Chapter 19 part 1

79.7K 1.6K 38
                                    

Chapter 19 part 1

Agad na nahagip ng tingin ni Vincent ang lalaking laging umaaligid kay Jesica na patungo sa direksiyon ng restaurant hotel kung saan din siya magchecheck-in. Alam niyang nandito rin sa Singapore si Jesica at hindi niya matatanggap kung magkasama sila ng lalaking ito. Hindi siya nagdalawang isip ng sundan niya ito at halos umusok ang kanyang ilong makitang humalik ito kay Jesica.

Walang pagdadalwang isip na nilapitan ni Vincent ang dalawa. “Anong ginagawa ng lalaking ito dito?” sintunadong tanong ni Vincent. Nakatayo siya sa tapat ng kinauupuan ni Toffer at ano mang oras ay handa na siyang sunggaban ito.

Nanlaki ang mga mata ni Jesica hindi niya inaasahan na basta na lamang susulpot ang binata sa harap niya. “Vincent, please don’t make a scene.” May himig na pakiusap na sabi niya dito.

“Just answer my question! dammit! Jesica.” Hindi na kayang pigilan ni Vincent ang galit.

Marahas na tumayo si Toffer ng marinig niya tinaasan ng boses ni Vincent ang kaibigan. “Gago ka pala eh!” akma na niyang susugurin ito mabuti na lamang ay maagap na pumagitna si Jesica sa dalawa.

 

“Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga bata nakakalimutan nyo yata na nasa public place tayo.” Pinandidilatan niya ang mga ito.

“Akala mo kung sino yang lalaking yan eh!” Duro ni Toffer kay Vincent.

“Toffer, iwanan mo muna kami. I’ll deal with it.” Tinapunan ng nagpapaunawang tingin ni Jesica ang kaibigan.

“Are you sure?” nag-aalanganing tanong ni Toffer.

Tinanguan ni Jesica ang kaibigan to give him an assurance that everything will be fine. Nakita niya rin na dinaanan ni Toffer si Venice na nasa play area kaya lumuwag ang pakiramdam niya.

 

“What do you want?!” galit na baling nito kay Vincent ng makalayo ang kaibigan. Nang walang marinig na tugon kay Vincent ay bumalik sa kinauupuan si Jesica at tinapunan ng masamang tingin si Vincent. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil nakakaagaw na sila ng pansin sa mangilan-ngilang tao na kumakain sa loob ng restaurant.

Umupo na rin si Vincent sa tapat ni Jesica at mataman niyang tinitigan ang babae. Hindi na niya alam kung paano susuyuin ang babaeng ito, kulang na lamang ay lumuhod siya sa harapan nito para tanggapin lamang siya.

Medyo nailing si Jesica ng mapansing tinititigan siya ni Vincent kaya dinaan na lamang niya sa pagtataray. “I’m waiting, what do you want?” Ulit niyang tanong sa binata.

 

“Alam mo kung ano ang gusto ko Jesica.” Makahulugang tugon ni Vincent.

 

“Vincent, paulit-ulit na lang tayo. Ilang beses ko bang dapat sabihin na tigilan mo ako.” Mariing sabi ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now