Chapter 14 part 2

81.9K 1.5K 31
                                    

Chapter 14 part 2

Maaga pa lamang ay bihis na bihis na si Lourdes kaya nagtataka si Jesica ng maabutan ang ina na nag-aabang sa kanya.

“Mommy, do you have appointments today? Wala pa naman si Mang Mario siya ang nagdrive kay tita Lucila.” Bungad ni Jesica sa ina.

“I’ll go with you. Gusto kong makausap si Vincent para matapos na ito.” Seryosong sagot ni Lourdes sa anak. Nakapagdesisyon na siyang makialam sa problema ni Jesica at para makapamuhay na ito ng normal na walang kinatatakutan.

“Paano si Venice? We can’t bring her at the restaurant.” May bahid ng pag-aalala ang boses ni Jesica. Gagawin niya ang lahat hwag lamang malaman ni Vincent ang tungkol sa anak nila.

“Bahala na muna si Aning sa apo agad naman akong uuwi. Let’s go, I know you’ll be busy in the kitchen.” Yakag nito sa anak at nagpatiuna ng naglakad palabas ng kabahayan.

Isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Jesica.

Samantalang si Vincent ng mga oras na yun ay nagmamadali ring makaalis para makausap niya si Jesica bago ito maging busy sa restaurant kaya lamang may hindi siya inaasahang bisita ng mga oras na yun.

“Tita, what a surprised!” mabilis na hinalikan niya sa pisngi ang tiyahin.

“Hijo, I want to talk to you.” Tuloy tuloy itong umupo sa sofa na nasa gitna ng living room ni Vincent.

“Is it important? May hinahabol po kasi ako ngayon.” Pahiwatig ni Vincent na wala na siyang oras makupag-usap dito.

“Nasabi sa akin ng tito mo na napapabayaan mo na daw ang performance mo sa kumpanya. What’s happening to you?” may pag-aalala sa tinig ni Divina.

“Tita, don’t worry about me. May inaayos lang akong problema.” Nakangiting turan ni Vincent sa nag-aalalang tiyahin. Alam niyang may ibang dahilan ang tiyahin sa pagsadya sa kanya at nakikita niya sa mukha nito na may dinadala rin itong problema.  “Sana tinawagan na lang ninyo ako para hindi na kayo napagod sa pagpunta dito.”

 

“I need a favor from you.” Napakaseryoso ni Divina habang nagsasalita.

Napangiti si Vincent ng marinig ang sinabi ng tiyahin, tama nga siya ng hinala na may kailangan sa kanya ito. “Basta kaya ko po, I’ll do everything to help and make you happy.” Masuyong tiningnan ni Vincent si Divina, magmula ng magkasunod na mamatay ang kanyang mga magulang ito na ang tumayong pangalawa niyang ina at napkabuti nito sa kanya.

Ipinaliwanag sa kanya ni Divina na kailangan niyang pagselosin ang pinsan. Magpapanggap sila sa harapan ng anak nito.

“Tita, baka malaman ito ni Jesica.” Nag-aalangang sabi ni Vincent.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon