Chapter 29 part 2

80.3K 1.8K 71
                                    

Chapter 29 part 2

Humalik sa ina si Jesica ng makalapit sila ni Vincent sa kinatatayuan nito. Kitang kita niya ang pagtataka sa mga mata ng kanyang mommy, hindi makapaniwala ito sa nakikita.

“Good afternoon ma’am.” Magalang na bati ni Vincent kay Lourdes.

Alanganing ngiti ang tugon ni Lourdes sa binata, hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang ama ng kanyang apo. Galit nag alit siya dito noong mga panahong nakikita niyang naghihirap ang anak sa pagdadalantao pero wala na siyang magagawa dahil hindi na niya kayang baguhin ang katotohanan. Ang tanging magagawa na lamang niya ay respetuhin ang desisyon ng anak.

“Mommy, I’ll explain it to you later.” May pagsusumamo sa tinig ni Jesica.

“I’m really surprise to see you here Vincent. Doon kayo sa lanai mag-usap and I’ll ask Manang Aning to serve you lunch.”

 

“Tapos na kaming kumain mommy, hindi naman magtatagal si Vincent sisilipin lang niya si Venice.” Mabilis na wika ni Jesica.

 

Tumango na lamang ang ginang. “By the way before I forgot nasa library si Toffer kanina ka pa hinihintay. Puntahan mo muna ang kaibigan mo I think he needs to discuss some documents about the expansion.” Utos ni Lourdes sa anak.  “Ako na muna ang bahala kay Vincent may pag-uusapan din kami.” Seryosong baling nito sa binata.
 

Nangiti si Jesica dahil alam niya mapapalaban si Vincent sa kanyang mommy mabuti na lamang wala pa ang kanyang daddy kundi dalawa agad ang haharapin nito.

Gusto mang magprotesta ni Vincent sa sinabi ng ina ni Jesica ay wala siyang magawa, kung siya lamang sana ang masusunod hindi niya hahayaang makipag-usap ang dalaga sa kaibigan nito. Lalo na ngayong nalaman niya na may anak sila hindi siya makakapayag na may ibang lalaking malilink sa dalaga.  

“Hijo, halika dito tayo sa veranda mag-usap.” Aya ni Lourdes kay Vincent na tahimik na nakikinig sa kanilang mag-ina. Naobserbahan niya na tutol si Vincent na makipag-usap kay Toffer.

Tahimik lamang na sumunod si Vincent at ng makarating sila sa veranda ay inalalayan niyang makaupo ang ginang.

“Hijo, bakit magkasama kayo ni Jesica? Ang paalam niya sa akin kanina ay kakausapin ka lang niya para kumbinsihin na huwag ng ituloy ang pag-iimbestiga mo.” Diretsong tanong ni Lourdes.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon