MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)

154K 5.8K 1.1K
By -likha-

PAKIRAMDAM ni Check ay tila biglang lumiit ang lugar na iyon at hindi siya makahinga. Hindi na niya maramdaman ang lamig ng paligid at ang ingay ng hangin sa labas.

Nararamdaman na niya ang unti-unting pag-init ng paligid. Pakiramdam niya ay gawa iyon ng bonfire at ng yakap ni Bright mula sa kanyang likuran.

Nanatili silang tahimik at hindi gumagalaw o nagbabago ng posisyon. Napatingin si Check sa kamay ni Bright na ipinagsalikop nito kanina lang sa kanyang tiyan. Nakakaramdam siya ng pagkailang.

"Sa tingin mo, ano kaya ang nangyari sa'yo kung hindi kita nakita?" pagbasag ni Bright sa katahimikan.

Gustuhin man ni Check na humarap dito ay hindi niya magawa. "Oo na. Salamat." mahina niyang sambit.

"Kung sinu-sino pa ang kinakausap mo. You're talking to a stranger. Paano kung masamang tao pala 'yon? Hindi ka talaga nag-iisip. Palibhasa wala ka kasing utak."

Naigilid ni Check ang kanyang mga mata. 'Nag-iinit na talaga ang dugo ko sa gangster na 'to! Ang sakit magsalita, ha!'

"Ano ba'ng pakialam mo? Ang dami mo pang sinasabi. Sana iniwan mo na lang ako ro'n!" Dinampot niya ang isang maliit na bato malapit sa kanyang paanan at ibinato iyon sa bonfire. "Maiuuwi ko pa sana ang bike ko."

"Stupid bike! Mahalaga pa ba sa'yo 'yong bike na 'yon kay sa makauwi ka ng ligtas?" inis na tanong ni Bright.

"Ligtas? Kung hindi mo sana inilusong 'yong kotse mo sa baha, tapos doon tayo dumaan sa sinasabi ko, malamang nakauwi na tayo kanina pa...ng ligtas." Idiniin ni Check ang huling salita na kanyang sinabi. Dumampot ulit siya ng bato at inihagis iyon sa bonfire.

"So, sinasabi mo ba na mali ang ginawa ko? Kino-kontra mo na naman ako?!"

Bahagyang inilinga ni Check ang kanyang ulo. "Eh sa mali naman talaga, eh."

"Bright is always right," mariing sambit nito.

"Luh! Utot mo star!"

Nagsalubong ang kilay ni Bright. "What?!"

"Alam mo ng masisira 'yong makina ng kotse, inilusong mo pa rin," aniya sabay ismid.

"I can buy a new car. Kahit lima o sampu pa."

"Ang yabang mo!" mabilis na sabi ni Check.

"Ang yaman ko!" mabilis din na sabi ni Bright.

"Ang sama ng ugali mo!"

"Guwapo naman ako," pag-aangat nito sa sarili.

"Guwapo? Hay! Ang kapal!" dagdag na hirit ni Check.

"Sorry, but it's the reality. I'm so damn perfect."

"Hindi ka perfect, 'no!"

"I am," ani Bright.

"Kung sa tingin mo at tingin ng iba sa'yo ay perpekto ka, puwes para sa akin...hindi."

Hindi na umimik si Bright. Naramdaman nito na aalisin ni Check ang kamay niya na nakayakap dito kaya ang ginawa nito ay lalo nitong ini-lock ang mga iyon.

"Hoy! Tyansing ka na, ha! Susumbong kita sa Kuya ko!" Pilit pinaghihiwalay ni Check ang mga kamay ni Bright pero hindi niya iyon magawa dahil masyado itong malakas.

"Go ahead. Tell him. Sasamahan pa kita. Your brother won't believe you anyway."

"Kainis," mahinang usal niya habang nakapikit.

"Do you want to change your clothes? I have an extra shirt in my car. Kukunin ko. Dito ka lang," ani Bright.

"Huwag na. At saka saan naman ako magpapalit dito? Baka mamaya, bosohan mo pa ako." Inilinga ulit ni Check ang kanyang ulo at inirapan ang kasama.

"Huwag kang ano diyan. Hindi kita pagnanasaang bosohan." Mahinang iniuntog ni Bright ang ulo nito sa kanya. "Wala namang makikita sa'yo sa nipis mong 'yan."

Nanlaki ang butas ng ilong ni Check. 'Ako manipis?!'

"Tsk! Makapanglait wagas! Bitawan mo na nga ako." Kulang na lang ay kurutin niya ang kamay nito para lang maalis iyon.

"Ang payat mo."

Bahagyang humigpit lalo ang yakap nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagdantay ng baba nito sa kaliwa niyang balikat.

"Don't move. I'm going to take a nap."


















"HAACHOOO!"

Nagising si Bright dahil sa pagbahing ni Check. Napatingin siya sa suot niyang relo. Isang oras na rin sila sa lugar na iyon. Luminga siya sa labas, ganoon pa rin ang lakas ng ulan.

Napakunot ang noo ni Bright nang mapansin niyang tila nanginginig pa rin si Check habang ito ay nakayuko.

"Hey! Pakrung?"

Inantay ni Bright na sumagot ito pero nanatili lang itong nakayuko. Inalis niya ang pagkakayakap dito at dahan-dahan niyang sinilip ang mukha nito.

Dinama niya ng kanyang palad ang noo nito pagkatapos ay ang leeg naman. Napag-alaman niya na mataas ang lagnat ni Check.

'Ang tigas kasi ng ulo!'

Napahawak si Bright sa kanyang sentido. "Nakasama yata 'yong hindi niya pagpalit ng damit. Tsk!"

Sunud-sunod ang pag-ubo ni Check. Inihubad ni Bright ang jacket na isinuot niya rito pagkatapos ay inihiga niya ito. Ang nagsilbing unan nito ay ang jacket.

Gamit ang nakita niyang may kalakihan din namang karton ay nagmadaling lumabas si Bright para puntahan ang kanyang kotse sa tapat. Kinuha niya roon ang kanyang extra t-shirt at nagmadaling bumalik sa abandonadong gusali.

Nadatnan niyang yakap-yakap ni Check ang sarili nito habang umiingit. Nagmadali siyang lumapit at nag-isip kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"I hate this f*cking situation!"

Inangat niya ang ulo ni Check para buhatin ito. Inilipat muna niya ito sa pader para may masandalan ito. Bumuga muna siya ng hangin pagkatapos ay pikit-matang kinapa ang laylayan ng medyo basa pang t-shirt nito para hubarin iyon.

Kahit nakapikit na ay nakaiwas pa rin ang ulo ni Bright kay Check. Hawak ang kanyang damit na kinuha niya sa kotse ay pakapa niya rin iyong isinuot dito. Naging madali naman para sa kanya ang ginawa niyang iyon.

Mayamaya lang ay muli niyang binuhat si Check pabalik doon sa bonfire. Inihiga niya ulit ito doon sa makapal niyang jacket. Dinama niya ang noo nito. Nag-aapoy pa rin ito ng lagnat.

Tiningnan ni Bright ang suot na relo. 'Goddammit! Bakit ba kasi ang tagal nila?!'

"Kuya, huwag... Hindi...please, dito ka lang...H-Huwag kang aalis... Kuya."

Kunot-noong napatingin si Bright kay Check. Sa tingin niya ay mukhang nananaginip ito. Nakita niya na iniaangat nito ang kanang kamay nito. Hinawakan niya iyon.

Dumilat si Check ngunit namumungay ang mga mata nito. Napatingin siya sa kanyang kamay dahil humigpit ang kapit nito roon.

Habang pumipikit-pikit ay sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Check. "T-Thank you, Yohan," anito at tuluyan na muling pumikit.

Nakaramdam ng pagkadismaya si Bright dahil sa kanyang narinig. Binitawan niya ang kamay ni Check.

"Kailangan mong pagpawisan."

Dahil basa na rin ang suot ni Bright na damit ay hinubad na niya iyon. Ini-upo niya si Check patagilid sa kanya at ipinatong ulit ang jacket sa balikat nito. Inihiga niya ito sa kanan niyang braso na parang isang sanggol. Narinig ulit niya ang mahinang pag-ingit nito.

Mula sa pagkakahiga sa kanan niyang braso ay iniyakap na ng tuluyan ni Bright si Check sa kanyang hubad na katawan. Naramdaman niya ang kusang paghilig ng ulo nito sa kanyang balikat. Niyakap niya itong mabuti dahil patuloy pa rin ang panginginig nito.

"You'll be fine. I got you."

'Kahit na si Yohan pa rin ang nasa isip mo.'

Napataas ang dalawang kilay ni Bright dahil naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya matapos niyang madama ang unti-unting pagtaas ng kamay ni Check para yakapin siya pabalik.

"Masarap kang yakapin, kahit na payat ka."

















NAGTINGINAN sina Frank at Roger nang makita ng mga ito ang hitsura ni Bright. Nakayakap pa rin siya kay Check habang siya ay nakapikit.

"Bakit ngayon lang kayo? Almost three hours na kami rito," anang nakapikit pa ring si Bright.

"Sorry, Master. Pawala-wala kasi ang signal ng tracker," sagot ni Roger.

"Nahirapan din kami sa daan," segunda ni Frank.

"Okay," maiksi niyang tugon.

"Ano po'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Roger.

"Nilalagnat siya."

Lumapit na ng tuluyan sina Frank at Roger. Tutulungan sana ng mga ito si Bright sa pagbuhat kay Check pero isinenyas niya ang kanyang kamay.

"Ako na."

Kumalas siya ng yakap kay Check. Dinama muna niya ulit ang noo at leeg nito. Bahagya siyang napangiti dahil ang tingin niya ay bumaba na ang lagnat nito.

Binuhat niya si Check para dalhin sa malaking sasakyan na dala nina Frank at Roger. Malakas pa rin ang ulan at patuloy ang pag-ihip ng hangin. Malaking payong ang sinadyang bitbitin nina Roger at Frank.

Dahil sa kabilang dulo pa ng Central Ville ang Villareal Mansion ay napagdesisyonan ni Bright na sa bahay muna nina Xyro sila tumuloy nang sa ganoon ay maihatid rin nila si Check.

Nadatnan ni Bright si Xyro na nasa labas ng pintuan pagkarating nila sa tapat ng bahay nito. Halata ang labis na pag-aalala nito sa kapatid na si Check.

"God!" Niyakap agad ni Xyro si Check sa bukana ng pinto. "Saan ka ba nagpunta? Pinag-alala mo ako ng husto!"

"Kuya, gusto kong mahiga," matamlay na sabi ni Check.

"She's sick. She need to take a rest," sabi ni Bright. "Nakita ko siya sa North Point. Sorry, gusto sana kitang tawagan kaya lang drain na ang battery ng phone ko."

"Thanks a lot." Tinapik ni Xyro sa balikat si Bright. "Kung hindi mo siya nakita, baka kung ano na ang nangyari sa kanya."

Pinatuloy muna ni Xyro si Bright, Frank at Roger sa bahay para magpalipas ng gabi. Mas lalong lumakas ang ulan at delikado sa labas.

Nagluto si Xyro ng sopas na siyang bagay sa malamig na panahon. Pinahiram muna rin nito si Bright ng masusuot na damit.

"Is that for her?" tanong ni Bright nang makita niyang nagsasandok pa ng mainit na sopas si Xyro kahit tapos na silang kumain.

Nilinga siya nito. "Yeah." Ngumiti ito at ipinagpatuloy ang pagsasandok. "Kahit may lagnat 'yong kapatid kong 'yon, matakaw pa rin 'yon kung kumain."

Ipinatong ni Xyro ang mangkok na may sopas sa isang tray. Naroon na rin ang dalawang wheat bread at isang basong tubig. Binitbit na nito iyon. Pagkaharap nito ay humakbang palapit dito si Bright.

"Pwede bang ako na lang ang mag-akyat niyan?" tanong niya habang nakatingin doon sa tray.

Ngumiti si Xyro. "Sure." Inilapit nito ang tray sa kanya para ipasa iyon. "Here."

Kinuha niya ang tray kay Xyro. Agad na niyang inakyat ang hagdan papunta sa kuwarto ni Check.

Nakangiting sinundan ng tingin ni Xyro si Bright. 'I'm so glad that I have you as my friend.'

Tinungo na nga ni Bright ang kuwarto ni Check. Nakita niya na natutulog ito. Itinulak niya ang pintuan gamit ang kanyang paa para isara iyon. Lumapit siya at ibinaba sa side table ang bitbit niyang tray.

Tinitigan niya ang mukha ni Check. Itinaas niya ang kanyang kamay para ilagay iyon sa noo nito pero natigilan siya nang ito ay dumilat.

"Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo," mahinang usal ni Check. "Maraming salamat...Surot."

Gusto sanang ngumiti ni Bright pero hindi niya iyon nagawa. Tumango na lamang siya bilang tugon.

Kinuha niya ang sopas sa tray. "Kumain ka, para mainitan ang sikmura mo."

Sumandal si Check sa headboard ng kama nito. Kukunin sana nito ang mangkok sa kamay niya pero inilayo niya iyon dito.

"Susubuan kita," aniya.

"Kumunot ang noo nito. "Kaya ko naman, eh. Ako na na lang."

"Bakit ba lagi mo na lang akong kinokontra?" nakasalubong ang mga kilay na tanong ni Bright. "I said, susubuan kita."

Hindi na umangal pa si Check. Hinayaan na siya nito sa nais niyang gawin. Hinipan muna niya ang sinandok niyang sopas bago isubo iyon dito.

Biglang nasamid si Check. Agad na kinuha ni Bright ang baso ng tubig at pinainom iyon dito. Pinahid niya ang kaunting tubig na umagos sa gilid ng labi nito. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nakaramdam ito ng pagkailang.

Muli sanang susubuan ni Bright si Check nang bigla na lang itong tumili. Tila nawala ang lagnat nito at nagmadali itong bumaba ng kama.

"Hey! What happend?" nagtataka niyang tanong. Ibinalik muna niya ang sopas sa tray na nasa side table.

"Bakit nagbago ang damit ko?!" malakas na tanong ni Check habang nakatingin sa suot nitong pulang t-shirt ni Bright.

"Kaya ka nga nilagnat dahil hindi naagapan ang pagpalit ng damit mo," aniya na nakaupo pa rin sa gilid ng kama ni Check.

"You bold me?!"

Tumayo si Bright. "What?!"

Niyakap ni Check ang sarili. "Waaah! Manyak ka! Hinubaran mo ako!"

"Woah! Ako manyak?" Itinuro ni Bright ang kanyang sarili. "Hoy! Pakrung! Ikaw na nga diyan ang inalagaan, ako pa 'tong aakusahan mo ng ganyan."

"Eh hinubaran mo ako, eh!" Ibinato nito ang isang unan sa kanya pero sinalo lang niya iyon at ibinalik sa kama.

"Believe it or not, I didn't see anything. Nakapikit ako no'ng pinalitan kita ng damit."

"Palusot ka pa! Isusumbong kita sa Kuya ko!" Naglakad si Check papunta sa pinto. Hinarangan niya ito.

"I swear, wala akong nakita. Mamatay man ako," sabi ni Bright habang nakataas ang kanang kamay.

"Sureness?"

"Ang o.a mong mag-react," aniya. "Siguro kung tumingin man ako, hindi ako masisiyahan dahil wala rin naman akong makikita."

Sa narinig ay biglang pinamulahan ng mukha si Check. Agad siya nitong sinugod para suntukin pero mabilis siyang nakaiwas.

Nakapitan ni Bright si Check sa bewang nito at bilang sukli sa gagawin sanang suntok nito ay niyakap na lang niya ito. Natigilan ito dahil doon.

"Ang payat mo...Hindi ka masarap yakapin."

Bahagyang lumabas ang ngiti sa labi ni Bright habang nakayakap kay Check. Alam niya kasing nagsinungaling siya sa sinabi niyang iyon. Taliwas iyon sa unang binitawan niyang salita kanina noong nasa abadonadong gusali silang dalawa.

Napahawak si Check sa noo nito. Nakaramdam itong bigla ng panlalambot. Napansin din iyon ni Bright kaya inalalayan niya ito pabalik sa kama. Inihiga niya ito at saka kinumutan.

"Saka mo na ako suntukin kapag magaling ka na."

"Sinabi mo 'yan, ha? Kaya humanda ka sa akin," nakasimangot na sabi ni Check. "Tatamaan ka talaga sa akin."

(NP: Boy In Luv)

Tinitigan ni Bright si Check nang pumikit na ito. Noon niya lang pinakawalan ang ngiti na kanina pa niya pinipigilan.

'You just did.'

Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 3.8K 102
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka lang haha!
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
537K 6.8K 26
A rumor had been spreading in Cody De Roxas' classroom, about a boy hidden in the past yet existing in the present. Now, how can Cody and his friends...