Chapter 11 part 1

91K 1.5K 32
                                    

Chapter 11 part 1

Mabigat ang dibdib ni Jesica ng pauwi na galling airport. Hinatid na niya ang maglola, habang papasok sa loob ng airport ay parang gusto niyang habulin ang anak. Ayaw man niyang umiyak ay hindi niya mapigilan ang sarili.

“Jesie, ilang months lang naman kayong maghihiwalay ni Venice. Mas makakabuti kung nasa Pilipinas sina Ate Lourdes.” Pang-aalo ni Lucila sa pamangkin.

 

“Thanks tita, mabuti na lang nandiyan ka.” Pilit na ngiti ang pinagkaloob sa tiyahin.

“Stop crying okay? ang mabuti pa magshopping na lang tayo para naman malibang ka.” Masiglang yaya ni Lucila kay Jesie at gusto niya ring malibang ang dalaga.

Tuluyan ng nangiti si Jesica ng marinig ang sinabi ni Lucila, hindi pa rin ito nagbabago at alam na alam pa rin nito ang isa sa mga kahinaan niya.

Nang papunta na sila sa parking lot ay biglang napahinton si Lucila. “Jesie do you know them?” nakatingin ito sa tatlong kalalakihan hindi kalayuan sa kanila.

Sinundan ni Jesica ang tinitingnan ng tiyahin. Nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang isa sa mga lalaking naroroon, hindi siya maaaring magkamali isa ito sa mga kaibigan ni Vincent.

“I don’t know them.” Mabilis na tugon niya sabay iling pa.  Nagmamadali niyang tinungo kung saan naka park ang kotse niya. Gustong gusto na niyang makaalis sa lugar na yun.

“Hija, slow down!” humihingal na habol ni Lucila sa dalaga.

“Sorry tita, nakalimutan ko kasi may recipe pa pala akong dapat pag-aralan.” Palusot ni Jesica, ayaw niyang makahalata ang tiyahin.

Sa kabilang panig naman ay hindi makapaniwala si Renzo sa nakita. “Dude, did you see her?” tanong nito kay Luis.  May inihatid lang silang kaibigan nila na pauwi sa Pilipinas.

“Sino?” nagtatakang tanong ni Luis.

“Si Jesica, she’s with her mom.” Nakatanaw pa rin si Renzo sa papalayong sasakyan ng dalaga.

“Who’s Jesica?” nagtatakang tanong ng isa sa mga kaibigan nila.

“Ex-girlfriend ni Vincent.” Natatawang pahayag ni Luis.

“I heard you mentioned my name.” bungad ni Vincent ng makalapit na sa mga kaibigan.

“Dude, nandito si Jesica kanina and wow! She’s still hot!” malisyosong turan ni Renzo.

“Shut up men!” medyo nainis si Vincent ng marinig ang huling sinabi ni Renzo. Ayaw niyang binabastos ng mga ito si Jesica.  

Napansin ni Luis ang pagbabago ng mood ni Vincent kaya pumagitna na ito. “Let’s go, mag lunch muna tayo.”  Sabay tapik sa balikat ni Vincent.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon