Chapter 36 part 1

78.5K 1.7K 95
                                    

Chapter 36 part 1

Pagkarating na pagkarating sa restaurant ay walang sinayang na sandali si Jesica. “Vincent, I want to talk to you about…”

“Let’s eat first, hindi ako nagdinner kagabi. Putol nito sa sasabihin ni Jesica.

“We can talk while we’re eating.

“Jessie, I want to enjoy our breakfast. Aba, hindi araw- araw na kasama kitang kumain. Sabay kindat ni Vincent.

Napasimangot si Jesica, hindi niya gusto ang mga ikinikilos ni Vincent. Mula kagabi pa ay malambing na ito sa kanya at natatakot siya para sa sarili. 

Halos hindi magkandaugaga si Vincent sa pag-aasikaso kay Jesica. Masyado itong attentive sa mga pangangailangan ng dalaga. “Alam mo naturingan kang chef pero mukhang hindi ka kumakain sa tamang oras.Sabi ni Vincent sa pagitan ng pagsubo.

Nanatiling tahimik si Jesica, hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng kaharap. Ayaw niyang magsimula ng argumento sa binata ang tanging gusto niya ay maisaayos ang tungkol sa anak nila.

“Vincent, baka pwede na tayong mag-usap… I have a meeting with my supplier later. Sabay tingin ni Jesica sa kanyang relo. Pinapahiwatig niya sa kausap na may mga importanteng bagay pa siyang aasikasuhin.

“Jesica, gusto kong… kunin ang custody..

“No! I wont allow that! Sabay hampas ni Jesica sa mesa, sa ginawi niya ay nakakuha sila ng atensiyon mula sa mga katabing mesa.

 

“Then talk to your lawyer kung ayaw mong pumayag sa gusto ko. Pilit na tinitimbang ni Vincent ang damdamin ng dalaga, gusto niya ring malaman kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Jesica ang kanilang anak.

 

“Oh God! Vincent nag-iisip ka pa ba? nanghihinang bulalas ni Jesica.

“Ang gusto ko ay makasama ang anak ko. Maraming taon ang ninakaw mo sa akin, ang mga panahon na dapat kasama ko ang anak natin. Panunumbat ni Vincent.

“I am allowing you to visit her anytime, ano pa ba ang gusto mo dun?

If I Could Turn Back The Time (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora