitigang mabuti. Napadako ang tingin niya sa mapupulang mga labi ng dalaga at hindi na siya nagdalawang isip, dahan dahan naglapat ang kanilang mga labi. At ng muli niyang matikman ang matamis na labi ng dalaga ay halos mawala na siya sa sariling katinuan. Lalong lumakas ang kanyang loob na palaliman ang halik na pinagsasaluhan ng maramdaman niya ang pagtugon ni Jesica. At ng akmang hahaplusin nan a niya ang kanang dibdib nito ay nagpumiglas si Jesica.

“Bitawan mo ako.” Mahinang usal ni Jesica, habol pa rin nito ang kanyang hininga. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil agad siyang nagpadala sa sitwasyon. Wala ito sa mga plano niya ang gusto lamang niya ay kausapin si Vincent at kumbinsihin na itigil nito ang kalokohang pag-iimbestiga sa kanilang mag-ina.

“Jesica please tell me the truth anak ko ba si Venice?” mabilis na niyakap ni Vincent ang dalaga. Ito ang matagal na niyang gustong gawin, walang pagsidlan ng kaligayahan ang nararamdaman habang yakap nito si Jesica.

Muling kinabahan si Jesica ng muling marinig ang tanong nito, idagdag pa na nakakulong siya sa matitipunong bisig ni Vincent. “Vincent, hayaan mo na kaming mag-ina. Nandiyan naman si Mia and I’m sure you’re happy with her.” Gusto mang ipagkaila ni Jesica ang katotohanan ay hindi niya magawa.

“Damn you! Jesica! Just answer my question. Anak ko ba si Venice?” marahas na tumayo si Vincent at makikita ang pagkabalisa nito.

Tahimik na napaluha si Jesica at mabilis na dinampot ang kanyang bag. Nagmamadali niyang tinungo ang pinto dahil hindi niya na kaya ang komprontasyong ito.

Naging maagap si Vincent agad niyang naiharang ang katawan sa may pinto. “Hindi ka lalabas ng opisinang ito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang ama ni Venice.” Matigas na sabi ni Vincent sabay hablot nito sa braso ni Jesica.

 

“Vincent, bitawan mo ako. Hindi ikaw ang tatay ng anak ko!” Halos humihingal na sabi ni Jesica.

 

“I don’t believe you. Malalaman ko rin ang katotohanan at kung napatunayan kong nagsisinungaling ka pagsisisihan mo ito.” May pagbabanta sa tinig ni Vincent.

Napailing na lamang si Jesica. “Tigilan mo na ang imbestigasyon na pinapagawa mo, nagsasayang ka lang ng pera mo.  Natatandaan mo ba ng sinabi ko sa iyo noon na may boyfriend na ako? Siya ang tatay ni Venice. Are you satisfied now?” pilit na pinapatatag ni Jesica ang kanyang boses para hindi maghinala si Vincent na nagsisinungaling siya.

Nagsawalang kibo na lamang si Vincent, alam niyang may itinatago sa kanya si Jesica. Ayaw na muna niyang makipagtalo sa dalaga ang gusto niya ay ienjoy muna ang pagkakataon na ito na makasama ang dalaga.

“Let’s go” agad na inakbayan ni Vincent ang dalaga.

 

“Saan tayo pupunta?” may pag-aatubiling tanong ni Jesica.

“Nagugutom na ako, sabay na tayong mag lunch.” Kaswal na tugon ni Vincent bago binuksan ang pinto.

“Sir, I just want to remind you about your luncheon meeting with Mr. Chua.” Salubong ni Levy sa amo. Nagulat siya sa nakikita dahil nakaakbay ang guwapong amo kay Jesica. Napangiti siya dahil sa unang kita pa lamang niya sa dalaga ay botong boto siya ditto para sa boss.

“Levy, cancel all my appointments today.” Utos ni Vincent. Ngayong nasa tabi niya si Jesica ay hindi niya sasayangin ang pagkakataong makasama ito.

__________________________

A.N.

Sorry medyo matagal ang update medyo na busy lang po ako J

Happy reading!

Please don’t forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon