Chapter 24 part 2

80K 1.6K 29
                                    

Chapter 24 part 2

Pagdating ni Jesica sa bahay ay katahimikan ang bumungad sa kanya. Hindi siya sanay na ganun ang ambiance ng tahanan nila. 

"Nana Aning! Nana Aning!" malakas na tawag ni Jesica sa kanilang mayordoma. 

Nakita ni Jesica na humahangos na lumabas  si Elena  mula sa dining room, isa sa mga katulong nila. " Ma'am pasensiya na po hindi ko kayo agad narinig. Wala po si Manang Aning kasama po ng daddy ninyo."  Agad nitong nilapitan ang amo at kinuha ang mga bagahe ng mga ito. 

"Nasaan sila?" nagtatakang tanong niya. 

"Itinakbo po kaninang umaga sa hospital si maam Lourdes. Hinihintay din nga po namin ang tawag ni Manang Aning, nag-aalala po kami sa kalagayan ng mommy ninyo." 

At ng mapansin ni Elena na namumutla na ang amo ay inalalayan niya itong makaupo sa pinakamalapit na sofa. 

Ngayon na realize ni Jesica kung bakit balisa ang kanyang daddy ng kausap niya ito sa telepono. Hindi niya napigilan ang luha dahil sa kabang nadarama ngayon, ayaw niyang isipin na malalala ang kalagayan ng ina. 

"Elena, ikaw muna ang bahala kay Venice. Pupunta na ako sa hospital." sabay tayo nito bago tinawag ang anak. 

"Sweetie, I have to leave and see your lola, be good with ate Elena okay?" Malambing na paalam ni Jesica sa anak pero sa totoo lang ay gusto na niyang umiyak dahil sa pag-aalala sa ina. 

Marahang tumango si Venice tanda ng pagsang-ayon.

Habang nagmamaneho ay panay ang usal ng dasal ni Jesica na sana maayos ang kalagayan ng kanyang mommy. Halos gusto na niyang paliparin ang kotse ng mga sandaling yun, kanina pa niya tinatawagan ang ama ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone kaya lalong sumidhi ang kanyang pag-aalala. 

Napatingin si Jesica sa kanyang cellphone na nasa tabi, muli niyang tinawagan ang ama. 

"Daddy! Kumusta si mommy?" bungad ni Jesica ng marinig ang boses sa kabilang linya. 

"Nasaan ka na?" balik tanong ni Alejandro. 

"On my way there. Nag-aalala ako para kay mommy." nabasag na ang tinig ni Jesica. 

"Anak, drive carefully. Dito na tayo mag-uusap, I'll wait for you." sabi nito at ibinaba na niya ang telepono. 

Lalong kinabahan si Jesica ng marinig ang sinabi ng ama, hindi siya nito binigyan ng ideya tungkol sa kalagayan ng ina. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga ng matanaw na ang St. Lukes, ilang sandali na lamang ay makikita na niya ang kanyang mommy. 

Inabutan niya si Nana Aning na tahimik na nakaupo sa lobby ng hospital . "Nana, kumusta ang mommy?" mabilis niyang nilapitan ito mula sa kinauupuan. 

"Jessie, mabuti dumating ka na." sabay yakap ng matanda. Napansin din ni Jesica ang pamumugto ng mga mata nito tanda ng katatapos lamang sa pag-iyak. 

"Nasa critical situation ang Ma'am Lourdes." patuloy ni Nana Aning. 

Nanginig ang buong katawan ni Jesica sa sinabi ni Nana Aning. Nanghihina niyang isinandal ang likod sa upuan. "A-Ang daddy po?" halos bulong na lamang ang salitang lumabas sa kanyang bibig. 

"Kausap ng daddy mo ang mga doctor ni Ma'am Lourdes. O ayan na pala siya." sabay turo ni Nana Aning kay Alejandro. Papalapit ito sa kinauupuan nila. 

"Daddy..." mabilis na tumayo si Jesica at sinalubong ang ama. 

"Hija" mabilis na niyakap ni Alejandro ang anak. "I-I'm s-sorry." bulong nito.

Nagtataka si Jesica sa huling sinabi ng ama. Malaking palaisipan sa kanya kung bakit humihingi ng dispensa ang ama. "Gusto kong makita ang mommy." pagsusumamo niya dito.

"Mamaya na, kapag nakalipat na siya sa room niya. Let's talk muna anak." Iginiya niya si Jesica sa cafeteria ng hospital.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. At habang nakaupo silang mag-ama at tahimik na pinagmamasdan ni Jesica si Alejandro. Napansin niyang tumanda ang hitsura nito, ilang araw lamang silang hindi nagkita naging ganito na ang hitsura ng ama. 

"Dad, anong nangyari kay mommy? Okay naman siya bago kami pumuntang San Simon." basag ni Jesica sa katahimikan. 

"It's my fault hija." nakayukong turan ni Alejandro. 

"Inaway mo na naman ang mommy? Alam mo namang hindi siya pwedeng ma stress." may inis na naramdaman si Jesica para sa ama. "If you don't want to be with her anymore please dad just leave her. Nandito naman kami ni Venice kami na ang bahala sa kanya." 

"Jessie, si Carmen ang umaway sa mommy mo....." 

"Napakawalang hiya talaga ng mistress mo daddy. Ang lakas ng loob niya dahil hinahayaan mo siyang pagsalitaan ng masasama ang mommy." Naiiyak sa galit si Jesica. 

"Hija, hindi ko alam na pinuntahan niya ang mommy mo. May breakfast meeting ako kanina pero kung nandun lang ako hindi siya makakalapit kay Lourdes." Paliwanag ni Alejandro habang hawak nito ang mga kamay ng anak. 

"Dad, talk to that bitch. Huwag mong hintayin na ako ang kumausap sa kanya." may halong pagbabanta sa boses ni Jesica. 

"Bago ka pumunta ng San Simon kinausap ko na si Carmen. I told her that I love my family and I want to be with Lourdes again. Akala ko naintindihan niya dahil hindi niya ako inaway, wala akong narinig na masasamang salita na sinabi niya. Yun pala may iba siyang plano." Malungkot na sabi ni Alejandro. 

Hindi alam ni Jesica kung ano ang sasabihin ng marinig ang paliwanag ng ama. Nanatili lamang siyang nakayuko. 

"Don't worry anak, I'll fix this mess. Hindi ko na hahayaang makalapit siyang muli sa mommy." sabay pisil nito sa kamay ng anak. 

"Daddy, gusto ko ng makita si mommy." Hindi ipinahalata ni Jesica na natuwa siya sa sinabi ng ama. 

__________________________

A.N. 

Sorry medyo madalang akong mag-update ngayon. Medyo madami pong paper works last few days. 

Please don't forget to vote and leave your comments :) Thanks ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon