Chapter 31 part 1

84.8K 1.7K 139
                                    

Chapter 31 part 1

Masayang masaya pa rin si Vincent hanggang sa makauwi sa bahay, kung pwede lamang ay ayaw na niyang mawala sa paningin ang anak. Natutuwa rin siya dahil binigyan siya ng pagkakataon ni Jesica na masolo si Venice at hanggang sa magpaalam siyang umalis ay hindi na muling humarap si Jesica. Ang sabi ng mommy nito ay may pinag-aaralang bagong recipe kaya hindi na pwedeng istorbohin.

Pagkarating na pagkarating ay agad niyang tinawagan ang abogado para humingi ng payo sa binabalak niya tungkol sa anak. He wanted to have an equal right in raising his daughter and from now on he will not allow Jesica to manipulate the situation. At isa pa ay gusto niya ring malaman kung pwede niyang sampahan ng kaso si Jesica dahil sa pagtatago nito sa anak.

“Attorney, ang gusto ko ay makuha ang custody ng anak ko. Pagpupumilit ni Vincent habang kausap ang abogado sa kabilang linya.

“Vincent, you should think rationally. Kapag nakuha mo ang custody ng anak mo sa tingin mo makakabuti ba sa bata yan?The lawyer was trying to explain the consequences of his decisions.

“Ang gusto ko lang malaman if you can handle this case because if not I’m ready to hire a new lawyer that I could trust. Malapit ng mapikon si Vincent sa kausap dahil pinaggigiitan nitong huwag ng magsampa ng kaso laban kay Jesica.

“I’m confident that you can win this case especially with your connections and money. I just want to remind you na hindi lang si Jesica ang masasaktan dito, pati na rin ang anak mo. Hindi pa rin sumusuko ang matandang abogado, umaasa itong makukumbinsi niya ang kliyente na huwag ng ituloy na umabot pa sa husgado ang problema.

“Sa tingin ko hindi ikaw ang tamang taong kinausap ko. Inis na ibinagsak ni Vincent ang telepono. Nagtataka siya sa inaasal ng abogado. Matagal na niya itong pinagkakatiwalaan at ngayon lamang nangyari na sinalungat siya sa kanyang desisyon.

Ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng kama at mariing pinikit ang mga mata. Sa maghapon ay ang daming nangyari, hindi niya pa rin lubos maisip na nagkaanak siya kay Jesica at tuwing naaalala ang maamong mukha ng anak ay lalo siyang nasasabik na makasama ito.

Inis na napabalikwas si Vincent ng marinig niyang nagriring ang telepono. “Hello iritado niyang sagot, wala siyang pakialam kahit sino pa ang nasa kabilang linya.

“Vincent, where are you? Kanina pa kita hinihintay. Inis na sabi n Mia.  

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now