Chapter 13 part 2

86.5K 1.6K 41
                                    

Chapter 13 part 2

Excitement ang nararamdaman ni Jesica ngayong araw na ito. Second day ng kanyang restaurant at siya mismo ang nag-aaskikaso ng bawat menu at talagang binubusisi niya isa-isa at kahit may mga tauhan siya ay hands on pa rin siya sa kusina. 

"Ma'am sobrang dami nating costumers." tuwang tuwang balita ni Annie ang kanyang manager.

"That's great! sana magustuhan nila ang mga menu natin para bumalik sila." nakangiting tugon ni Jesica. 

"Sure ako dyan ma'am na masarap ang mga nasa menu natin, kayo ba naman ang naghahanda at talagang pinag-aralan ninyo ang bawat recipe." patuloy na papuri ni Annie sa kanyang boss.

Nginitian na lamang ni Jesica ang babae. Natutuwa siya sa kanyang mga empleyado dahil palagay ang loob ng mga ito sa kanya. 

"Ma'am nakalimutan ko po pala may naghahanap po sa inyo, si sir Vincent. Actually he ordered for two persons para sabay na daw po kayong mag lunch."

Kinabahan na naman si Jesica pagkarinig sa pangalan ni Vincent. Matagal na ang huling pagkikita nila pero madalas naman itong tumawag kaya lamang ang kanyang mommy o ang tita Lucila niya ang sumasagot sa mga tawag nito. Iniiwasan niyang magtanong sa mga ito kung ano ang napag-uusapan nila.

"Tell him that I'm busy and I don't dine with our costumers." utos ni Jesica kay Annie.

"Ma'am boyfriend daw po ninyo sya." 

"Sinabi niya yun?" nakakunot ang noo ni Jesica. Malalagot talaga sa kanya ang lalaking ito. 

"Yes ma'am at mukhang pinagyayabang pa kayo sa mga kakilala niyang costumers. Mukhang may LQ kayo ni sir handsome." walang kamalay malay na sabi ni Annie.

Pagkarinig sa sinabi ni Annie ay dali-daling tinawag ni Jesica ang assistant chef para ipagpatuloy nito ang kanyang ginagawa. Kailangan niyang labasin si Vincent dahil baka makarating ang kalokohang pinagsasabi nito sa mga kamag-anak ng kanyang mommy at malaman ng mga ito ang tinatago niyang sekreto. 

Pagkalabas sa dining area ay inikot ni Jesica ang paningin sa mga taong naroroon. Mabuti na lamang wala pa ang kanyang mga kaibigan kundi baka maghinala ang mga ito kung makikita siyang nakikipag-usap kay Vincent. Naningkit ang mga mata niya ng mapadako ang paningin sa di-kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan. Agad niyang nilapitan ang binatang prenteng nakaupo doon. 

"What are you doing here?" singhal ni Jesica ng makalapit kay Vincent.

"Hi, honey. Akala ko hindi mo ako sasaluhang mag lunch." napakagwapo nito habang maluwag ang pagkakangiti kay Jesica. Inalalayan pa niyang makaupo ang dalaga.

"Wala talaga akong planong makasama kang kumain. Kung alam ko lang na ikaw ang may order niyan." sabay tingin nito sa mga pagkaing nakahain. "Sana nilagyan ko ng lason para tigilan mo na ako." dinadaan ni Jesica sa pagtataray para hindi mahalata ng binata na apektado siya sa presensiya nito.

"Let's eat, kanina pa ako nagugutom." nilagyan pa ni Vincent ng pagkain ang pinggan na nasa harap ni Jesica. 

"Vincent, wala akong time makipaglokohan sayo. I'm busy and I have a lot of things to attend." 

"I know, kaya nga kumain ka muna. I know you don't give time for your self nag-aalala rin ako baka magkasakit ka." malumanay na pahayag ni Vincent.

Napataas ang kilay ni Jesica ng marinig ang sinabi ni Vincent. "At kailan ka pa naging concern sa akin? baka nakakalimutan mo kung paano mo akong pinagtabuyan ng araw na yun." huli na ng marealize ni Jesica ang huling sinabi.

"I know at alam ko na napakalaki ng kasalanan ko sayo. Kaya babawi ako this time." sabay hawak ni Vincent sa mga kamay ni Jesica na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na may boyfriend na ako at nagpaplano na kaming magpakasal." Mabilis na binawi ni Jesica ang mga kamay. "Just leave me alone, nakabawi ka na." seryoso niyang sabi kay Vincent. Sabay tayo at walang lingon likod na iniwan ang binata, hindi na nakita ni Jesica ang lungkot sa mga mata ni Vincent habang pinapanood siya nitong papalayo. 

Napasandal si Jesica sa pintuan ng kitchen habang hawak nito ang dibdib. Hindi niya akalain na ganun ang magiging epekto sa kanya ng simpleng paghawak ni Vincent sa kanyang mga kamay. 

"Ma'am may sakit po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga tauhan niya.

Umiling lang si Jesica at tinalikuran na ang nagtatakang empleyado. Hindi pa siya nagtatagal sa kitchen ng sabihan siya ng isa sa mga waiter niya na nasa labas ang kanyang mga kaibigan. Inimbitahan niya sina Emer at Toffer para sabay sabay silang manganghalian. Inasikaso muna niya ang ilang orders bago niya nilabas ang mga ito. 

"Sorry guys medyo busy sa kitchen kanina." putol ni Jesica sa usapan ng mga kaibigan. Iniiwasan niya rin na mapatingin sa direksiyon kung saan naroroon si Vincent.

"Oh God! Jessie hindi ka na talaga ma reach. Super successful itong restaurant mo." tuwang tuwang nakipag beso beso si Toffer.

Kitang kita ni Vincent ng halikan sa pisngi si Jesica ni Toffer. Gustong gusto niyang lapitan ng dalaga at ilayo sa lalaki.  Naiinis siya habang pinagmamasdan si Jesica na nakikipagtawanan sa lalaking ito may panibugho siyang nararamdaman. Ilang beses na rin silang nagkaharap ng dalaga pero kahit may halong pagkukunwaring ngiti at hindi man lang siya pinagkalooban nito. Hindi na natagalan ni Vincent ang nakikita kaya napagpasyahan na lang niyang umalis na lamang dahil baka hindi niya makontrol ang sarili ay makagawa siya ng eksena na lalong ikagalit sa kanya ni Jesica.

Palihim na sinundan na lamang ng tingin ni Jesica ang papalabas na binata. Napansin niya rin na nakasimangot ito habang naglalakad. Ayaw niyang i-entertain ang guilt na nararamdaman niya para kay Vincent. 

"Hey, sis natahimik ka na diyan." pukaw ni Emer.

"May mga iniisip lang akong bagong recipe." nakangiting turan ni Jesica, hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga kaibigan ang tungkol kay Vincent. 

"Ang mabuti pa kumain na tayo dahil kanina pa ako nagugutom." sabi ni Toffer sa mga kaibigan.

Pareho sila ni Emer na tahimik na lamang kumain. Walang nakakahalata na ang bawat isa sa kanila ay may dinadalang mabigat na problema.

________________

A.N.

Maraming salamat sa pagtitiyagang paghihintay ninyo sa UD :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^__^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon