MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 34 (His Reason)

158K 5.8K 1.2K
By -likha-

NAPAATRAS agad si Xyro sa pintuan nang dahil sa pagkagulat nito. Pagbukas kasi nito ay nakatayo roon si Check na may hawak-hawak na kutsilyo.

"Ano ba!? Ano'ng feeling mo si Chuckie ka?" Nakatingin si Xyro sa nakaumang na kamay ni Check kung saan hawak niya roon ang kutsilyo.

Aagawin sana ni Xyro ang kutsilyo sa kanyang kamay pero mabilis niya iyong naiiwas. Na-wierdo-han ito sa ginawa niyang pagtitig dito.

"Don't tell me, natuluyan ka na?"

"Ikaw ang tutuluyan ko Kuya, kapag hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kalokohan na 'yon!" Muling iniumang ni Check ang kutsilyo rito.

"Ano'ng kalokohan?" Tinabig ni Xyro ang kamay niya at pumasok na ito sa loob.

Tuloy-tuloy na naglakad si Xyro hanggang sa marating nito ang living room. Ibinaba nito agad ang bag nito sa sofa at saka umupo doon.

"Sir, meryinda po. Gusto ni mo?" alok ng bisayang katulong na si Gina.

"No, thanks. Busog ako, Ate Gina. Salamat na lang," nakangiting tugon ni Xyro.

"My God, Prensisa!" Gulat na tanong ni Gina nang makita nitong lumalapit ng dahan-dahan si Check kay Xyro habang hawak ang kutsilyo. "What are you doing?"

Nakangusong tiningnan ni Check si Gina. 'Luh! Sige pa! Ipamukha mo pang mas marunong kang mag-english kaysa sa akin.'

"Ate Gina, pakilinis na lang po muna 'yung kuwarto ko," nakasimangot na utos ni Check. "May lilinisin ako rito."

Agad na tumalima ang katulong na si Gina para umakyat na ng hagdan. Nakita ni Check na nakasilip pa rin ito kaya naisipan niya itong biruin. Inumang niya iyong kutsilyo, nagmadali tuloy ito sa pag-akyat at dumiretso agad sa kanyang kuwarto.

"Ano bang trip 'yan, Check? Bitawan mo nga 'yan. Baka mamaya matusok ka pa niyan."

"Gigripuhan muna kita Kuya, bago ko 'to bitawan." Itinaas ni Check ang kanyang kamay.

Hindi maipinta ang mukha ni Xyro nang makita nito ang itsura ni Check. Nagmistulan kasi siyang isang lucky cat na may hawak na kutsilyo habang itinataas at baba niya ang kanyang kamay.

"Check, ano ba?! Mukha kang tanga!" sita ni Xyro.

Ibinaba niya ang kanyang kamay. "Kuya, bakit ka pumayag doon sa Bright na 'yon? You're crazy! I need an explanation!"

Napataas ang dalawang kilay ni Xyro dahil sa tuwid na english ni Check. "What do you want to hear from me?"

"Explain now!" malakas na sabi ni Check.

"I trust him... so, yeah! It's okay with me. I know you're in the right guy. I don't see any problem with that."

"I don't like him!" Napataas ang noo ni Check dahil alam niyang tama ulit ang english niya.

"You will... soon," tugon ni Xyro sabay ngiti. "Bright is a nice guy. Don't judge him base on what you see or heard about him. Later on, I know... you will understand."

"Kuya, I don't understand," nakangiwing sabi ni Check.

"You should start believing, because it's real. From now on, PRIME's always behind your back. And you should be thankful for that."

"I don't understand," ulit lang niya habang nakatingin dito.

"You have to," mahinahong sabi ni Xyro. "You're just thinking too much, maybe... Oh sh*t!"

Agad na tumayo si Xyro para lapitan si Check. Mabilis nitong itiningala ang ulo niya at saka kinuha ang puti nitong panyo sa bulsa at ipinunas iyon sa kanyang ilong.

"Nagpa-araw ka ba o ano?! Bakit dumudugo ang ilong mo?" tanong nito.

Inangat ni Check ang kamay niya na may kutsilyo. "Why you no understand me? I repeating saying I don't understand!"

"Woah! Ano ba!? Baka dumikit sa akin 'yan!" Nakatingin si Xyro doon sa kutsilyo.

Suminghot si Check. "Ang sabi ko, ikaw ang gigripuhan ko! Ako pa ang dinugo."

"Eh ikaw 'tong nag-umpisang bumanat ng english, eh!" Tinuktukan pa siya nito sa noo. "Maupo ka nga! Sa lahat ng may pilay ikaw ang lakad ng lakad." Isinabay siya nito sa pag-upo sa sofa.

Ipinikit-pikit ni Check ang kanyang mga mata para magmukha siyang kaawa-awa. "Kuya, 16 lang ako, 'di ba? Bawal pa akong mag-boyfriend... 'di ba?"

Yumakap si Check kay Xyro. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kutsilyong hawak niya. Itinapat kasi niya iyon sa bandang leeg nito.

"Kuya! Ayoko sa dilim na 'yon!" Mahigpit na nakayakap ang kaliwang kamay niya sa likuran nito. Lalong napalapit ang hawak niyang kutsilyo sa ilalim ng leeg nito.

"Kulang na lang gilitan mo ako ng leeg, ano ka ba!?" Inagaw nito sa kanya ang hawak niyang kutsilyo.

"Isusumbong kita kayna Mamoosh at Papoosh! Tatawagan ko sila!" Sumandal siya sa sofa at saka inuntog-untog ang kanyang ulo.

"I already told them."

Tumigil si Check sa kanyang ginagawa at nilinga si Xyro. "Ano?!"

"Mom said..." Tumikhim-tikhim si Xyro habang nakahawak sa leeg nito para maghanda sa gagawin nitong pagbago ng boses. "Oh, really? Our princess finally found her prince?" anito sa kunwari ay babaeng boses.

Napanganga si Check. 'Gulay! Ano pa nga bang aasahan ko kay Mamoosh?'

"Check, kapag ako na mismo ang nakakita ng maling bagay na gagawin o ginagawa sa'yo ni Bright... ako ang bahala," seryosong sabi ni Xyro sa kapatid.

"Mali? Ang gawin pa lang niya akong girlfriend, maling-mali na!"





















HINDI agad umuwi si Bright. Nanatili siya sa Student Council at doon niya ginawa ang kanyang mga takda. Mag-a-alas syete na rin ng gabi at tanging isang cup noodles lang ang naisip niyang kainin.

Binuksan niya ang mga sangkap gamit ang kanyang ngipin, nang mabuksan ay isinalin niya iyon agad sa cup noodles na nilagyan na niya ng mainit na tubig. Pinatungan niya iyon ng isang maliit na libro.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Muli niyang tiningnan ang oras— saktong alas syete na ng gabi. Napalinga siyang bigla sa pintuan nang makarinig siya roon ng kaluskos. Agad niyang tiningnan ang monitor ng CCTV sa kanyang tabi.

'What the hell? Mahigpit kong ipinagbabawal na wala na dapat tao nang ganitong oras maliban sa mga bantay.'

Binitawan niya ang kanyang ballpen at agad na tumayo sa kanyang swivel chair. Maingat siyang umalis doon nang sa ganoon ay hindi siya makagawa ng kahit na ano mang ingay.

Tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon. Lumabas siya at naglakad-lakad habang nakikiramdam sa paligid. Tahimik sa parteng iyon ng building.

Tumigil siya sa paghakbang nang may maramdaman siya sa kanyang likuran. 'F*ck!'

Mabilis siyang humarap at hinawakan ang kamay na dadakma sana sa kanyang balikat. Hinigit niya ang may-ari ng kamay na iyon.

"Who the hell are you?!" malakas na tanong ni Bright.

Nakita ni Bright ang suot na guwantes ng lalaki. Dahil doon ay nalaman agad niya na isa iyon sa mga nanghimasok sa Prime University at siyang salarin sa aksidenteng nangyari noon kay Check.

Ibinalibag ni Bright ang lalaki at dinaganan niya iyon. Nang tatangkain na niyang alisin ang suot nitong itim na nakatakip sa mukha nito ay naramdaman niyang may isa pang tao sa kanyang likuran. Agad niyang inikot ang kanyang katawan at sinipa ang dapat sana'y balisong na sasaksak sa kanya. Tumilapon ang balisong at halatang nagulat ang may-ari noon.

Sinuntok ng lalaking nakahiga si Bright sabay tulak sa kanya para makawala ito. Tumayo ang unang lalaki at pumorma na lalaban gayon din iyong isa pang lalaki na panay ang linga sa tumalsik nitong balisong.

Inikutan siya ng mga ito. Alisto naman siya habang inililipat-lipat ang tingin sa dalawang panganib na nasa kanyang harapan ngayon.

Nagtiim ang bagang ni Bright. 'D*mn it! Makakatikim kayong mga securities sa akin!'

"Tell me, sino kayo at ano'ng kailangan n'yo?!" tanong ni Bright. "Answer me!"

"Tss! Hindi na importante kung sino kame. Ang importante ay 'yung ipinunta namin," sa wakas ay nagsalita rin ang isa sa mga ito.

Nakita ni Bright ang paglabas ng isang taser ng unang lalaki. Dahil doon ay hinanda niya ang kanyang sarili para sa dobleng pag-iingat.

Hinila siya ng ikalawang lalaki para suntukin pero naunahan niya iyon. Sumugod naman ang unang lalaki para idikit sa kanya ang taser pero mabilis siyang nakaiwas at binalikan niya iyon ng isang malakas na suntok.

"Mababasagan muna kayo ng mukha at mababalian ng buto bago kayo makalabas dito!" sigaw ni Bright.

"Eh mayabang naman pala ang isang 'to, eh!" galit na sabi ng ikalawang lalaki.

Sumugod ng sabay ang dalawang lalaki. Kamuntikan ng dumikit sa tagiliran ni Bright ang taser na hawak ng unang lalaki, pero dahil mabilis siyang kumilos ay agad niyang naiwasan iyon at ang natamaan ay iyong ikalawang lalaki.

Tumakbo si Bright para kunin ang balisong na tumilapon kanina. Pagkaharap niya ay nakita niyang tumatakas na ang dalawang lalaki. Kahit na hirap ang ikalawang lalaki sa pagkilos ay mababakas pa rin ang ligsi nito. Tumakbo siya ng mabilis nang sa ganoon ay mahabol niya ang mga ito.

Hindi inaasahan ni Bright ang kanyang nakita. Mukhang bihasa rin ang dalawang lalaki sa pagtalon. Habang siya ay tumatalon rin sa hagdan para mabilis na mahabol ang mga ito ay napansin niya na nakabulagta ang isang guwardya doon sa bukana ng building na iyon.

"Sh*t!" usal ni Bright nang mapansin niyang duguan ang guwardya.

Nagdesisyon siya na huwag ng habulin ang mga lalaki at puntahan ang nakita niyang guwardya para tulungan iyon at maagapan.

"Next time mo na lang basagin ang mga mukha namin!" sigaw ng unang lalaki at sumaludo pa ito. "Iyon ay kung magagawa mo!"

"Babalik kame!" sigaw naman ng ikalawang lalaki sabay ipinakita pa kay Bright ang daliri nitong nakataob na animo'y isang pagbabanta.

Mabilis na nawala sa paningin niya ang mga ito. Agad niyang tinuunan ng pansin ang sugatang guwardya. Napansin niyang nakatali ang mga kamay nito. Kinuha niya agad ang nasa tabi nitong transceiver na mukhang ginamit nito bago ito masaksak.

"S-Sir," nakangiwing sambit ng guwardya. "H-Hindi po sumasagot sa akin 'yung iba," anito na ang tinutukoy ay ang iba pang mga kasamahan nitong guard.

"Huwag kang masyadong gumalaw. I'll call an ambulance." Mabilis na kinuha ni Bright ang kanyang cell phone sa bulsa.

Habang nakatingin sa sugatan na guwardya ay kumuyom ang isang palad ni Bright. 'Masama 'to. Balewala sa kanila ang manakit ng sino man?!'




















NASA labas ng Villareal Mansion si Yohan. Kasunod niya sa kanyang likuran si Roger. Mag-a-alas onse na ng gabi pero ayaw pa niyang matulog dahil inaantay niya ang pag-uwi ni Bright. Nagtataka siya dahil hanggang ngayon ay nasa labas pa ito at hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.

"I'm okay here. Sige na. You can leave me," ani Yohan.

"Hindi kita pwedeng iwan, Master. Kung gusto n'yo pong mapag-isa, lalayo na lang ako." Yumuko si Roger at nagsimula nang humakbang palayo kay Yohan.

Pinili ni Yohan na sumalampak sa damuhan habang naka-indian seat. Kanina pa siya nag-iisip at naguguluhan sa biglaang pangyayari kanina sa Prime University.

'What are you thinking right now, Kuya? Bakit si Check? I don't know what comes in your mind at nagdesisyon kang maging girlfriend siya. I know you're not serious about her. I knew it. But why? Is it because of me?'

"I know you don't want me to be happy... eversince," mahinang sambit niya sabay higa sa damuhan.

Iginilid ni Yohan ang kanyang mga mata. 'Nakikita mong ngumingiti at tumatawa ako tuwing nandyan si Check, kaya mo 'yon ginawa. Am I right? Pero hindi mo na sana siya dinamay.'

"Hindi ako ang sinasaktan mo Kuya... kundi siya."

Mayamaya lang ay napatayo siya nang marinig niya ang tunog ng paparating na motorbike ni Bright. Huminto ito sa tapat niya. Nasalubong niya agad ang matapang na mga mata nito.

"It's late. Why are you still here?" tanong ng nakakunot-noong si Bright.

Nanlaki ang mga mata ni Yohan nang makita niya ang ilang mga bahid ng dugo sa suot na damit nito. Imbes na sagutin ang tanong ng kapatid ay inuna pa niyang inspeksyunin ang katawan nito para kamustahin ang lagay nito.

"There's so much blood on your shirt! What happend, Kuya?!" nag-aalala niyang tanong.

"This isn't mine. I'm okay. Mahabang istorya. Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Pumasok ka na rin sa loob."

Paaandarin na sana ni Bright ang motorbike nito nang hawakan ito ni Yohan sa siko nito. Agad nitong sinulyapan ang kamay niyang nakakapit dito.

"Kuya, we need to talk."

"Bukas na lang," mahinang tugon ni Bright.

"Hindi kayang ipagpabukas 'to, Kuya!" lumakas ang boses niya.

Muling nilinga ni Bright si Yohan at tiningnan siya nito sa mga mata. "Kung hindi importante 'yang sasabihin mo—"

"It's about her. It's about Check."

Kumunot ang noo ni Bright. Bumaba ito ng motorbike para harapin si Yohan. Namulsa ito at tumigil sa tapat ng kapatid.

"What about her?" mahina pero mariing tanong nito.

"What's the reason, Kuya? Why her? Sa dami ng—"

"I like her," mabilis na singit ni Bright.

Saglit na natigilan si Yohan. Tiningnan niya sa mga mata si Bright para subukang arukin kung ano talaga ang nasa isipan nito pero wala siyang makita o mabasa na kahit na ano sa walang ekspresyon na mga mata nito.

"That's not true. Kakasabi mo lang kanina na hindi mo siya gusto," ani Yohan habang nakatingin ng diretso kay Bright. "Kuya—"

"Huwag mo akong pakialaman sa gusto kong gawin. Mind your own f*cking life! Alam mong ayoko ng pinakikialaman ako."

Nakita ni Yohan ang paggalaw ng labi ni Bright at ang pagtiim ng bagang nito. Kilala niya ang kanyang kapatid, alam niyang nakakaramdam ito ngayon ng inis o galit.

Inilapit ni Bright ang bibig nito sa tenga ni Yohan. "Girlfriend ko na ang babaeng 'yon at wala ka ng magagawa do'n."

"You're just hurting her," mahina niyang sabi bago ilayo ni Bright ang ulo nito sa kanyang tenga.

Naningkit ang mga mata ni Bright sa itinuran ng kapatid. "Bakit masyado kang apektado? Don't tell me... you like her?"

"She's my close friend. Siya lang ang tanging nakakapagpagaan ng loob ko bukod sa PRIME."

Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa labi ni Bright. 'Tss! That's a lie.'

Hindi umimik si Bright. Mula sa suot nitong jacket ay inilabas nito ang buong lalagyan ng chewing gum. Ipinahid nito iyon sa damit nang makitang may dugo iyon. Kumuha ito ng isa, binalatan gamit ang bibig at isubo. Inihagis nito ang wrapper sa damuhan.

"What's your real reason for doing this, Kuya?" untag ni Yohan.

"I already answer that f*cking question. You want to hear it again? I like her."





•••••

(A/N)
Hinga muna tayo sa makalaglag puso na eksena. Ang susunod na mababasa niyong Chapter ay dedicated ulit para sa isang member ng PRIME. Thanks!😁

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 324 38
Isa akong ordinaryong tao na nakatira lamang sa probinsya. Hindi ko aakalain na magbabago ang tahimik kong buhay nang makilala ko ang babaeng nagdala...
8.8M 56.2K 11
"I was born to hate you." Iyan ang mga unang salitang sinabi ni Zoe sa "boyfriend" niyang si Jet kasama ng isang mala-demonyitang ngiti. Despe...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
44.8K 1.3K 15
Mahigit 7 billion ang bilang ng mga tao sa buong mundo, pero wala kahit isa sa kanila ang soul mate mo. Anong gagawin mo kung ang iyong "destiny" ay...