MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 43 (You Are)

153K 5.6K 2.4K
By -likha-

(A/N)
Ito yung update na para sana kagabi. Dahil natuwa ako sa Chapter na 'to, loaded na naman siya ng images. Haha! Again sakali mang magka-error gaya nung umuulit ang lines, paki-refresh nalang or alisin niyo sa library then ibalik niyo nalang ulit. Sana magustuhan niyo ang Chapter na 'to. Again and again, reminder po... it's Sunday, pahinga muna ako ah. Kailangan din ng utak kong magpahinga. Sa Monday ang next UD. Thanks! ❤️

•••••

ISA-ISANG pumasok ang PRIME sa entrada ng Prime University sakay ng kanilang mga motorbike. Gaya ng madalas na nangyayari, nasa huli pa rin si Bogz gamit ang scooter nito.

Huminto si Bright at hinubad ang suot niyang helmet. Hile-hilerang huminto rin ang iba at maangas na naghubad din ng mga suot na helmet ang mga ito.

"Sh*t!" mura ni Jaxx nang maramdaman nitong may bumangga sa likuran ng motorbike nito.

Paglingon ni Jaxx ay agad nitong nakita ang paatras na si Bogz. Tumingin ito rito habang nakalabas ang ngipin sa pagngiti. Inis na bumaba si Jaxx at sinilip ang likod ng motorbike nito.

"F*ck! Bakit mo binangga ang motorbike ko?!"

Inalis ni Bogz ang pang-bisikleta nitong helmet. "Sorry! Hindi ko agad naipreno, eh."

"Ipayuyupi ko na talaga 'yang kinginang scooter mo!" Sinipa ni Jaxx ang gulong sa harapan ng scooter ni Bogz.

"Ay pucha! 'Yong harapan na nga ng scooter ko ang nagkagasgas, eh!" Napakamot ng ulo si Bogz.

"Mukha mo kaya ang gasgasan ko?" ani Jaxx.

"Tara, ano?" agad na tugon ni Bogz. Pumorma ito ng boxing position.

"Stop that sh*t!" awat ni Bright.

Pinaandar na ulit ni Bright ang kanyang motorbike. Sumunod agad ang lahat. Pagkaparada ng kanilang mga motorbike ay agad na tinungo ng PRIME ang high school building.

"Ano ba'ng gagawin natin dito?" tanong ni Jam.

Patakbong lumapit ang isang guwardya sa kanilang direksyon. May bitbit itong anim na pirasong roses na may iba't ibang kulay at isang bouquet of red roses.

Iniwas ni Bright ang kanyang tingin doon sa guwardya pagkalapit nito. "Give it to them."

Habang abala sa pag-aabot ng tig-iisang rosas sa PRIME ay kinuha ni Bright sa kamay ng guwardya ang bouquet of red roses nang hindi nakatingin. Nakangisi naman ang lahat habang nakatingin sa kanya.

"Yeah-boy! It's real," nakangising sambit ni Jam.

"Ehem! Someone gets Brighter," banat naman ni Jaxx.

Nakangiti lang si Xyro habang nakatingin kay Bright na halata sa mukha ang pagkailang. Sa loob nito ay nakaramdam agad ito ng tuwa kahit wala pa namang nangyayari.

Kinagat ni Bright ang ibaba niyang labi sabay talikod dahil ayaw niyang ngumiti sa mga pang-aalaska ng kanyang mga kasama.

Bigla siyang kinalabit ni Bogz. "Bright, puwede palit tayo?"

Magkasalubong ang kilay na humarap si Bright. "Naranasan mo na bang makipagpalit ng mukha sa aso?" aniya habang ngumunguya.

"Is it possible?" nakangising tanong ni Bogz. "Para kahit minsan maranasan namang maging guwapo ng isang aso."

Ibinuga ni Bright ang chewing gum niya sa mukha ni Bogz. "I will make it possible. You want?"

Agad na umiling si Bogz. "Joke lang, 'to naman! Alam mo namang nagbibiro lang ako." Itinaas-taas nito ang mga kilay. "Oh Bright...isang ngiti mo lang."

Ihahampas sana ni Bright ang hawak na bouquet kay Bogz pero naalala niyang may pinaglalaanan nga pala siya noon. Sinimulan na lang niya ang paglalakad nang sa ganoon ay mapuntahan niya agad ang kanyang sadya.

'Just for you.'


















BREAK TIME at nag-aantay pa ang mga estudyante sa susunod nilang klase. Nakadunghad ang mga ito sa kani-kanilang mga bintana at ang ilan ay nagsi-siksikan sa may pintuan. Kilig na kilig ang mga ito habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na PRIME sa building na iyon.

"Shemay! Kinikilig ako!"

"My gosh! PRIME!"

"Bakit kaya may mga hawak silang mga colorful roses? Wah! I want one!"

"Hala! Ang puso ko!"

Nilinga ni Jaxx ang mga estudyanteng babae na hindi mapigilan ang pagtili. Isinenyas nito ang daliri para patahimikin ang mga iyon.

"Kalma lang, girls," seryoso ang boses ni Jaxx.

"Ang kukulet! Sabi ng bawal ng tumili. Pagsasabunutan ko kayo, eh!" sabi ni Bogz habang nakaturo sa mga pasaway na babae.

"Bitter mode, amputs!" sambit ni Jam sabay ngisi kay Bogz.

"Kingina mo, Jam," yamot na sabi ni Bogz.

Tumigil ang PRIME sa room 4F. Sinenyasan na ni Bright ang mga kaibigan para gawin ang kaninang plano na sinabi nito sa mga ito. Alam nito na nabigla at gusto itong pagtawanan ng mga kaibigan kanina nang sabihin nito ang munting plano habang sila ay naglalakad paakyat ng hagdan. Hindi makapaniwala ang buong tropa sa pagbabago ng timpla nitong iyon.

"Si Bright ba talaga 'yan?" pabulong na tanong ni Jaxx kay Xyro.

Nagkibit-balikat si Xyro habang nakangiti. "Well, ang masasabi ko lang...he's doing good."

"Wew! Kaya ayoko ng love na 'yan, eh," pabulong na sabi ni Jam.

"Let's just support my brother," nakangiting sabi ni Yohan.

"Pakbet! Ayokong ibigay 'to! Huhu!" Suminghot-singhot si Bogz. "She's mine!"

Inakbayan ni Gavin si Bogz. "Kung personal at sa'yo talaga manggagaling ang bulaklak...asa ka pang may tatanggap." Tinapik-tapik nito ang balikat ni Bogz habang nakaakbay. Sinimangutan ito ni Bogz dahil sa inis.

"Make way!" malakas na sigaw ni Jaxx.

Nag-alisan sa pintuan ang mga classmates ni Check. Umatras ang mga ito para bigyan ng daan ang PRIME.

'Si Xyro!' Tila gustong lumundag ni Rue sa tuwa nang makita nito sa gilid ng pintuan si Xyro.

Nakatayo lang si Check sa tabi ng kanyang table habang nakapamaywang. Hindi na siya nakigulo pa sa mga classmates niyang babae na patay na patay sa PRIME.

"Hindi ka ba lalapit do'n? I'm sure, ikaw ang sadya nila," sabi ni Hendrix na nakaupo lang sa upuan nito habang nakatingin kay Check.

"Aish! Kung BTS 'yan, magwawala at mambabalya pa ako para lang makalapit."

"BTS?" kunot-noong tanong ni Hendrix.

"Korean boy group 'yon. Shunga!" nakangusong sabi ni Check.

Nagulat si Check nang sunduin siya ng ilang mga classmates niyang babae. Kinikilig na dinala siya ng mga ito sa harapan ng kanilang classroom.

Mula sa bukana ng pinto ay unang lumapit si Jaxx kay Check. Pinatahimik nito ang buong klase at sumunod naman ang mga ito.

"You are his sunshine." Iniaabot ni Jaxx ang hawak nitong dilaw na rosas kay Check.

Nahihiya niyang tinanggap ni Check ang yellow rose na ibinibigay ni Jaxx. "Thank you, Jaxx."

Sumunod na lumapit si Gavin hawak ang isang kulay orange na rosas. Nakaramdam ng tuwa si Check dahil unang beses niyang nakita na nginitian siya nito.

"You are his music," ani Gavin sabay abot ng orange rose.

Sinuklian niya ito ng ngiti. "Salamat, Gavin."

Naningkit ang mga mata ng nakatagong si Bright doon sa labas ng pintuan. 'What the heck? Loko 'tong mga 'to! Ano ba'ng pinagsasasabi pa nila? I only ask them to give her the flower!'

Pinagsingkitan ng mga mata ni Check ang kapatid niyang si Xyro nang ito naman ang sumunod na lumapit sa kanya. Hindi niya alam ang dahilan pero nahalata niya agad sa mukha nito na masaya ito.

Sa kabilang banda, tila bumagal para kay Rue ang pagpasok ni Xyro sa kuwartong iyon. Hindi maalis ang ngiti sa labi nito.

"I guess...you are now his weakness," mahinang sambit ni Xyro sabay abot kay Check ng hawak nitong asul na rosas.

"Ang dami niyong pautot, Kuya," ani Check. Nagumisi lang ang kanyang kapatid sa kanyang sinabi.

Mayamaya lang ay sumunod namang pumasok si Jam. Nagpamalas ito ng isang pamatay na kindat. Kagat-kagat nito ang rosas sa bibig nito.

Nginitian siya ni Jam. "You know what? I think...you are his real princess now." Inabot nito ang isang pink rose sa kanya.

"Thanks, Jam."

Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan si Bogz ay lumabas na agad ang malaking ngiti sa labi ni Check dahil sa nakakatawang hitsura nito. Nakataas kasi ang dalawang kamay nito para ipakita sa kanya ang isang heart shape.

Kinuha ni Bogz ang isang berdeng rosas sa jacket nito at inabot iyon sa kanya. "You are my happines," anito habang todo ang ngiti. Pinandilatan ito nina Xyro, Gavin, Jam at Jaxx kaya bigla itong napasimangot. "You are his happiness," pagtatama nito at saka ngumuso.

"Thank you, Sabogz," nakangising sambit ni Check.

Nagkakamot ng ulo si Bogz habang palapit kayna Jam, Gavin, Jaxx at Xyro. "Kahit ang pangalan ko, hindi niya masabi ng tama. She call me Sabogz?" himutok nito sa hindi maipintang mukha. "F*ck! It hurts! I wanna die!"

Sabay-sabay na hinawakan ng apat si Bogz sa magkabilang braso at binti para ito ay buhatin. "GAME!"

Nagpumiglas si Bogz. "Hey! Ano ba?! Joke lang 'yon! Ibaba niyo ako! Joker nga 'di ba?"

Samantala, titig na titig si Check sa mukha ng nasa tapat niyang si Yohan. Todo ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

"You are...his love," simpleng sambit ni Yohan sabay abot ng white rose sa kanya.

Tinanggap ni Check ang rosas na inaabot ni Yohan. Sa ngiti nito nakasentro ang kanyang atensyon.

"S-Salamat, Yohan," mahina niyang sambit.

Humilera na si Yohan sa iba. Habang si Check ay nakatingin sa white rose na inabot nito sa kanya ay nagsimula namang magsitilian ulit ang mga kababaihan nang bumukana na sa pintuan si Bright. Hindi na nagawang awatin ng PRIME ang mga ito.

Nagsimulang maglakad si Bright palapit kay Check. 'Sh*t! What am I doing?'

"Ito ang epekto mo sa akin?" pabulong na sambit nito.

Mula sa pintuan ay makikitang napahinto sa pagpasok ang isang teacher. Kasabay noon ang paghinto ng tilian nang tumigil na si Bright sa harapan ni Check.

Kinalabit ng isang estudyante ang teacher. "Sir, nakakakilig, 'no?"

Napakamot ng ulo ang teacher. "Ang mga kabataan ngayon, sa mismong oras ng klase pa nagliligawan," bulong nito.

Samantala, seryoso ang mukha ni Check habang nakatingin kay Bright, gayon din ito sa kanya. Napasulyap si Bright sa buong tropa at lalo itong nakaramdam ng hiya nang makita nitong nakangisi ang mga ito.

Nag-init ang mukha ni Bright. 'Are they making fun of me? Bigwas kayo sa akin mamaya. Mga tukmol kayo!'

Mabilis na inangat ni Bright ang dalawa nitong kamay kung saan hawak nito ang bouquet of red roses. Pinilit nitong tingnan si Check pero kusa talagang bumibitaw ang mga mata nito dahil sa hiya.

Napatikhim si Bright. 'Sh*t! Come on! Say something!'

Tiningnan ni Check ang bouquet na iniaabot ni Bright sa kanya at tinanggap niya iyon. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay ang haba ng buhok niya dahil kinaiinggitan siya ng mga classmates niyang babae.

"P-Pakrung," mahinang sambit ni Bright. Inangat nito ang tingin para tingnan si Check.

"Huh?" Nakanganga niyang tugon.

"You are my... my Ms.Right."

(NP: Miss Right)

Nag-apir ang PRIME. Napuno ulit ng tilian ang buong paligid. Mapapansin din ang pagsilip mula sa labas nang mga estudyanteng galing pa sa mga kalapit na classrooms.

Nakaramdam ng sobrang hiya si Check pero biglang napukaw ang atensyon niya sa nakita niyang isang pigil na pagngiti mula kay Bright.

"Marunong ka naman pa lang ngumiti kahit paano."

Itinaas ni Bright ang dalawang kilay dahil hindi nito narinig ang sinabi ni Check dahil sa ingay ng paligid. "Huh?"

"You... you can smile," ani Check.

Iniwas bigla ni Bright ang mga mata nito sa kanya pero unti-unti rin nitong ibinalik iyon. "I told you, para sa'yo...gagawin ko ang imposible."



















TAHIMIK lang si Hendrix habang pasulyap-sulyap kay Check. Kanina pa ito walang kibo mula nang umalis ang PRIME sa kanilang classroom.

Napailing na lang si Hendrix nang sulyapan nito ang mga rosas at bouquet na natanggap ni Check mula kay Bright. Alam nito kung saan galing iyon, sa flower shop mismo ng Lola nito.

"Drix, pahiram ng notebook mo. Iuuwi ko," biglang untag ni Check sa tulalang si Hendrix. "Pakopya lang ng isinulat kanina ni Sir."

"Sige," tugon ni Hendrix. "Ay! Hindi pala puwede!" biglang pagbawi nito.

"Weh! Pumayag ka na kaya wala ng bawian!" Bigla niyang kinuha ang notebook ni Hendrix sa table nito. Para hindi na nito mabawi ay agad na niya iyong ipinasok sa kanyang bag. "Babalik ko naman bukas, eh."

"Hay!" Ginulo ni Hendrix ang sarili nitong buhok. "Ang tamad kasing magsulat, eh!"

Tumingin si Check sa orasan ng kanilang classroom. Napangiti siya nang makita niyang 5 minutes na lang at sa wakas ay tapos na ang kanilang klase. Tumingin siya sa makukulay na rosas na nasa ibabaw ng kanyang table. Nakangiting dinampot niya ang puting rosas na galing kay Yohan.

Idinikit ni Check ang puting rosas sa kanyang labi. 'Masaya akong nakatanggap ng bulaklak mula sa'yo Yohan... Kahit na ikaw lang ang nag-abot.'

Napapikit-pikit si Check nang bigla na lang rumehistro sa isipan niya ang nakita niyang ngiti sa mukha ni Bright.

"Cute ka kanina, pero mas cute pa rin si Yohan sa'yo," bulong niya.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Hendrix nang mapansin nitong tila nagsasalitang mag-isa si Check.

Agad niya itong nilinga. "Wala, ha!" aniya kalakip ng pag-iling.

Ilang sandali lang ay tumunog na ang bell. Nagsi-tayuan na ang lahat nang i-dismiss na ng teacher ang klase. Bago pa makalabas ng classroom ang lahat ay biglang tumunog ang signal nang radio broadcast system ng school.

"Hoy! Pakrung! Ah... Ano... Gusto ko lang sabihin na...i-ingat sa pag-uwi."

Pagkatapos ng maiksing mensahe na iyon ay tumunog ulit ang system na isang senyales na in-off na iyon ng nagsalita na walang iba kundi si Bright.

Naglingunan kay Check ang kanyang mga classmates. "YIIEE!" sabay-sabay na hirit ng mga ito.

"Heh! Magsi-uwi na nga kayo," nakangiting sabi ni Check.

Lumapit si Rue sa kanya. Todo ang ngiti nito at saka yumakap. Nang kumalas ito sa pagkakayap ay hindi pa rin naaalis ang ngiti nito sa labi.

"Ang sweet ng leader ng PRIME. Ang haba ng buhok mo today," ani Rue.

"Muntik ko na ngang maapakan kanina, eh," pabirong sabat ni Hendrix na nasa likod ni Check.

Siniko niya si Hendrix. "Tigilan niyo nga ako. Naku! Ayoko lang manghiya ng tao. Hindi ko naman talaga gusto 'to, 'no!"

Iginilid ni Check ang kanyang mga mata. 'Matutuwa talaga ako kung si Yohan ang gumawa no'n at hindi 'yong Bright na 'yon.'

"Hindi daw, eh panay ang pasasalamat at ngiti mo kanina," mahinang sabi ni Hendrix.

Lumamlam ang mukha ni Hendrix. 'Tagos sa buto nga ang selos ko.'

"Rue, gusto mo ba?" pag-aalok ni Check sa mga hawak niyang rosas.

Lumaki ang ngiti nito. "Is it okay if I get one?"

"One only? Ang dami naman nito."

"Okay na ako doon sa...sa blue," nahihiyang sambit ni Rue. "I like the blue one." Pinili nito ang kulay asul na rosas dahil alam nitong iyon ang rosas na hawak kanina ni Xyro.

"Ito bang blue?" Inabot ni Check ang asul na rosas kay Rue. "Iyan yata 'yong inabot ni Kuya."

Pagkatanggap nito sa asul na rosas ay agad nitong inangat ang tingin sa kanya. "Kuya?"

Ngumiti siya. "Yup! Kuya ko 'yong isa sa kanila... Si Xyro. 'Yong pinakaguwapo sa PRIME," pag-aangat niya sa nakatatandang kapatid.

"Ahh... Magkapatid pala kayo," tugon ni Rue.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Rue. 'Nakakatuwa namang malaman na magkapatid sila.'

Hinawak-hawakan ni Check ang mga rosas sa bouquet na galing kay Bright. Kahit inis siya rito ay nagawa niyang ngumiti ng mga sandaling iyon dahil sa sorpresang natanggap niya mula rito.

'Isa ka palang sweet na gangster.'

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 324 38
Isa akong ordinaryong tao na nakatira lamang sa probinsya. Hindi ko aakalain na magbabago ang tahimik kong buhay nang makilala ko ang babaeng nagdala...
7K 294 19
"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan...
248 105 17
Hindi akalain ni Adele Dios Lamboloto na nagising sa 2014 at bumalik ang lahat bilang Grade 7 student. Sa sobrang successful niya sa buhay bilang 40+...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.