Chapter 44 part 2

73.9K 1.6K 44
                                    

A.N.

Enjoy reading ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)


_________________________________




Chapter 44 part 2

Samantalang si Vicnent ng mga oras na yun ay makikipagkita kay Renzo sa isang sikat na coffee shop malapit sa opisina nito. Mas pinili ni Vincent na makipagkita sa isang pampublikong lugar para makontrol niya ang kanyang sarili. Susubukan niyang sundin ang payo ni tito Ben na makipag-usap ng masinsinan dito.

Dirediretsong pumasok si Vincent, napailing siya ng hindi mahagilap ng paningin ang kaibigan. Kahit kalian talaga ay hindi ito maaasahan pagdating sa oras. Pumili na lamang siya ng mesa na nasa sulok para makapag-usap sila ng maayos ni Renzo.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang hinihintay. "Dude! Sorry, I need to sign some documents." Kitang kita ang pagmamadali sa tinig ni Renzo.

"Yeah, kalian ka pa naman dumating sa tamang oras." Tila naiinis na sabi ni Vincent.

Tumawa na lamang si Renzo bago hinila ang katapat na silya ni Vincent.  "Kumusta na dude? How's Jesica?"

"That's why I'm here. I need to talk to you about her." Seryosong tinitigan ni Vincent ang kaibigan.

Parang nararamdaman ni Renzo na kakaiba ang mood ng kaibigan ngayon. Ilang beses na rin niyang pinag-isipan na ipagtapat dito ang mga nangyari sa America. Ngayon na siguro ang tamang pagkakataon niya na maituwid ang mga pagkakamaling nagawa noon.  

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. "May kinalaman ka ba tungkol sa drugs?" basag ni Vincent sa pananahimik ni Renzo.

Biglang pinagpawisan si Renzo ng marinig ang tanong ni Vincent. Kitang kita niya ang pigil na galit sa mga mata nito. "Dude, I'm sorry napagkatuwaan lang namin si Jesica. Ang sungit kasi." Simula niya.

"Sh*t! Alam mo naman pala ang totoo bakit hinayaan mo akong tratuhin ng ganun si Jesica?" Pinukpok pa ni Vincent ang kanang kamay sa mesa habang nagsasalita. Pulang pula na rin siya sa galit.

"I'll talk to her kung kinakailangan para magkaayos na kayo." Pangungumbinsi ni Renzo.

"You don't need to do that. Nagkaayos na kami, gusto ko lang malaman na totoo ang naging resulta ng imbestigasyon na pinagawa ko."

Nakahinga ng maluwag si Renzo. Akala niya ay mawawalan na siya ng kaibigan. "You mean... pinapatawad mo na ako sa ginawa ko?" Nakangisi ng tanong niya. "You're lucky to have her and you should be thankful dahil may Venice ka na."

"That's my problem right now." Biglang nakalimutan ni Vincent ang pagkainis sa kaibigan ng maalala ang nangyari sa anak. Tama nga ito kung hindi dahil sa ginawa niya ay hindi siya mapapalapit kay Jesica at isa pa ay may utang na loob din siya dito dahil malaki ang naitulong ng kaibigan para makawala kay Mia.

"Why? What happened?" concern na muling tanong ni Renzo.

 

 

"She's in the hospital right now. Sinadya ang pagpapakain ng nuts sa bata."  Pagbibigay impormasyon ni Vincent.

"Baka naman si Mia ang may kagagawan nito. I know that woman; she will not accept that break- up easily. Lalo na nagproposed ka na sa kanya at napahiya ang pamilya niya. Ikaw naman kasi masyado kang impulsive magdesisyon." May halong paninisi pang sabi ni Renzo.

"Siya din ang pinaghihinalaan ko dahil wala ng ibang gagawa nun kundi siya lang. Hindi ko pa masabi kay Jesica hangga't hindi ako nakakasiguro." Tuluyan ng nalusaw ang galit na nararamdaman sa kaibigan.

Napapitik sa hangin si Renzo ng biglang may naalala. "Dude, you have to hear this, nalaman ko na second cousin pala ni Mrs. Castro ang other woman ni Mr. Tenorio." May excitement sa boses niya.

"Are you sure?" May pag-aalinlangan na tanong ni Vincent.

 

"Yes, noong isang araw ko lang nalaman.  I'm selling my rest house in Laguna at si Ms. Carmen Ventura ang gustong bumili. When I heard her name it sounds familiar to me, that's why I did some research to know her and I found out na siya pala ang babae ni Mr. Tenorio." Pagkukuwento ni Renzo.

"How did you know that she's related to Mia?" Nagiging intresado na si Vincent sa pinagsasasabi ng kaibigan.  Alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya para makabawi lang sa kasalanan nito.

"Pinagyayabang niya sa akin na pinsan nga daw niya si Mrs. Castro at galling sila sa maimpluwensiyang pamilya." Umiiling si Renzo habang nagsasalita. Tuwing naalala niya ang tagpong yun ay hindi niya maiwasan ang matawa.

Matamang nag-isip si Vincent.  "Hindi naman siguro magagawa ni Ms. Ventura sa anak namin yun. Ang pagkakaalam ko hindi naman siya inaway ni tita Lourdes o ni Jesica."

"We can't trust her dude. Nagawa nga niyang makipagarelasyon sa may asawa kaya niya rin gawin na ipahamak ang anak mo."

"Ano ang motibo niya na gawin yun?"  

"I don't know, pero isa lang ang goal ng mga ganyang klaseng tao ang manira ng pamilya."

Sumang-ayon si Vincent sa sinabi ng kaibigan.

"Dude, kahit okay na kayo ni Jesica gusto ko pa rin siyang makausap. I want to apologize about that incident.  Alam ko na masyado siyang nasaktan dahil sa kalokohan namin ni Luis."

"Babalik ako sa hospital ngayon and if you're free pwede ka ng sumabay sa akin." Gusto rin ni Vincent na nakaharap si Renzo habang ipinagtatapat kay Jesica ang tungkol sa nangyari sa bar. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon