MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 60 (Triple Date)

149K 5.5K 685
By -likha-

LUMAPIT sina Yohan, Xyro at Bright sa kanilang mga ka-date. Napakunot ang mga noo ng tatlo nang makitang may kanya-kanyang hawak na laruang baril ang tatlong babae habang seryosong binabaril ang target nila sa kani-kanilang screen ng machine.

Tahimik na pinanood lang ng tatlo ang paglalaro nina Rue, Jane at Check. Napapangiti sila dahil sa sari-saring lumalabas sa bibig ng mga ito habang bumabaril. Kapwa tumitili sina Rue at Jane pero si Check naman ay napapabulong ng mura tuwing kakalabitin nito ang laruang baril na hawak nito.

"Seriously? Sa dami ng puwedeng laruin, iyan talaga?" mahinang sabi ni Yohan na nasa likuran ni Jane.

"Go away! Nadi-distract ako sa'yo, eh!" anang si Jane pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa binabaril nito.

Napaatras si Jane dahil sa pagkagulat nang biglang may lumabas na target sa gitna ng screen. Na-apakan nito ang paa ni Yohan. Nawalan ito ng balanse kaya napakapit ito sa magkabilang balikat ni Yohan. Mabilis namang kinapitan nito sa bewang si Jane.

Nagkatitigan ang dalawa. Nanatili sila sa kanilang posisyon ng ilang segundo. Nang mahimasmasan si Jane ay kumalas ito kay Yohan at hinampas nito ito imbes na magpasalamat.

"Kainis ka kasi! Haharang-harang ka diyan sa likod ,eh!" asar na sabi ni Jane.

"Wow! Thanks, ha! Dapat pala umatras ako para napa-upo at nabalian ka na."

Samantala, nahinto sa pagbaril si Rue nang maramdaman nitong nasa likod nito si Xyro. Nahihiyang sinulyapan nito ito. Nakita nito na nakangiti ito sa kanya.

"Go on. Bakit ka huminto?"

Dinikitan ni Xyro si Rue sa likuran nito. Itinaas nito ang kamay ni Rue kung saan naroon ang laruang baril. Nagmistulang nakakulong ito kay Xyro. Dahil doon ay lalo tuloy itong hindi mapakali. Iginigiya ni Xyro kung saan nito itututok ang baril at wala na lang itong ginawa kundi ang kalabitin ang gatilyo noon.

"Lalo kang naging cute dahil sa larong 'to," ani Xyro na nasa likuran pa rin ni Rue.

Napakagat-labi si Rue sa hiya pero natuwa ito sa narinig. "Compliment ba 'yan o pang-aasar?"

"Hmm...same?" nakangiting sagot ni Xyro.

Mayamaya lang ay sabay-sabay na nilinga nina Xyro, Yohan, Rue at Jane sina Check at Bright nang makarinig silang apat ng sigawan. Nakita nilang nag-aagawan ang dalawa sa baril.

"Maghanap ka ng lalaruin mo! Ako ang nauna, eh!" sigaw ni Check kay Bright.

"Eto ang gusto ko, eh!"

Naghihilahan ang dalawa sa baril. Lumalaban ng hilahan si Check kay Bright. Mapapansin sa mukha ni Bright na naaaliw ito sa pagtingin sa mukha ni Check habang nakikipaghilahan ito dito.

"Surot ka!" sigaw ni Check.

"Pakrung ka naman!" balik na asar ni Bright.

"Bitawan mo na kasi! Sisipain na kita diyan!" banta ni Check na hindi na maipinta ang mukha sa inis.

Malakas na hinila ni Bright kay Check ang laruang baril. Sa lakas noon ay napasubsob ito ng yakap kay Bright.

"Woah! Hindi ko akalain na gumaganyang moves pala si Bright," nakangiting sabi ni Xyro.

"Ang sweet nila," sambit ni Rue habang nakangiti.

"Another level of sweetness," sabi naman ni Jane.

"Siguro in your case, kahit magpaka-sweet ang lalaki...useless lang sa'yo."

Nilinga ni Jane ang nagsalita na si Yohan na nasa tabi. Pinagsalubungan nito ito ng kilay pero ngiti naman ang isinukli nito rito.

"Hindi naman ako manhid para hindi kiligin."

Tinalikuran ni Jane si Yohan nang may ngiti sa labi. Lumaki naman lalo ang ngiti ni Yohan dahil sa binitawang salita nito.






















"LAHAT na lang ng lapitan mo nasisira."

Tiningnan ni Bright ang nakasimangot na mukha ni Check. Ilang game machines na kasi ang nilaro nito at lahat iyon ay nag 50/50 dahil sa gigil nito kung maglaro.

Napapakamot na lang ng ulo ang ilang staff ng amusement center dahil wala naman silang magagawa dahil pag-aari naman iyon ni Bright. Poproblemahin nga lang nila ang pag-aayos o pagpapalit noon para sa susunod na operasyon nila.

"Huwag ka na lang nga maglaro," nakapamaywang na sabi ni Check.

"Then why are we here? Kaya nga nandito eh, para maglaro," ani Bright sabay lapit doon sa punching machine. "This is cool."

Tinawag ni Bright sina Yohan at Xyro para makasama nito sa paglalaro ng punching machine. Natuwa ang dalawa nang makita iyon.

Naglabas ng panyo si Xyro para balutan ang kanan nitong kamao. Tinulungan ito ni Rue para ilagay iyon ng maayos. Si Jane naman ay nakikiramdam kung lalapitan ba nito si Yohan para tulungan din ito sa pagbalot ng kamao nito.

"Need help?" mahinang tanong ni Jane.

Tiningala ng nakaupong si Yohan si Jane. "Yes, please?" Ngumiti ito.

Imbes na tapusin ang sinimulang pagbalot ni Yohan ay tinanggal pa ni Jane iyon. Biglang inilabas nito ang kulay pink nitong panyo at iyon ang ipinangbalot nito sa kamao ni Yohan. Pagtingin ni Jane kay Yohan ay nahuli nito itong nakangisi.

"What's with that face, Mr. Stealer?" taas-kilay na tanong ni Jane.

"Baka lalong lumamya ang suntok ko dahil sa floral pink na panyo mo," anang nakangiting si Yohan.

"Kaya nga iyan ang inilagay ko eh, para lumakas ang suntok mo. That will serves as a charm," maarteng sabi ni Jane.

Tumalikod na si Jane at nilapitan nito si Rue at Check. Muling napangiti si Yohan habang nakatingin sa bulaklaking panyo ni Jane. Inamoy nito iyon at lalong lumaki ang ngiti nito nang maamoy ang matamis na amoy nang pabango na naroon.

"Who goes first?" tanong ni Xyro habang nag-iinat.

"Ikaw na, Xyro Cross," ani Bright na nakapamulsa. Ito lang ang tanging hindi na naglagay ng panyo sa kamay.

Umakbay si Bright kay Yohan. Nakatuon ang kanilang mga mata doon sa punching machine. Naka set ang highscore noon sa 878. Tahimik lang na nakaabang sina Rue, Jane at Check sa pagsuntok ng tatlo sa machine.

Bumuwelo na ng suntok si Xyro. Nang pakawalan nito ang suntok ay rinig na rinig ang epekto noon doon sa bag na target. Umakyat ang digital na scoring sa 964 kaya na-beat nito ang highscore.

"Woah! Ang galing ni Kuya!" tuwang-tuwang puri ni Check.

Nilapitan ni Rue si Xyro para tingnan ang kamay nito. Nagngisian naman sina Jane at Check dahil sa nakikita nilang sweetness ng bagong magkasintahan.

Ang susunod naman ay si Yohan kaya naghahanda na ito. Minasa-masahe ni Bright ang balikat ng kapatid habang tinuturuan ito ng tamang puwersa sa pagsuntok.

"Go, bro. Alam kong hasa ka na. Kayang-kaya mo 'yan," ani Xyro sabay sipol.

Kumuha na ng buwelo si Yohan para sa pagsuntok nito. Ibinigay nito ang buong puwersa nito nang suntukin na nito ang target. Sabay-sabay na nilinga ng lahat ang pagpapalit ng numero doon sa scoring.

Napapitik ng daliri si Xyro nang makita nitong iisa lang ang naging score nila ni Yohan, sumakto iyon sa 964. Gayon pa man ay masaya si Yohan sa nakuha nito dahil ang totoo ay hindi nito inaakala na aabot ng ganoon ang score na makukuha nito.

"Hey! Nice one. Mukhang lumalakas ka na, ah," ani Xyro kay Yohan.

"Thanks," anang nakangiti pa ring si Yohan.

Ilang sandali lang ay nilapitan ni Yohan si Jane para ibalik ang panyo nito. Nagtaka ito dahil nakahalukipkip lang si Jane. Ayaw nitong kunin ang iniaabot nitong panyo rito.

"I'm giving this back," sabi ni Yohan. "Thanks, Jaztine Neia Williams."

Tiningnan ni Jane ang panyo pagkatapos ay saka tumingin kay Yohan. "Just keep it. It's yours now. See? I'm so smart. Kita mo na? Lumakas ang suntok mo."

Matamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Yohan. "Yeah. I think it's a lucky charm." Napangiti si Jane dahil sa sinabi nito.

Itinuon na nila ang atensyon sa huling susuntok na si Bright. Kasalukuyang pinatutunog nito ang mga daliri sa kamay.

"Ang yabang ng Surot na 'to," bulong ni Check.

"Masisira lang 'yong machine," anang si Xyro.

"Ilang ganyan na ba ang nasira ni Kuya?" tanong ni Yohan kay Xyro.

"I'm not that sure. Basta marami na," tumatawang tugon nito.

Sumimangot si Check dahil sa narinig nitong pag-uusap nina Xyro at Yohan. Tiningnan nito si Bright at nakita nitong pumuwesto na ito sa tapat ng punching machine.

Ubod-lakas na sinuntok ni Bright ang bag na target. Napapikit sina Rue at Jane dahil sa tunog na idinulot noon. Maangas na tumayo ito ng diretso matapos nitong sumuntok.

Sumagad ng 999 ang digital scoring. Pumalakpak ang lahat maliban kay Check na nakasimangot habang nakatingin kay Bright. Mayamaya lang ay biglang may pumutok doon sa punching machine at mapapansin ang pag-usok sa likod noon.

"See," sambit ni Xyro.

"Sira," sambit naman ni Yohan.

Hindi napigilan ni Check na lapitan si Bright. Hinawakan nito ang kamay nito at tiningnan iyon. Nagtatakang nakatingin lang si Bright kay Check.

"What are you doing?" tanong ni Bright kay Check na iniinspeksyon ang kanang kamay nito.

"May bakal ba rito sa kamay mo? Cybors ka ba?" Tiningala ni Check si Bright matapos nitong magtanong.

"Cyborg, boplaks," ani Bright sabay pindot sa ilong ni Check. "Normal 'yang kamay ko. Sadyang malakas lang ako," pagmamayabang nito.

Basta na lang binitawan ni Check ang kamay ni Bright. "Yabang! Siguraduhin mo lang na pag-iingatan mo ang sarili mo tuwing mapapalaban ka. Sila ang basagan mo ng mukha!" anito sabay tapik sa braso ni Bright. "Huwag kang magpapabugbog... huwag kang mapapahamak."

Muling nakita ni Check ang pagngiti ni Bright. Hinawakan nito ang buhok ni Check at iniipit iyon sa tenga nito.

"Para sa'yo, hinding-hindi ako magpapabugbog at lalong hindi ako mapapahamak."






















"YOU really want this? Ang panget naman, eh."

Nasa tapat sila ng isang claw machine. Masyadong maliliit ang mga prizes sa ibang claw machines kaya sa claw machine kung saan puro Angry Birds ang prizes ang nilapitan ng mga babae.

"Cute naman, ah," sabi ni Check habang nakasilip doon sa machine.

"Nah! Ang panget. Paano naging cute 'yan?" malamig na tugon ni Bright.

Nagulat si Rue nang tabihan ito ni Xyro at halos isa't kalahating dangkal lang ang layo ng mukha nito rito. Gaya nito ay sumilip din ito doon sa laman ng claw machine.

"You want that? I will try to get one for you," sabi ni Xyro sabay lipat ng tingin kay Rue.

Ngumiti si Rue at saka tumango. "Thank you."

Inilayo ni Xyro ang mukha nito sa claw machine at nagsimula itong mamili ng susubukan nitong kunin. Nakaramdam naman ng sobrang kilig si Rue habang nakatingin sa boyfriend.

Samantala, dahil sa nakita ni Yohan sa mukha ni Jane na mukhang gusto rin nitong makakuha ng stuffed toy sa claw machine ay sinubukan na rin nito ang pagsungkit ng prize doon.

Makikita ang kakaibang ngiti ni Jane habang pinapanood nito si Yohan sa paglalaro. Lumabas ang kakikayan nito. Panay ang tili nito nang makailang beses ng muntikang makakuha si Yohan pero nalalaglag iyon.

Sinipat mabuti ni Yohan ang target nito sa machine at ang pagporma ng claw na kino-control nito. Seryoso ang mukha nito nang pindutin na nito ang pulang buton para bumaba na iyong claw.


"Gotcha!" ani Yohan.

Yumuko si Yohan para kunin ang nakuha nitong kulay asul na stuffed toy. Nakangiting iniabot nito iyon kay Jane.

"Sorry, ha? Walang pink, eh," ani Yohan habang nakatingin sa iniabot nitong kulay asul na angry bird kay Jane.

Pinitik ni Jane sa noo si Yohan habang nakangiti. "It's actually perfect. I also love this color."

Sa kabilang banda, nagpapapadyak na si Check dahil hindi pa rin makakuha si Bright sa dami na ng tokens na kanilang inihulog. Bakas na rin sa mukha ni Bright ang pagkainis.

"Ako na lang nga! Wala ka namang makuha, eh. Hindi ka marunong," ani Check kay Bright. Sinulyapan nito sina Rue at Jane. Napansin nitong may hawak ng dilaw na stuffed toy si Rue habang kulay asul naman ang kay Jane. "Meron na sila, ako wala pa. Hay!"

Biglang sinipa ni Bright ang machine nang malaglag na naman ang target nito. Napatingin ang dalawa pang pares na magka-date sa gawi nila. Lalong naasar si Bright nang makita nga nitong may mga hawak ng stuffed toy sina Rue at Jane samantalang hindi nito maikuha si Check.

"F*ck this sh*t!" Muling sinipa ni Bright ang claw machine. "Who created this sh*t?! Papatayin ko!"

Biglang hinampas ni Check si Bright pagkatapos ay namaywang ito. Hindi naman ito makaangal kay Check pero hindi talaga maalis ang magkasalubong nitong mga kilay.

"Kung gusto mo ng mga 'yan, ipapakuha ko lahat ng laman ng machines dito. Ibibigay ko sa'yo!" asar na sabi ni Bright. "I will not gonna waste my time sa bwiset na game na 'to!" Humirit ulit ito ng sipa sa machine.

Tinitigan ni Check sa mga mata si Bright. "Huwag na lang! Ayoko!" Nainis na rin ito.

Iniwas ni Check ang mukha nito kay Bright. 'Masyadong mainitin ang ulo mo. Nakakainis ka!'

Tumalikod si Check at nagmadaling lumayo kay Bright. Hindi naman ito pinigilan ni Bright sa pag-alis. Nanatili lang itong nakatayo habang masama ang tingin doon sa machine.

"Hala! Walk out ang peg ni Pakner," ani Jane habang sinusundan ng tingin ang lumayong si Check.

"Let's follow her," ani Rue. Ikinawit nito ang kamay sa may siko ni Jane at iginiya na para maglakad.

Sinundan nina Rue at Jane si Check. Nilapitan naman ni Xyro at Yohan ang mainit ang ulong si Bright.

"Sabihin niyo nga, mali ba ako?" tanong ni Bright sa dalawa.

Nilinga muna ni Xyro si Yohan bago nito binalikan ng tingin si Bright. "Absolutely, yes. You're terribly wrong."

Pumikit si Bright at saka naglabas ng hangin. "Then tell me, what should I do?"

"Get one for her," si Yohan ang sumagot.

Nilinga ni Bright ang claw machine pagkatapos ay nilinga rin nito si Check na kinakausap nina Rue at Jane sa hindi kalayuan.

"Okay, let's play this sh*t again."


















"I'M SORRY."

Naramdaman ni Check ang pagdikit ng dibdib ni Bright sa kanyang likuran. Tumayo ito sa kanyang likod at saka hinawakan ang kaliwa niyang kamay. Tumambad sa kanya ang isang itim na angry bird stuffed toy nang itapat iyon ni Bright sa kanyang harapan.

Nakangusong humarap si Check kay Bright. Nakita niya na seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Iniaabot nito ang itim na angry bird stuffed toy sa kanya.

"Ikaw ba ang kumuha niyan? Baka pinakuha mo lang 'yan, para may maibigay ka sa akin," nagdududang sabi ni Check.

"I really hate that stupid machine. Pero pinaghirapan kong kunin 'yan para sa'yo," sabi ni Bright na nakataas pa rin ang kamay dahil hindi pa kinukuha ni Check ang stuffed toy. "I'm sorry, Pakrung."

Kinuha ni Check ang stuffed toy. Napataas ang dalawang kilay ni Bright nang itabi niya iyon sa mukha nito. Mayamaya lang ay unti-unti siyang ngumiti.

"Kukuha ka lang, 'yong kamukha mo pa."

Sumama ang mukha ni Bright. "What?"

"Ayan, oh." Idinikit ulit ni Check ang itim na Angry Bird kay Bright. "Kamukha mo. Parehas kayong magkasalubong ang kilay."

Kinuha ni Bright ang itim na Angry Bird kay Check at saka nito tiningnan ang itsura noon. "Are you kidding me?"

Iniangat ni Check ang kamay ni Bright kung saan hawak nito ang itim na Angry Bird. Naglabas siya ng cell phone at binuksan ang camera.

"Kukunan kita ng picture kaya 'wag kang malikot," ani Check na doon nakatingin sa screen ng kanyang cell phone. "You smile. Okay?"

Ibinaba ni Bright ang kamay nito. "Ayoko!"

"Kung ayaw mo, 'di 'wag! Sa'yo na 'yan. Tutal magkamukha naman kayo!" inis niyang sabi.

"Oo na, oo na! You win," ani Bright. "Kunan mo na ako ng picture. Bilis na."

Ngumisi si Check. "Ang arte pa kasi, eh."

Ngumiti ng bahagya si Bright dahil sa hiling ni Check. Pinindot na niya ang shot para kunan ito ng picture. Masaya siyang lumapit kay Bright para ipakita iyon.

"Ang cute," ani Check habang nakatingin doon sa kanyang cell phone.

"Ako?" ani Bright habang nakaturo sa sarili.

Tiningnan niya ito. "Iyong hawak mo ang sinasabi kong cute, hindi ikaw."

Sumimangot bigla si Bright. "Tsk!"

"Magkamukha kayo... Kaya cute ka rin," biglang sabi ni Check at saka siya tumawa.

(NP: Boy In Luv)

Tinitigan saglit ni Bright si Check habang siya ay tumatawa pagkatapos ay iyong hawak naman nitong itim na Angry Bird ang sinulyapan nito. Sinalat nito ang magkasalubong na kilay noon. Napangiti ito dahil ganoon nga madalas ang ekspresyon ng mukha nito.

Ipinakita ni Bright ang hand sign nito kay Check. Kahit walang ideya kung ano ang ibig sabihin noon ay nakangiti niyang ginaya iyon.

'God, I really love this girl.'

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
27.7M 707K 109
[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High S...
133K 3.3K 48
Book two of And They Meet Again (ATMA).
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...