Chapter 24 part 1
Nang dumating si Toffer ay nagpaalam si Jesica sa kaibigan na pupunta lang sa washroom at hinabilin nito ang anak. Mahigpit niyang pinaalala sa kaibigan na bawal kumain ang bata ng nuts.
Sa di kalayuan naman ay pinagmamasdan sila ni Vincent at ng makita niyang tumayo si Jesica ay agad niyang nilapitan ang bata.
“Hi sweetie.” Nakangiting bati ni Vincent sa bata na abala sa paglalaro sa kanyang ipad.
Naging alerto naman si Toffer ng pagkakita kay Vincent. Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa at sigurado siya na kapag nakita ito ni Jesica ay mag-iinit na naman ang ulo ng kaibigan.
“Hello” nakangiting tugon ni Venice pero ang atensiyon ay nasa nilalarong games sa ipad.
“Do you like some cookies?” sabay abot ni Vincent sa platitong hawak nito.
Nanlaki ang mga mata ni Venice ng makita ang tangan ng binata, naisip niyang pagkakataon niyang makatikim nito habang wala ang kanyang mama.
Bago pa makapag protesta si Toffer ay nagmamadaling lumapit si Jesica sa tatlo at pahablot niyang inagaw ang hawak ni Vincent.
“Gusto mo bang mamatay ang anak ko?” mahina pero may galit ang bawat katagang binitiwan ni Jesica. Kung hindi lamang siya nahihiyang makaagaw ng atensiyon sa mga taong naroroon ay baka nasigawan na niya si Vincent.
“What do you mean? I’m just giving her some cookies.” Hinatak ni Vincent ang isang silya para makaupo siya.
Si Jesica naman ay agad niyang kinuha ang anak at kinalong. “Venice, are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa bata.
“Sis, hindi siya nakakain.” Sabad ni Toffer.
“Isa ka pa, pinagbilin ko sa iyong mabuti na huwag mong hahayaan na makakain ng nuts ito.” Pinandilatan din ni Jesica ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
If I Could Turn Back The Time (Completed)
General Fiction"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone, Vincent. Inaantay kita. Umaasa na baka sakaling darating ang panahon na maalala mo ako at babalikan...