Chapter 5 part 1

105K 1.7K 28
                                    

Chapter 5 part 1

Halos limang buwan ng nakabalik sa Plipinas si Vincent, paglapag pa lamang ng eroplanong sinasakyan niya ay simula na naman ng seryoso niyang buhay. Kinakailangan niyang paluguran ang kanyang tito Francis ang nakakatandang kapatid ng kanyang papa. Mula ng maulila siya ay si tito Francis at ang butihing asawa na nito ang tumayong magulang niya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay tinutulungan niya ang mga ito sa pagpapatakbo ng Almonte's Group of Companies. 

Kasalukuyang nasa loob siya ng pribadong opisina habang nirerepaso ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Mula kaninang umaga niya pa ito binabasa pero hangang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang nilalaman ng mga hawak na papel. Tuwing ipipilkit niya ang mga mata ay ang imahe ng babaeng yun ang kanyang nakikita. 

"Shit!" napamura siya dahil nawawala na ang konsetrasyon niya sa trabaho. 

Marami na siyang naikamang babae pero ang isang ito ang pabalik-balik sa kanyang isipan. Kung kailan niya pinipilit  iwinawaksi sa isipan ay lalo lamang siyang ginugulo ng mga pinagsaluhang alaala sa bahay niya sa America. Tulad ngayon may kakaiba na namang siyang init na nararamdaman sa katawan maisip lamang niya ang babaeng yun. 

Pinukaw siya ng tunog ng telepono. 

"Sir, Mr. Pacinos is in line 1." imporma ni Joy, secretary ni Vincent. 

"Ok, thanks Joy." tugon ni Vincent at mabilis na dinampot ang line 1 para makausap ang taong inutusan. 

"Did you get any information?" masasalamin ang excitement sa boses ni Vincent. 

"Yes, sir. I will submit the report tomorrow morning." mabilis na tugon ng nasa kabilang linya.

"I want to hear it right now." may awtoridad sa boses niya.

"Her full name is Jesica Tenorio..." 

"I know that already." putol ni Vincent sa sasabihin pa ni Felix Pacinos.

"She's the only daughter of Alejandro and Lourdes Tenorio the owner of Mid Valley Shopping Malls." 

Napasinghap si Vincent habang nakikinig sa kausap, hindi niya akalain na galing sa isang kinikilalang pamilya ang babaeng nakaniig niya. At kasalukuyang nagpapagulo sa kanyang isipan.

Ang Mid Valley Shopping Malls kilalang kilala sa buong Pilipinas dahil halos bawat lalawigan ay may makikitang branch nito.  

"Sir, as of now nasa ibang bansa si Mrs. Tenorio at walang makapagsabi kung nasaan siya." patuloy ng imbestigador. 

"Nalaman mo ba ang dahilan ng pag-alis niya?" naging curious na rin siya sa family background ni Jesica. Kilala nga ang pamilya nito pero halos walang nakakapanghimasok sa pribadong buhay nila.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon