Chapter 23 part 1

82.8K 1.7K 65
                                    

Chapter 23 part 1

Nang makita ni Toffer ang mabilis na kilos ni Jesica ay sumunod na rin siya may mga katanungan siyang kailangang sagutin ni Jesica para maging maliwanag ang lahat. Tanging kompirmasyon na lamang ang gusto niyang marinig sa kaibigan para kalimutan na ang nararamdaman para dito. Naabutan niya ang dalawa sa parking space sa gilid ng simbahan.

“Sa reception na ba kayo didiretso?” tanong ni Toffer.

“I don’t know. I’m afraid that she might make a scene there…” tukoy ni Jesica kay Mia sabay buntong hininga. “Inaalala ko lang si Emer baka magtampo naman siya kung hindi niya kami makikitang mag-ina dun.”

 

“Huwag mo ngang pansinin ang bruhang yun. Ikaw ang mas may karapatan kay Vincent.” Sabay kindat nito sa kaibigan.

“What do you..”

 

“Mama, let’s go!” putol ni Venice sa sasabihin niya.

“We’ll talk later.” Makahulugang ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Toffer. “Convoy na lang tayo, mauna ka.” Sabay talikod niya para kunin din ang sasakyan sa kabilang panig ng parking area.

Samantalang si Mia naman ay inaaway si Vincent dahil sa inabutang tagpo. “Kaya pala from the start you don’t want me to attend this wedding. May ginagawa ka palang kalokohan sa likod ko.” Medyo mataas na ang boses nito.

“Ikaw ang nagsabi na ayaw mong maging part sa cheap na wedding ng pinsan ko. Do you still remember what you’ve said? o baka naman may sakit ka ng amnesia?” sarcastic na tugon ni Vincent. Naiinis si Vincent dahil napalampas niya ang pagkakataon para komprontahin si Jesica tungkol sa batang kasama nito, hindi siya maaaring magkamali kamukhang kamukha niya ito.

“Why are talking to that bitch?!” tukoy ni Mia kay Jesica.

“Let’s go! This is not the proper place to have arguments.” Tinalikuran na ni Vincent ang nobya.

Mabilis na mga hakbang ang ginawa ni Mia para sundan si Vincent at ng mahabol nya ito at matapang niyang hinarap ang binata. “I just want to remind you that I’m your fiancé. Kaya ngayon pa lang ay layuan mo na ang babaeng yun.” Utos nito kay Vincent.

Napailing na lamang si Vincent ng marinig ang sinabi nito. Ngayon niya pinagsisisihan ang padalos-dalos na desisyon. Kung sana ay tinupad niya ang mga binitiwang salita kay Jesica na maghihintay hindi siguro magiging ganito ang lahat.  

 

“Don’t worry, hindi ko nakakalimutan yun na fiancé pa lang kita.” May diin ang huling salitang binitawan ni Vincent.

Napamaang si Mia sa sinabi ni Vincent biglang nagbago ang pakikitungo niya dito. “Sweethear, hindi naman ako magagalit kung sinabi mo lang sana sa akin na nandito rin si Jesica.” Malambing nitong baling kay Vincent.

 

“Mia, hindi ko kontrolado kung sino ang mga taong makakaharap ko sa araw-araw.” Hinawi ni Vincent ang kamay ni Mia na nakahawak sa kanyang braso at mabilis na tinalikuran ito.

Galit na galit si Mia habang sinusundan ng tingin ang papalayong nobyo. Sinisiguro niya na hindi maaagaw ng ibang babae si Vincent.

“Mia, what’s going on? Kanina pa namin kayo pinapanod ng Mama mo. Nag-away ba kayo ni Vincent?” nag-aalalang tanong ng ama nito.

“It’s just a petty quarrel Papa.” Pilit na ngiti ang pinakawalan niya para hindi na mag-alala ang mga magulang.

“I don’t believe you.” Singit ng kanyang Mama.

 

“Mama, normal lang naman na magkatampuhan kami.” Mahinahong paliwanag ni Mia, alam niyang lilipas din ang inis ng nobyo.

 

“Mabuti na lamang sinama ka namin ng iyong Papa, kanina napansin ko ng kinausap ng boyfriend mo ang babaeng yun. Dating nobya ba yun ni Vincent?” Ayaw paawat ng ginang. Simula noon ay gustong gusto niyang makatuluyan ng anak si Vincent dahil sa pagiging Almonte nito.

“Let’s go baka hinihintay na kayo ng mga kaibigan ninyo.” Pag-iwas ni Mia at gusto na rin niyang sumunod sa reception ng kasal ayaw niyang bigyan ng pagkakataon si Vincent na makausap muli si Jesica. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi ni Vincent noon sa kanya na si Jesica ang gusto nitong pakasalan kaya ganun na lamang ang kanyang kaba ng makitang nag-uusap ang mga ito kanina.

Walang nagawa ang dalawang matanda ng tumalikod na si Mia.

 

Habang nagbibiyahe ang mag-ina ay nanibago si Jesica sa anak dahil napakatahimik nito. “Sweetie, are you okay?” nag-aalalang tanong niya.

“Mama, who’s that man?” sabi ni Venice habang nakatanaw ito sa bintana ng kotse.

Sinundan ng tingin ni Jesica ang tinitingnan ng anak pero wala nama siyang taong nakikita dahil bukid ang nasa paligid nila. “A man? I don’t see him?” kunwaring tanong niya sa anak pero alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.

“Mama, the man in the church.”

Tinuon ni Jesica ang atensiyon sa pagmamaneho dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ng anak.

“Is he angry to us?” inosenteng tanong muli ng bata.

“No, sweetie.” Sabay iling ni Jesica. “When we get home I will tell you a story about that man but promise me you wont get mad to mama. Is that a deal?” tinapunan niya ng matamis na ngiti ang bata.

“I promise!” tinaas pa nito ang kanang kamay .

Alam ni Jesica na darating ang ganitong pagkakataon na kailangan na niyang magpaliwanag sa anak. Susubukan niyang ipaintindi dito ang mga bagay bagay sa simpleng paliwanag. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago nilingon ang anak. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

“Why?” nagtatakang tanong niya.

 

“The man said he loves you.”

Napaubo si Jesica sa sinabi ng anak, kung nasa harap  lamang niya si Vincent ay baka nasigawan na naman niya ito dahil sa kalokohang sinabi nito sa bata.  

_________________

A.N.

Kahit sobrang busy po ako naisingit ko ang part na ito today...

Thank you guys sa tiyaga ninyong maghintay ng updates.

Please vote and leave your comments :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon