Chapter 40 part 1

73.2K 1.3K 79
                                    

Chapter 40 part 1

“Kumusta na ang pinagagawa ko sa inyo?! Gusto kong makakuha ng magandang report ngayon!” Nanggigil si Mia habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Hindi siya makakapayag na ganun na lamang matatapos ang relasyon nila ni Vincent gusto niyang iparanas dito ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Ma’am, bigyan pa po ninyo kami ng konting panahon.” Pakiusap ng taong kausap ni Mia.

“Damn! Don’t give me that kind of excuse, pagtrabahuhan ninyo ang binabayad ko sa inyo! May nakuha na ba kayong impormasyon tugkol sa babaeng yun?”  hindi mapakali si Mia habang palakad lakad sa kanyang opisina. Kailangan niyang madaliin ang mga plano bago mahuli ang lahat.

“Ma’am, hindi ko po alam kung makakatulong sa inyo ang nakalap naming impormasyon tungkol sa anak ni Vincent Almonte.”

Natampal ni Mia ang noo, malapit na siyang maubusan ng pasensiya sa lalaking ito. “What is it? Ang kabilin bilinan ko sa inyo na kahit maliit na detalye lang ay kailangan kong malaman.” Madiin na sabi ni Mia.   Kung bakit naman kasi naniwala pa siya sa kaibigan niya na magagaling ang mga taong ito sana hindi siya nakukunsume ngayon.

Nalaman po namin na bawal sa nuts si Venice...”

“What else?” Naiinip na tanong ni Mia. Mukhang walang kwenta nga ang nakalap na impormasyon ng mga ito.

 

“Napag-alaman din po na naming na tuwing hapon ay naglalaro sa park ng village ang bata at ang yaya lamang po nito ang kasama.”

 

Napapailing si Mia habang nakikinig sa nagsasalita kaya bago niya mabulyawan ito ay tinapos na  niya ang pakikipag-usap. Kailangan niyang tawagan ang kaibigan para ireklamo ang tungkol sa nirekomenda niyang mga tao. Walang kalaman laman ang report ng mga ito kaya nanggigil siya sa inis ngayon.

 

“Annie! Are you busy?” bungad ni Mia ng marinig ang boses ng kaibigan.

“I’m just checking some documents. Why?” Balewalang tugon nito. Alam niya na mang-iistorbo na naman ang kaibigan.

“Oh my God! Walang kwenta ang mga taong nirecommend mo sa akin. They’re dumb!” Palatak ni Mia.

“Mia, you just talked to them this morning. Don’t tell me na hinihingian mo na sila ng report nagyon?”

 

“I’ve told them it’s urgent, ayokong magsayang ng oras. You know me my friend when it comes to work gusto ko mabilis lahat.”

“May ibinigay na ba silang report?” Hindi na pinansin ni Annie ang huling sinabi ng kaibigan dahil alam niya kung paano magtrabaho ito. Mabilis nga itong magdesisyon pero kadalasan ay palpak.

“Walang kwentang report! Gusto ko silang palitan dahil parang walang mangyayari.” Inis na bulalas ni Mia.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon