MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 55 (I Love You)

156K 5.7K 1K
By -likha-

KANINA pa nahihiwagaan ang PRIME sa ikinikilos ni Bright. Para sa kanila ay isang himala ang makitang good mood ang kanilang leader mula pa kaninang umaga.

Naglalakad sila ngayon sa high school building sa pangunguna ni Bright. Ang kanilang destinasyon ay sa classroom ng PRIME's Princess na si Check.

"Hindi kaya nakakain siya ng kung ano kaya siya nagkaganyan?" bulong ni Bogz. "Ilang beses ng ngumiti, eh. Na-sighting ng beautiful eyes ko, eh."

"Ssshh!" awat ni Yohan kay Bogz. "Kapag naasar sa'yo si Kuya, baka hindi ka matantiya niyan."

"Ayaw niyo ba no'n? Good mood siya. That's good for him," nakangiting sabi ni Xyro.

"Maybe there's something good that happened to him, kaya 'yan ang resulta," ani Jaxx.

"May suspetsa ako," bulong ni Jam.

Nagtinginan ang lahat kay Jam maliban kay Gavin na may pasak na earphones sa tenga. Kapwa nag-aantay ang mga ito sa sasabihin ni Jam.

"Nakahalik na siguro 'yang si Bright kay Pakrung niya."

Nagtaasan ang mga kilay nina Yohan, Jaxx at Xyro kasabay ng pagguhit ng mga ngiti sa labi. Si Bogz naman ay halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Jam. Sabay-sabay nilang nilinga si Bright na nasa harapan nila.

Kahit pabulong ang ginawa ni Jam ay hindi pa rin iyon nakalusot sa matalas na pandinig ni Bright. Gusto niyang mapangiti pero pinilit niyang gawing seryoso ang kanyang mukha bago siya humarap sa mga kaibigan.

"Tigilan niyo ako sa mga kalokohan niyo," ani Bright at saka namulsa. "Mali ang iniisip niyo," aniya habang pinipilit na huwag mapangiti.

"Weh?" Nanlaki ang butas ng ilong ni Bogz. "Nilaplap mo na yata talaga ang nguso ni Cutie ko, eh."

Sabay-sabay na binatukan ng lahat si Bogz. Nagtanggal ng isang nakapasak na earphone sa tenga si Gavin at saka winari kung ano ba ang nangyayari.

"What's happening?" tanong ni Gavin. Tiningnan nito isa-isa ang mga katabi.

"Huwag ka ng makisali. Nagkakalinya ka lang, eh." Ibinalik ni Bogz ang earphones sa tenga ni Gavin.

Nagsimula na ulit maglakad si Bright at sumunod naman ang lahat. Umikot sila pakaliwa kung saan makikita ang classroom ni Check. Sa dulo pa lang ng pasilyong iyon ay naglingunan na ang mga estudyanteng nasa kani-kanilang mga classrooms. Kung puwede lang tumili ang mga babae, malamang ay ginawa na ng mga ito pero nasa kalagitnaan kasi ang mga ito ng klase. Naghusto na lamang ang mga ito na kiligin sa kinauupuan habang nakalinga sa may bintana.

"I-e-excuse ba natin si Check sa klase niya?" tanong ni Jaxx.

Saglit na luminga si Bright. "Nope," sagot niya sabay balik ng tingin sa daan. "I just wanna check her."

"Grabe. Nilamon na ng pagmamahal ang leader natin," umiiling na bulong ni Jam.

Naglingunan ang buong klase ng room 4F nang tumambad sa paningin nila ang PRIME na nasa tapat ng kanilang classroom. Naningkit ang mga mata ni Bright nang makita niyang nasa harapan si Check habang abala sa pagsusulat sa board. Sumenyas siya sa buong klase. Itinuro niya si Check na nakaharap pa rin sa board para tawagin ito.

"PRINCESS!" sabay-sabay na tawag ng classmates ni Check.

Luminga si Check. "Huh?"

Sabay-sabay na tumuro ang buong klase sa tapat ng kanilang classroom. Inilinga ni Check ang ulo nito para tingnan kung sino ang nasa labas. Napataas ang dalawa nitong kilay nang makita nito ang PRIME.

Kay Bright agad nadako ang mga mata ni Check. Napakagat ito sa ibaba nitong labi nang makita nito ang pagkindat niya.

Pinilit ni Check na huwag mapangiti. 'Luh! May sanib yata ang Surot na 'to.'

Nagtaka si Check nang biglang itinaas ni Bright ang kanang kamay niya. Sa hitsura niya ay mukha siyang namamanata kaya napakunot ang noo nito.

Ilang saglit lang ay nabago ang porma ng mga daliri sa kamay ni Bright. Lalo tuloy nangamote ang utak ni Check kung ano ang ibig sabihin noon.

Sa kabilang banda, nakatingin din ang PRIME sa kamay ni Bright. Nakakunot ang noo ng lahat maliban kay Yohan na napangiti pa.

"Gang sign ba 'yan?" tanong ni Jam. "Ano? Gangster na rin si Check?" anito sabay ngisi.

"Ganito lang ang alam kong gang sign, eh." Pumorma ng gang sign si Bogz habang nakalabas ang dila. "Hey! Yow! Gangstah here. Madapaka!"

Pinagbabatukan ng PRIME si Bogz. "NAKAKAHIYA KA!" sabay-sabay na sabi ng mga ito.

Ibinaba na ni Bright ang kanyang kanang kamay at saka tumalikod na. Walang pasabi na naglakad na siya palayo sa classroom. Sumunod na rin ang buong PRIME.

"Pumunta siya dito para lang sa hand sign na 'yon?" Napakamot ng ulo si Jaxx. "What's that?"

"I love you."

Tumingin sina Jam, Jaxx, Gavin, Bogz at Xyro kay Yohan. "HUH?" sabay-sabay na sambit ng mga ito.

"I love you," ulit ni Yohan. "That's what it means," nakangiting dagdag nito.

"Really? Kaya pala hindi ko alam, eh. I love you ang ibig sabihin," ani Jam sabay hawi ng  buhok nito. "That's not my thing."

Bahagyang inilinga ng nasa unahang si Bright ang kanyang grupo. Nakita niyang nakatingin ang lahat sa kanya. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa daan at sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.




















IMBES na magsiuwi sa kani-kanilang mga bahay pagkatapos ng klase ay napagdesisyonan ng PRIME na magpunta sa PHQ. Hindi nagpahuli si Check at sumama siya sa mga ito.

Nakangiti si Check habang pinagmamasdan ang grupo ng gangsters na minsan na niyang isinumpa dahil sa delubyong idinulot ng mga ito sa kanya noon. Nagpa-practice na naman ang mga ito ng parkour o pagtalon-talon sa mga pader at bato para mahasa ang bilis nila sa pagkilos.

"Ang suwerte pala talaga ng Kuya ko dahil nakilala niya kayo," ani Check habang nakapalumbaba at may ngiti sa kanyang labi. Kitang-kita niya ang saya sa itsura ng kanyang kuyang si Xyro.

'Hinding-hindi ka nila hahayaang mapahamak, Kuya. Alam kong nasa mabuti ka pa ring lagay.'

Napatayo si Check sa tipak ng bato na kanyang inuupuan nang makita niyang magsusubok na naman tumalon si Yohan gaya ng iba.

Tumakbo siya para lapitan ang PRIME. Pagkalapit niya ay inakbayan agad siya ni Bright. Ang isang kamay nito ay isinuot naman nito sa bulsa.

"Hahayaan niyo ulit siya? Paano kung—"

"He can do it," mahinang sambit ni Bright habang nakatingin kay Yohan na naghahanda na sa pagtalon.

Luminga muna si Yohan kay Bright. Tumango si Bright at saka ngumiti. Dahil doon ay mas nadagdagan ang lakas ng loob nito.

Sumipol ang PRIME bilang senyas ng simula. Mabilis na tumalon si Yohan sa pader kung saan ito nakatayo. Mabilis nitong tinakbo ang lubak na daan at tinalon ang unang tipak na bato. Naghiyawan ang PRIME habang nakasunod ang mga mata kay Yohan. Sunod na ginawa nito ay ang pag-akyat sa sumunod na pader. Nagawa nito iyon ng maayos at mabilis ding tumalon mula sa kabila.

Napigil ni Check ang kanyang paghinga nang ang huling malayong tipak na bato na ang tinalon ni Yohan. Napabuga siya ng hangin nang makitang nagawa nito iyon ng mahusay.

"WOOOHOOO!" hiyaw ng PRIME. Nagtakbuhan ang mga ito para salubungin si Yohan.

"See?" ani Bright.

"Nakakatuwa. Nagawa nga niya!" ani Check. Nakangiti maging ang kanyang mga mata.

"Ganyan ang nagagawa kapag may inspirasyon," ani Bright habang matamang nakatingin kay Check.

Hindi naintindihan ni Check ang sinabi ni Bright dahil nakatuon ang atensyon niya sa itaas. Naningkit ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ang nakasilip mula roon.

"S-Si Drix ba 'yon?" mahinang sambit ni Check.

Agad na luminga si Bright para tingnan ang direksyon kung saan siya nakatingin. 'Hindi ito ang unang pagkakataon na napadpad ka rito. Ano ba talagang kailangan mo?!'

Pupuntahan sana ni Bright si Hendrix pero nakita nitong sumakay na ito ng motorbike nito at nagmadali ng umalis.

"Kung may itinatago ka man, sinisigurado ko sa'yo... malalaman ko rin 'yon," pabulong na sabi ni Bright.




















MATAPOS magsikain ng hapunan na niluto ni Xyro ay nagkanya-kanya na ng ginagawa ang PRIME. May nagse-cell phone, may dalawang nanonood ng tv, may nagbabasa ng libro, may dalawang nagja-jamming sa pagsayaw, at may isang tahimik lang na nilalaro ang rubik's nito.

"Pahiram," ani Check na dumunghad sa table ni Bright.

Iniwas ni Bright ang kanyang rubiks para hindi nito iyon maabot. "What are you doing here? Sabi ko sa'yo noon pa na bawal ka rito," malumanay niyang sabi.

Ngumuso si Check. "Dapat ni-lock mo 'yong pinto para hindi ako makapasok."

Gumuhit ang maliit ng ngiti sa labi ni Bright. 'Well, sinadya ko naman talaga na iwang nakabukas 'yong pinto dahil alam kong papasok ka.'

"Ngingiti ka pa diyan," ani Check. Lumapit pa ito para abutin kay Bright ang rubik's. "Pahiram na kasi. Please? Gusto kong subukan 'yan."

Pumalumbaba si Bright sa kanyang table habang nakatingin kay Check. "Mukhang kahit isang layer, hindi mo magagawa, eh."

"Luh! Ang yabang," anito na nakasimangot.

"It's impossible for you. Not hard, not difficult...impossible," panunuya niya rito.

Namaywang ito. "Oh! Edi ikaw na!"

Tinitigan ni Bright si Check. Inilapit niya ang kanyang rubik's para iabot dito. Nagtaka naman si Check dahil akala nito ay hindi talaga niya ito pahihiramin.

Nakangiting kinuha iyon ni Check at nagsimula na itong paikot-ikutin iyon. Napangiti siya dahil sa itsura ng mukha nito.

"I know you can make things possible."

Itinigil ni Check ang pagikot-ikot nung rubik's at tiningnan siya nito. "Ano kamo?" anito sabay ipinagpatuloy ang paglalaro.

"Kaya mong gawing posible ang imposible," tugon ni Bright.

Hinawakan niya ang kamay ni Check na nakahawak doon sa rubik's. Nahinto ito sa ginagawa at tiningnan siya nito.

"Parang 'yong pagkahulog ko sa'yo...imposible kasi hindi naman talaga ikaw 'yong tipo ko."

Itinuktok ni Check iyong rubik's sa noo ni Bright at saka nito binitawan iyon. "Ayoko na niyan, ang sakit sa utak. My brain getting sick," anito sabay talikod. "Tama ba 'yong english ko? Masakit kasi, kaya sick?" bulong nito sa sarili habang naglalakad palabas.

Dinampot ni Bright ang kanyang rubik's habang nakangiti. "I will teach you some other time, Pakrung!" sigaw niya.

Humarap si Check na nasa may pintuan na. "Heh! Madali pang mag-aral ng english kaysa diyan!" anito.

Pinamulahan ng pisngi si Check nang makita nito ang guwapong pagngiti ni Bright. Muli nitong nakita ang pagha-hand sign niya na hindi naman nito naintindihan kung ano ang ibig sabihin.




















"KUYA!"

Agad na napabangon si Check matapos ang isa na namang panaginip. Hindi nito inaasahan na makikita nito si Bright sa kuwartong iyon na tinulugan nito.

Dahil may damit na rin naman si Check sa PHQ na dinala nito noon pa ay gumaya na rin ito sa PRIME na doon na nagpalipas ng gabi at natulog.

Hinawi ni Bright ang buhok ni Check na nakatabing sa mukha. "Are you okay? What's wrong? Are you having a bad dream?" tanong niya.

Imbes na magalit sa kanya dahil pumasok na naman siya sa kuwarto ng walang pasabi ay yumakap pa ito sa kanya. Naramdaman niya ang panginginig nito. Hinagod niya ito sa likod.

"What's wrong? Tell me."

Nagsimula ng humikbi si Check. "Paulit-ulit. Natatakot ako."

Bahagyang inilayo ni Bright si Check para tingnan ang mukha nito. "What do you mean? Ano ang paulit-ulit?"

Nanginig ang labi ni Check at hindi ito makapagsalita. Pinahid ni Bright ang luhang umaagos na sa pisngi nito.

"Iyong...'yong panaginip ko...paulit-ulit," humihikbing sabi ni Check. Tiningala siya nito. "Natatakot ako. M-Mapapahamak si Kuya. Nakita ko, ang Kuya ko–"

Mabilis na niyakap ni Bright si Check. "Ssshh...That won't happen. It's just a dream. Hindi 'yon totoo."

Naramdman ni Bright na nababasa na ng luha ni Check ang balikat niya pero hinayaan lang niya iyon. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito.

"Ayoko ng matulog."

"You have 'to," sabi ni Bright. Hindi niya napigilang halikan ang buhok ni Check. "Don't be afraid. I'm here."

"Ayoko ng makita 'yong panaginip ko na 'yon. Natatakot ako para kay Kuya."

"Hindi 'yon mangyayari, okay? Tama na," pag-aalo niya rito.

"Please...huwag mo akong iwan, Surot," halos pabulong na sabi ni Check.

"I won't," mabilis niyang tugon. Pinahid niya ang luha sa mga mata nito.

Muling humiga si Check ng nakatagilid. Gumilid naman si Bright sa kama at naupo sa sahig. Hinila niya ang kumot hanggang sa balikat nito.

"Dito lang ako. Matulog ka na. Don't worry, wala akong anumang iniisip na gawin sa'yo," sabi ni Bright na nasa gilid ng kama.

(NP: I'll Be)

Nakitang muli ni Check ang kamay ni Bright na naka hand sign. Ginaya nito ang itsura noon sa kamay nitong inilusot doon sa kumot.

"Ano ba'ng ibig sabihin nito?" tanong ni Check sabay iniumpog ang naka-hand sign nitong kamay sa kamay ni Bright.

Ngumiti lang si Bright habang nakatingin sa kamay ni Check. Kinuha niya iyon at saka ginawaran ng halik. Napasinghap ito dahil sa ginawang niyang iyon pero hindi ito nagsalita.

"Sleep now."

Inihilig ni Bright ang ulo niya sa gilid ng kama. Magkaharapan sila ni Check. Ilang segundo rin silang nakatitig sa isa't isa bago ipikit ni Check ang mga mata nito.

"I love you."

Nang gabing iyon ay natulog si Bright sa gilid ng kamang tinutulugan ni Check habang nakahawak sa kamay nito.

(A/N)
Sino ang may alam nung hand sign? ❤️ I'm sure gets n'yo na 'yon dahil sa sign language. I, L and Y na combine. 😘

Continue Reading

You'll Also Like

8.8M 56.2K 11
"I was born to hate you." Iyan ang mga unang salitang sinabi ni Zoe sa "boyfriend" niyang si Jet kasama ng isang mala-demonyitang ngiti. Despe...
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
6.3K 324 38
Isa akong ordinaryong tao na nakatira lamang sa probinsya. Hindi ko aakalain na magbabago ang tahimik kong buhay nang makilala ko ang babaeng nagdala...
8.2K 108 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...