Chapter 22 part 1

81.6K 1.6K 77
                                    

Chapter 22 part 1

Nagtataka si Vincent kung bakit nakiusap ang kanyang pinsan na sa hotel na lang muna siya tumigil. Ang orihinal nilang plano ay sa rancho siya tutuloy para makadalo na rin siya sa salo-salong gaganapin bago ang kasal. Ilang minuto na lamang ay nasa simbahan na siya ng makatanggap ng tawag mula kay Dennis.

“Damn! What happened dude?” napamura pa siya ng sinabi ng pinsan na nasa panganib ang bride nito.

“It’s a long story. I’ll tell you everything later. Where are you now?” sagot ni Dennis mula sa kabilang linya.

 

“Almost there, just calm down everything will be fine. Hindi naman pababayaan nina tito Francis na may masamang mangyari kay Emer.” Pampapakalma ni Vincent sa pinsan.

“I know. Kaya ikaw mag-ingat ka sa pambabae mo, dump that Mia. She’s not for you.” Panenermon ni Dennis sa pinsan.

Tinawanan lang ni Vincent ang sinabi ni Dennis. “It’s too late dude. I want to settle down and start my family kaya nakapagdesisyon na ako.”

“Don’t tell me…. Nag propose ka na kay Mia? Akala ko ba si Jesica ang nililigawan mo?” lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ni Dennis habang hinihintay ang sagot ng pinsan.

“Napag-isipan ko lang na hindi siya para sa akin. I’ll tell you everything later.” Panggagaya ni Vincent sa kanya.

Nang makarating sa simbahan ay mabilis na umibis si Vincent sa kotse at dali-daling nilapitan ang namomoroblemang pinsan.

“How’s Emer now?” mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Vincent.

“She’s safe. Kung pwede ko lang siyang puntahan sa rancho ay kanina ko pa ginawa.” Nanghihinang tugon ni Dennis sa pinsan.

Nakahinga rin ng maluwag si Vincent sa ibinalita ng pinsan.

Samantalang sina Jesica at Venice ay maagang nagtungo sa simbahan kung saan gaganapin ang engradeng kasal nina Dennis at Emer. Sinabi niya sa kaibigan na  huwag na siyang alalahanin nito dahil alam naman niya ang daan papuntang simbahan. Napag-usapan din nila ni Toffer na doon sila magkikita, natuwa siya dahil makakarating ito may makakasama siyang haharap kay Vincent kung sakali mang magtanong ito tungkol kay Venice.

 

“Mama, your phone is ringing.” Pukaw ni Venice sa pagmumuni- muni niya.

“Oh, I didn’t hear it.” Nakangiti niyang tiningnan ang anak bago dinampot ang cellphone na nasa tabi niya.

“Toffer, malapit na kami.” Bungad ni Jesica ng makita kung sino ang tumatawag.

“Oh God!, akala ko nasa rancho pa rin kayong mag-ina. Nabawasan ang kaba ko.”

“Huh? Bakit?” naguguluhan tanong ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon