Chapter 27 part 2

77.1K 1.5K 48
                                    

Chapter 27 part 2

Nagmamadali ang bawat hakbang ni Jesica ng makapasok siya sa building ng mga Almonte, laking pasasalamat niya dahil hindi siya nahirapang kumbinsihin ang nasa reception desk na may appointment siya kay Vincent. Siguro nakatulong din sa kanya ang kanyang apelyido dahil kilala ang kanyang daddy na isang magaling din na negosyante.

Nang nasa bungad na siya ng opisina ni Vincent ay nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok. Alam niyang sasabak siya sa matinding pakikipagtalo ngayon.

“Hi, are you Levy?” malumanay na tanong ni Jesica sabay ngiti sa inabutang babae sa opisina ni Vincent.  “I’m Jesica yung kausap mo kanina.” Pakilala niya sa sarili.

“Yes ma’am, maupo po muna kayo.” Sabay turo nito sa isang couch na nasa gilid kung saan pwedeng maghintay ang mga bisita. “Ang ganda pop ala ninyo.” Hindi na napigilang bulalas ni Levy.

“Salamat Levy, busy pa ba ang boss mo? I really need to talk to him.” wala ng paligoy ligoy na sabi ni Jesica.

“Naku ma’am may naunang bruha pos a inyo.” Nakasimangot na tugon ni Levy.

Napangiti si Jesica sa sinabi nito. “Bruha?”

“Yung fiancée po ni sir nasa loob at sigurado akong mamaya pa lalabas ang mga yun. Ewan ko ba kay sir bakit yun pa ang pinili niya, sana kayo na lang.” sabay tutop nito sa bibig tila natauhan sa sinabi. “Sorry ma’am hindi ko dapat sinabi yun.” Hinging paumanhin niya kay Jesica.

 

“That’s all right, wala naman kaming relasyon ng boss mo.” Paglilinaw ni Jesica.

“Akala ko po nandito kayo kasi nabalitaan ninyo ang engagement ni sir.”

Parang may kirot na naramdaman si Jesica dahil nakumpirma na niya na totoong may engagement na namagitan kina Vincent at Mia ang akala niya ay bali-balita lamang ito. “Hindi ibang dahilan ang ipinunta ko dito.” Tinapunan niya ng pilit na ngiti si Levy.

Ma’am gusto po ba ninyong ipaalam ko kay sir na nandito kayo?”

 

“It’s okay, I’ll wait for him. Huwag mo na silang istorbohin.”

Napaismid si Levy bago muling nagsalita. “Yung bruhang yun ma’am kung makaasta akala mo kasal na siya kay sir. Huwag po ninyo ako isusumbong kay sir Vincent na sinisiraan ko sa inyo si ma’am Mia.”

Natawa na lamang si Jesica sa narinig ngunit agad ding nawala ang ngiti sa maganda niyang mukha ng padabog na lumabas si Mia.

Nagulat si Mia ng maabutan na prenteng nakaupo si Jesica sa labas ng private office ng kanyang nobyo at nakikipagtawanan pa ito sa sekretarya ni Vincent. Agad niyang tinapunan ng masamang tingin ang dalaga. “What are you doing here?”

 

“It’s none of your business.” Balewalang tugon ni Jesica, hindi niya nagustuhan ang tingin na ipinupukol ni Mia sa kanya. Kung akala nito na masisindak siya pwes nagkakamali ito.

“Aba! Tinatanong ka ng maayos. Wala kang karapatan na bastusin ako especially dito sa loob ng kumpanya ng fiancé ko.” Mariing sabi ni Mia.

“Wala ka ring karapatan na tanungin ako kung bakit ako nandito, as you’ve said kumpanya ito ni Vincent it means siya ang kailangan ko at hindi ikaw.” Matapang na tugon ni Jesica. Ito ang natutunan niya sa America ang maging palaban at walang sinuman ang pwedeng makakatapak sa kanya.

Samantalang si Vincent naman ay hindi mapakali sa loob ng kanyang opisina dahil parang may naririnig siyang komosyon sa labas. Napatayo siya ng marinig niyang sumigaw si Mia sa labas mukhang ang pobreng sekretarya na naman niya ang napagbuntunan ng galit nito. Agad agad siyang lumabas para alamin ang nangyayari pero laking gulat niya ng mabungaran niya si Jesica. Kitang kita niya rin ang susugurin ito ni Mia kaya mabilis siyang pumagitna para hindi nito masaktan si Jesica.

“Mia! Will you stop!” halos dumagundong ang boses ni Vincent sa buong opisina at nilapitan si Jesica.

“Are you okay?”  nag-aalala niyang tanong.

Kitang kita ni Mia kung paano ang pag-aalala ni Vincent para kay Jesica. “Kaya pala bigla kang nagbago dahil sa babaeng yan!”

 

“Mia, we’ll talk later.” Halos pagtataboy na sabi ni Vincent.

“Don’t be upset Mia dahil wala kaming relasyon ng fiancé mo at hindi ko pinangarap na mainvolve sa kanya.” Paliwanag ni Jesica. Sa kabilang banda ay nauunawaan niya ang nararamdaman ni Mia dahil sa pagkakaalam nito ay nagkaroon sila noon ng relasyon ni Vincent. Kaya hindi niya masisisi ito kung ganito ang reaksiyon niya pagkakita sa kanya.

Nainis si Vincent dahil hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ni Jesica. “Mia iwanan mo muna kami ni Jesica, I need to talk to her.” Muling baling ni Vincent sa nobya na hanggang sa mga sandaling yun ay namumula pa rin sa galit.

“No way! Hindi ako makakapayag na lokohin mo ng harap harapan Vincent.” Naghihisterikal na ang boses ni Mia. “Yang babaeng yan ang paalisin mo kung hindi sisiguruhin ko sa iyo na hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin.” Pananakot ni Mia sa nobyo.

Hindi pinansin ni Vincent ang sinabi ni Mia, alam naman niyang puro pagbabanta lamang ang kaya nitong gawin. “Levy, pakihatid ang ma’am Jesica mo sa loob ng opisina ko.” Baling nito sa sekretarya na tahimik na nakikinig sa kanilang tatlo.

Mabilis na tumalima si Levy at inalalayan si Jesica. Natutuwa din siya dahil ang magandang bisita ang kinampihan ng kanyang boss.  Ilang buwan na ring niyang pinagtitiisan ang pangit na ugali ni Mia kaya laking tuwa niya ng masaksihan ang pagtatalo kanina.

“Thank you Levy.” Tinapunan ito ng tipid na ngiti ni Jesica bago nanghihinang umupo sa sofa.

_______________________ 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon