MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)

138K 5.3K 654
By -likha-

HINAWAKAN ni Bright ang panga niya na sinuntok ni Hendrix. Hindi na siya naawat nang mabilis siyang gumanti ng suntok. Sa lakas ng suntok na iyon ay napaupo si Hendrix sa damuhan.

"D*mn it! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" paangil niyang sabi habang nakaturo sa napaupong si Hendrix.

Hindi nagawang makiawat ulit ni Check. Tulala pa rin ito sa sinabi ni Hendrix. Nakayuko lang ito at tila umaalingawngaw pa rin sa isip nito ang narinig.

Inangat ni Check ang mukha nito at tinitigan si Bright. 'Tama ba 'yong narinig ko? Ano'ng ibig sabihin no'n? May nagawa bang kasalanan si Bright kay Drix?'

"Check, hindi ko alam ang sinasabi niya," sinserong depensa ni Bright.

Dumura ng dugo si Hendrix. Inangat nito ang mukha at tiningnan ng masama si Bright. "Nang dahil sa ginawa mo, sumuko sa buhay ang Kuya ko! Nagpakamatay siya nang dahil sa'yo!" sigaw nito.

Dahil sa bagong narinig ay napalinga si Check kay Hendrix. Nakita nito na puno ng galit ang mga mata ng kaibigan. Sunod nitong tiningnan si Bright at nakita nito na gaya ng sarili ay may tanong rin na maaaninag sa mukha nito.

"Eh gago ka pala, eh! Bakit mo isinisisi kay Bright kung nagpakamatay pala? Nuknukan ka ng tanga! Iyong kuya mo ang sisihin mo. Sinayang niya ang buhay niya!" sabat ng nanggigigil na si Jaxx. Sa likod nito ay makikitang nakakapit sina Jam at Xyro dahil kabisado ng mga ito ang ugali nito.

Samantala, makikita ang kunot sa noo ni Bright dahil winawari niya ang mga salitang sinabi ni Hendrix. Lalong kumuyom ang kanyang magkabilang kamao.

'This is bullsh*t! What the f*ck is he saying?!' Nagngalit ang mga ngipin ni Bright.

Walang sinuman ang umimik sa PRIME maging kayna Rue at Jane. Ang lahat ay naguguluhan sa akusasyong nanggaling kay Hendrix.

"Hindi niyo naiintindihan! Winakasan niya ang pangarap ng Kuya ko! Siya ang dahilan kung bakit wala na ang kapatid ko!"

Tumayong bigla si Hendrix at sumugod kay Bright. Nagpakawala ito ng suntok pero nailagan niya iyon. Sinubukan din niya na sumuntok pero nailagan rin nito iyon. Ang sumunod na nangyari ay nagkasabay sila sa pagsuntok at kapwa tinamaan sila sa kanilang mga pisngi.

"Yeah! They call me a gangster, a trouble maker... Oo hindi ko ikinakaila na pumapasok ako sa pakikipagbasag-ulo lalo na kung tinatapakan o binabangga ang grupo ko!" malakas na sabi ni Bright habang matamang nakatingin kay Hendrix. "Pero ni minsan hindi ko magagawang pumatay ng tao! That's bullsh*t! Bakit isinisisi mo ang buhay niya sa akin kung nagpakamatay pala siya? Alam mo ba ang sinasabi mo, ha? You have to pay for this crazy sh*t! Uuwi ka ngayong basag ang mukha mo!"

Susugurin sana ni Bright si Hendrix pero mabilis na yumakap sa kanya si Check para siya ay pigilan. Mula sa mahigpit na yakap ay unti-unting lumuwag iyon. Itiningala nito ang mukha.

"Pakiusap! Huwag niyong daanin sa ganito ang problema. Hindi niyo kailangang magkasakitan." Humarap si Check ay Hendrix. "Drix, please. Tama na. Mag-usap kayo para mabigyan ng linaw ang lahat."

"Check," mahinang sambit ni Bright.

"Hindi!" mariing wika ni Hendrix. "Gusto kong labanan siya! Gustong-gusto kong wasakin ang mukha niya para makaganti! Pero higit sa lahat gusto kong baliin ang binti niya! Gusto kong malumpo siya gaya ng ginawa niya sa Kuya ko!" kitang-kita ang bugso ng galit sa mga mata nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Who's your brother?! Sabihin mo sa akin kung ano ang pangalan ng taong tinutukoy mo!"

"Drave...Drave Alvarez!"

Naningkit ang mga mata ng PRIME at nagsimula silang matinginan. Si Bright naman ay naigilid ang kanyang mga mata na tila inaalala kung may kilala o nakabangga siya na ganoon ang pangalan.

"I don't know his name. Kilala niyo naman ako. Lahat ng nakabangga natin kinikilala ko para sa pag-iingat natin. Isa lang naman ang hanggang ngayon eh wala akong malinaw na impormasyon na hawak...iyon ay 'yong mga taong nanggugulo sa school." Biglang nanliit ang mga mata ni Bright habang nakatingin kay Hendrix. "Huwag mong sabihin na it's connected? Isa ba ang kapatid mo sa grupong 'yon at kabilang ka talaga sa kanila?!" Lumakas ang boses niya.

Parang baliw na bigla na lang tumawa si Hendrix. "Gaya ng sabi ko sa inyo noon, kahit patayin niyo pa ako ngayon mismo, wala akong kinalaman sa sinasabi niyo!"

Humakbang palapit si Bright. Hinawakan agad siya ni Check sa may siko para pigilan siya.

Tiningnan ni Bright sa mga mata si Check. "Kakausapin ko lang siya," malumanay niyang sabi. Bumitaw naman ito sa kanya.

Nilapitan ni Bright si Hendrix. Magkatapatan na sila. Mababanaag naman sa kanilang mga mukha na bumaba ang init ng ulo nilang dalawa.

"Kumukuha lang ako ng pagkakataon na gantihan ka. Iyon lang 'yon! Kaya makailang ulit mo na akong nahuhuli na minamatyagan ka. Matalino ka at alam mong hindi lang isa, dalawa o limang beses 'yon pero nananahimik ka lang," saad ni Hendrix.

"I know," ani Bright. Bahagya siyang tumingala. "Lahat ng pagpunta mo sa tambayan ng PRIME ay recorded. Hindi lang ako ang may alam no'n kundi lahat kami because I always inform them everything. Lalong-lalo na kung kahina-hinala. Hindi ka namin ginagalaw dahil wala ka namang mabigat na ginagawa."

"I'm just an ordinary student. Wala akong kahit na anong grupong kinabibilangan—"

"Student ba ng P.U ang Kuya mo?" singit niyang bigla.

"Hindi," tugon nito.

"Huwag tayong magkapaan," aniya at saka namulsa. "Ikuwento mo ang sinasabi mong kasalanan na nagawa ko sa Kuya mo para mabigyan ng linaw ang lahat. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, wala akong kahit na anong naaalalang ginawa sa taong sinasabi mo. I don't know him."

Samantala, tumabi sina Rue at Jane kay Check. Nagkawitan sila ng mga siko sa isa't isa. Nakatingin lang sila sa nag-uusap na sina Hendrix at Bright.

"Ang hirap palang magka-boyfriend na gangster, masyadong complicated. Nakakatakot para sa buhay niya," biglang usal ni Jane.

Napatingin bigla si Rue kay Xyro.
'Hindi kita boyfriend, pero bigla akong natakot para sa'yo. Sana naman walang mangyaring kahit na anong masama sa'yo, Xyro.'

Nakinig ang lahat ng magsimulang magkuwento si Hendrix. Sinabi nito ang buong pangalan ng kapatid, ang edad nito at ang pinapasukan nitong school.

"Supposed to be, ang araw na 'yon ang isa sa pinakamasayang araw para sa Kuya ko. Huling practice game nila 'yon sa basketball para paghandaan ang kanilang finals. Mataas ang kumpiyansa niyang mananalo ang team nila. Iyon sana ang magiging daan para maipadala at makalaro siya sa ibang bansa. Iyon ang buhay niya, ang paglalaro sa ilalim ng ring," saad ni Hendrix na napayuko na lang bigla. "Naguho ang pangarap ng Kuya ko nang araw na 'yon dahil sa nangyari sa kanya," huminto ito at mapapansin na bigla na lang nangilid ng luha ang mga mata nito.

"Go on," mahinang sambit ni Bright.

"That happened two years ago," may hinanakit na sabi ni Hendrix. "Dalawang grupo ng gangsters ang nagkaroon ng riot sa Central Ville. Bandang alas dos ng hapon. Naglalakad ang Kuya ko nang walang habas siyang sinalpok ng isang motorbike ng isa sa mga gangsters na 'yon. Imbes na ihinto ang motor niya, wala siyang awang ginulungan ang binti ng Kuya ko! At ang pinakamasakit sa lahat, imbes na balikan siya para tulungan..." Tuluyan na itong naiyak kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.

"I remember something," ani Jam.

"Iyon ba 'yong araw na hinabol natin ang ZERO?" tanong ni Xyro.

"TAMA!" sabay na sabi nina Jaxx at Jam.

Iginilid ni Yohan ang mga mata. "That day—"

"Hindi ka na pinahabol ni Bright, over protected kasi siya sa'yo noon lalo na't hindi ka pa naman marunong lumaban," singit bigla ni Bogz kay Yohan. "Ako naman, that time... Well, ano kasi..."

"Hindi ka kasama no'n, bano! Paano makakahabol ang scooter mo, ugok!" ani Gavin sa katabi nitong si Bogz.

"So, that is your brother."

Napatingin ang lahat kay Bright. Nag-angat ng mukha si Hendrix. Kung mapapansin ay tuluyan ng nawala ang galit na kanina ay makikita sa mukha ni Bright.

"My only brother," mariing usal ni Hendrix.

"So, buong akala mo, ako ang may responsibilidad sa nangyaring 'yon?" aniya habang mataman na nakatingin kay Hendrix.

"Ikaw at ikaw lang naman ang bukang bibig ng Kuya ko! Hindi ko nga maintindihan eh, kung bakit ipinagtatanggol ka ng Lola ko sa kabila ng ginawa mo sa Kuya ko!"

"It's simple. Alam kasi ng lola mo na hindi ko magagawa ang bagay na ipinaparatang mo sa akin," aniya at bahagyang ngumiti ng mapait.

"What do you mean? Ano'ng pinupunto mo? Mali ang sinabi ng kapatid ko?!" lumakas bigla ang tono ng boses nito.

"Yeah," mabilis na tugon ni Bright. "Exactly."

Naningkit bigla ang mga mata ni Hendrix. Mapapansin rin ang biglang pagnginig ng labi nito at pagtiim ng bagang.

"If I'm not mistaken, you told me that Klent, who's the asshole leader of ZERO is your cousin," ani Bright.

"Ano ngayon?"

"Why don't you ask your cousin kung ano ang ginawa niya ng panahon na 'yon?" Sinipa ni Bright ang maliit na bato na nasa kanyang tapat. "Hindi ko ikakaila na naro'n ang PRIME nang mangyari 'yon, pero baka nakakalimutan mo na may isang grupo pa at ang ZERO 'yon na pinamumunuan ng pinsan mo."

Biglang natahimik si Hendrix at nag-isip. Pumikit ito ng makailang ulit at napahawak pa sa sariling noo.

"Let me guess. Bukod sa Kuya mo na nagtuturo sa akin na ako ang dapat sisihin sa aksidenteng 'yon, eh itinuturo rin ako ng pinsan mong si Klent para idiin sa kasalanang siya naman talaga ang may gawa. Am I right?"

Napaisip si Hendrix. Totoo ang sinabi ni Bright. Ipinagtibay ni Klent ang akusasyon ng kapatid na si Drave laban kay Bright. Itinuro ni Drave si Bright dahil siya ang unang nakita nito na nasa harapan nito nang mangyari iyon at sinegundahan nga iyon ni Klent.

"Huwag mo akong paikutin!" sigaw ni Hendrix.

"Matagal ka ng napaikot...ng pinsan mo," ani Bright at saka siya umiling-iling. "Listen. I'm sorry. I was about to help your brother nang makita ko ang ginawa ng Klent na 'yon sa kanya, pero no'ng makita kong binalikan naman siya ng gagong Klent na 'yon, eh hindi na ako nakialam pa. Klent hit him not me. Nasa unahan ko si Klent because I'm chasing him. I saw it. Huminto ako noon para balikan sana ang kapatid mo. Nakita ko rin nang tingnan niya ako no'ng mag-angat siya ng kanyang mukha. That moment, nakita kong tumingin din si Klent sa akin na nasa unahan ko and that's it. Kung gano'n pala, ako ang itinuro ng pinsan mo na may kasalanan sa nangyari."

Tahimik si Hendrix matapos marinig ang kuwentong galing sa taong buong akala nito ay siyang may kasalanan sa nangyari sa kapatid nito. Nanlambot itong bigla.

Mayamaya lang ay inihilamos ni Hendrix ang dalawa nitong kamay sa mukha. Yumuko ito at pagkatapos ay bigla na lang nanakbo palayo.

"Drix!" sigaw ni Check.

"Let him." Hinawakan ni Bright ang kamay ni Check. "Magulo ang isipan niya kaya hayaan natin siyang mapag-isa.

Tiningala siya ni Check. "Totoo ba ang mga sinabi mo sa kanya? Hindi ikaw ang may kasalanan?"

Agad siyang tumango. "I'm telling the truth. Wala akong kinalaman do'n." Itinaas niya ang kanan niyang kamay. "Gago ako minsan, oo. Pero hindi ako masamang tao."

Hindi inaasahan ni Check na biglang may tumulong luha sa mga mata nito. Agad nitong pinahid iyon. Mabilis namang iniangat ni Bright ang mukha nito para tulungang pahirin ang luha nito.

"Hey, please stop. Why are you crying?"

"Eh kasi tama pala ang narinig kong sinabi ni Pakner. Ang hirap palang magka-boyfriend na gangster!" ani Check na lumuluha pa rin. "It's confiscated!"

Kumunot ang noo ni Bright. 'Confiscated? Did she mean complicated?'

Kinagat ni Bright ang ibaba niyang labi para hindi siya matawa. Niyakap na lang niyang bigla si Check.

"Hay! Tama na nga 'yan. Tara na! Kanina action, naging drama, tapos ngayon naman romance," sabi ni Jam.

"Gusto niyo ng comedy? May joke ako," biglang sabi ni Bogz.

Biglang nagsi-alisan ang lahat. Sumunod sina Check at Bright sa pag-alis ng PRIME. Maging sina Rue at Jane ay naglakad na rin palayo.

"T*ngina! Wala pa nga, eh." Nagkamot ng ulo si Bogz. "Pucha baka horror 'to? Iniwan nila ako dahil may multo?!"






















HINDI na nakasabay sa pag-uwi si Hendrix dahil nauna na ito. Labis ang pag-aalala ni Check dito dahil sa bigat ng dinadala nito. Sinubukan nito itong tawagan pero mukhang nakapatay ang cell phone nito.

Imbes na umuwi ay nanatili muna si Bright sa bahay nina Check. Doon na rin siya kumain ng hapunan kasabay ng dalawang magkapatid. Nakiligo na rin siya dahil sa maalinsangan ang panahon. Kasalukuyan silang nasa sala at nanood ng tv.

"Hay! Nag-aalala ako, bakit hindi niya sinasagot? Nagri-ring na pero ayaw naman niyang sagutin!" ani Check na naka-indian seat ang upo sa mahabang sofa.

"Puwede ba, tigilan mo na nga 'yan? I told you, kailangan niyang mapag-isa ngayon. Hayaan mo na muna ang lalaking 'yon," aniya na magkasalubong ang mga kilay.

"Mali ka naman, eh! Dapat nga magkaroon siya ng kausap para gumaan ang loob niya."

"Mali ako? Bright is always–" Natigil ang sasabihin ni Bright nang makita niyang nakataas na ang kilay ni Check. "Right. You're right. Pero kahit na, saka mo na siya kulitin dahil baka ayaw naman niya ng kausap."

"No, I trying again!"

"Ang kulit mo, Pakrung. Akin na nga 'yan!"

Inagaw ni Bright ang cell phone ni Check. Pinilit naman nitong agawin ang cell phone pabalik. Parang batang naghabulan sila sa sala. Napailing na lang ang nanonood ng tv na si Xyro.

Habang lumalayo ay binutbot ni Bright ang cell phone ni Check at napunta siya sa gallery noon. Nagsalubong agad ang kanyang mga kilay nang makakita siya ng picture nina Hendrix at Check na magkasama.

Huminto siya pagtakbo at hinarap si Check. "Ano 'tong isang 'to, ha?"

"Bulag ka ba? Edi picture!"

"Sick head! Alam kong picture 'to! Bakit may ganito kayong kuha no'ng Hendrix na 'yon?" asar na tanong ni Bright.

"Ano namang masama? Selfie lang naman 'yan sa classroom namin!"

Aagawin sana ni Check ang cell phone nito pero itinaas niya ang kanyang kamay. Dahil matangkad ay hindi nito iyon maabot.

"I will delete it!"

"Delete? Erase, ganern? No!" sigaw ni Check.

"Girlfriend kita, tapos wala tayong picture na magkasama? Tapos itong lalaking 'to—"

"Ang arte mo! Edi mag-picture tayo," singit agad ni Check.

Nawala ang magkasalubong na kilay ni Bright. "I'm just kidding. Biro lang 'yon. Ayoko," aniya.

"Heh! Game na! Huwag kang pabebe," anito.

Nahihiyang itinaas ni Bright ang cell phone para sa kanilang selfie. Nag-pose na si Check at agad na niyang pinindot ang shot button kahit na hindi siya nakangiti.

"Tsk! Ano'ng klaseng kuha 'to? Ngumiti ka naman, Surot," reklamo ni Check.

Muling itinaas ni Bright ang cell phone. Pilit ang ginawa niyang ngiti. Nakita niya sa screen ang pagpapangit ng mukha ng katabi niyang si Check kung kaya't naging natural na kahit paano ang naging pagngiti niya. Sinamantala iyon ni Check at nag-pose na ito ng maayos. Iyon ang unang picture nila na magkasama.

Tiningnan nila ng sabay ang nakuhang picture. Nagtinginan silang dalawa at sabay na ngumiti.

"Ang ganda, 'no? Sabi ko sa'yo, ang guwapo mo kapag nakangiti," nakangiti pa ring sabi ni Check.

Tumango lang si Bright bilang pagtugon. Habang nakangiting sinusuyod ng tingin ni Check ang picture nila ay abala naman siya sa pagsuyod sa buong mukha nito.

'Ikaw ang nagbibigay ng ngiti sa labi ko, Pakrung.'



(A/N)
Ang susunod na mababasa n'yong Chapter ay Chapter na para kay Xyro. ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

983K 19K 58
Highest Rank: #1 in Mystery from Sept 20-25, 2018 Lufia Santillan De Vera, mas kilala bilang Red Butterfly. She's the top agent of NBI, the badass on...
6.7K 587 23
Legend says that if you call out his name at exactly 11:11, he'll appear infront of you and will grant your wish. Althea Morales is an independent s...
7.2M 265K 61
Highest Rank - #2 in Teen Fiction (12/31/2016) •Ms.Right (Book 2)• Life goes on... at ito ang kasunod na pahina ng buhay ni Check. (THIS IS UNEDITED)
139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...