Chapter 6 part 2

100K 1.7K 19
                                    

Chapter 6 part 2

Nang makasakay na sa kotse sila sa kotse ay humingi ng paumanhin si Lourdes sa kaibigan ng anak. “I’m sorry Emer, bigla akong nahilo.”

“That’s alright tita, sa bahay na lang tayo kumain.” Nakangiti nitong lingon sa ginang na nakaupo sa likuran.

“Mama, I want chocolates.” Hirit ni Venice na nasa tabi ng lola.

“Sweetie, I told you that you can’t eat chocolates.” Malambing na tugon ni Jesica sa anak.

“Bakit bawal siya sa chocolates?” nagtatakang tanong ni Emer sa kaibigan.

“She’s allergic with any kinds of nuts. Ayoko siyang masanay na kumain ng chocolates dahil baka makakakain siya ng nut ng hindi naming alam.” Paliwanag ni Jesica.

Tumatango lang si Emer habang nakikinig sa sinasabi ni Jesica. “We need to inform Toffer baka kapag nalingat tayo mapakain ng kung anu-ano yang bata.”

 

 

“You’re right Emer, we need to inform all the people around us ayoko ng makitang nahihirapan ang apo ko.”  Niyakap ng ginang ang apo sa kanyang tabi.

Pagkatapos nilang kumain ay si Emer naman ang kinulit ni Venice. Pinagbigyan naman ni Emer ang inaanak, inuungutan kasi nitong maghabulan sila kaya ngayon ay maririnig ang matinis na sigaw ng bata sa lawn.

Sinamantala naman ni Jesica ang pagkakataon para makausap ang ina. Inabutan niya itong abala na naghahanda para sa kanilang meryenda.

 

“Mommy, napansin ko na balisa kayo kanina, may nangyari po ba?” Umupo si Jesica sa stool na naroroon habang pinapanood ang ina sa ginagawa.

Bumuntong hininga muna si Lourdes bago nagsalita. “I saw him at nilapitan pa  kami ni Venice.” Tinitigan ng ginang ang anak.

“Huh?” medyo naguguluhan si Jesica sa taong tinutukoy ng ina. “Y-You mean nandito si daddy?” may halong excitement ang mababakas sa boses niya. Magmula kasi ng maghiwalay ang mga magulang ay hindi man lang siya kinausap ng ama.

 

“It’s not your dad. Ang ama ni Venice ang nakita naming. Ayokong makarinig ng tungkol sa daddy mo.” Nakaismid nitong turan sa anak.

Nang marinig ang sinabi ng ina ay kinabahan siya. “Mommy, nakausap nyo ba siya?”

 

“Yes, kilala niya ako at tinanong ka pa nga niya sa akin.”

“W-What did you say? Nakita ba niya si Venice?” sunud-sunod na tanong ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon