Chapter 4 part 2

102K 1.8K 85
                                    

Chapter 4 part 2

Habang nagmamaneho pauwi si Emer ay hindi nakatiis na usisain ang kaibigan tungkol sa kakaibang ikinilos nito kanina. 

"Jessie, bakit parang nagmamadali ka kaninang nakita si Vincent?" tanong nito habang ang atensiyon ay nasa pagmamaneho. 

"Huh?" kunwari'y nagulat si Jesica sa sinabi ng kaibigan. "Sumama lang ang pakiramdam ko, kaya nagmamadali ako." 


Nagkibit balikat na lang si Emer, ayaw niyang bigyan ng kulay ang nangyari kanina sa restaurant. 

"Hindi mo ba talaga nakilala ang tatay niyan?" sabay nguso nito sa impis pang tiyan ng kaibigan. 

"That's my problem, kasi hindi ko matatandaan ang mukha niya. I think that's the effect of the drugs." pagsisinungaling na naman ni Jesica. Minsan ay natutukso na siyang sabihin sa kaibigan ang katotohanan kaya lang natatakot siya na maging komplikado ang sitwasyon. Kilala niya si Emer na hindi nito palalampasin ang nangyari.

Papasok pa lamang sila ng apartment ay sinalubong na sila ni Toffer. Nakasimangot ito sa kanilang dalawa. 

"Where have you been?" mataray na sita ni Toffer sa mga kaibigan.

"Kumain lang kami." maikling sagot ni Jesica at tuloy tuloy na pumasok sa loob.

"Mga bruha kayo! hindi man lang ninyo ako naalalang ipag-uwi ng pagkain." walang tigil sa pagbubunganga si Toffer. 

"Toffer, please change your perfume, ang baho mo." tinakpan pa ni Jesica ang ilong habang nagsasalita. 

"What?!! ikaw kaya ang nagregalo nito sa akin." naguguluhan si Toffer sa pinagsasabi ng kaibigan. 

"Ah! basta ayoko ng amoy mo, it's stinky." nagmamadaling tumakbo sa lababo si Jesica at doon inilabas ang lahat ng kinain. 

Mabilis naman na dinaluhan ni Emer ang kaibigan at hinagod nito ang likod. Awang awa siya kay Jesica ng mga sandaling yun, wala sa hinagap niya na mangyayari ito sa kaibigan. 

Sinundan ni Toffer ang mga kaibigan. "Jessie, are you sick?" mahahalata ang pag-aalala sa tinig nito. Iniabot din nito ang towel kay Jesica. 

Nagkatinginan sina Jesica at Emer. "I think, we need to tell him my situation." sabi ni Jesica hanang pinunasan niya ang mukha. 

Tumango si Emer tanda ng kanyang pagsang-ayon. 

"May nangyayari pala dito na hindi ko alam." talak ni Toffer. 

"Toffer, hwag ka ng magtampo. Kanina lang namin confirm that I am pregnant." tiningnan ng tuwid ni Jesica ang kaibigan.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon