Chapter 15 part 1

84.5K 1.6K 81
                                    

Chapter 15 part 1

Nagulat si Jesica ng malaman niyang ikakasal na si Emer dahil wala itong nababanggit sa kanila tuwing magkakasama sila. Kasalukuyan silang nagmemeryenda sa isang bahagi ng hardin habang tinatanaw nilang naglalaro si Venice sa di kalayuan kasama ng kanyang yaya.

 

“Toffer are you sure?” paulit- ulit na tanong niya kay Toffer. Tuwing  may libreng oras si Toffer ay dinadalaw niya si Venice para makipaglaro dito. Napalapit na rin sa kaniya ang bata at mahal na mahal niya na ito.

 

“Ang kulit mo! Kanina pa ako ditong parang sirang plaka na paulit-ulit sa kasasagaot sa iisa mong tanong.” Sabay lagok nito ng juice na nasa harap.

“Do you know the lucky guy?” usisa ni Jesica sa kaibigan.

“Of course kapag ako ang may dala ng balita kumpleto.” Nagmamalaki sabi ni Toffer.

“Sino nga?” nagmamadaling tanong ni Jesica.

 

“I’m sure familiar ka kay Dennis Almonte, right?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jesica ng marinig ang pangalan ng pinsan ni Vincent. Hindi na muli siya nakapagsalita.

 

“Oh, I remember pinsan siya ni Vincent ang dakilang crush mo noon at ngayon naman ay stalker mo.” Alam ni Toffer ang ginagawang pagsunod-sunod ni Vincent kay Jesica. Ang tanging inililihim lamang ni Jesica sa mga kaibigan ay ang tungkol sa tunay na ama ng anak.

“Hwag nga nating pag-usapan ang lalaking yun, nasisira ang araw ko.” Nakasimangot na baling ni Jesica sa kaibigan.

Mula ng araw na nagpasya ang kanyang mommy na makikipag-usap kay Vincent at saka naman ito hindi na muling nagpakita. Ang naisip ni Jesica ay baka nagsawa na rin ito sa kasusunod sa kanya, parang may bahagi ng kanyang pagkatao ang nalulungkot ng hindi na muling sumipot si Vincent sa restaurant niya. Hindi niya namalayan na umaagos na ang kanyang mga luha habang pinapanood ang anak na masayang nakasakay sa swing.

“Hey! hey! What’s happening to you?” nag-aalalang tanong ni Toffer.

“I’m just happy for Emer because she can start her own family now, samantalang si Venice ay lalaki ng walang kikilalaning ama.” Malungkot na sabi ni Emer habang pinapahid ang mga luha sa pisngi.

“If you want I can be her father.” Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Toffer ang kailanganin siya ni Jesica.

Napatawa ng malakas si Jesica sa sinabi ni Toffer. “Tigilan mo nga ako at hwag mo akong gamitin para pagtakpan yang kabaklaan mo. Nakakadiri yang suggestion mo.” Pinanlakihan pa ng mga mata ni Jesica si Toffer.

“Aba, ikaw na nga ang tinutulungan ayaw mo pa. Hindi mo ba alam na pinagseselosan ako ni Dennis?” pagmamalaki nito.

“Really? He didn’t notice that you’re a …”

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now