MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)

173K 5.2K 789
By -likha-

"PSSSTT! Gav."

Kanina pa sinusutsutan ni Bogz ang katabi nitong si Gavin pero hindi niya ito pinapansin. Nakatingin lang si Gavin sa harapan habang pinakikinggan ang tinatalakay na aralin ng kanilang Professor.

"Gavin," tawag ni Bogz. "Hoy."

Sa inis ni Gavin dahil sa kakulitan ni Bogz ay wala siyang nagawa kundi lingunin ito. "T*ngina naman, eh. Pwede ba, huwag kang makulit? Kanina ka pa," Itinuktok niya ang ballpen niya sa ulo ni Bogz.

"Eh ayaw mo naman kasing tumingin, eh!"

"Why don't you just simply say what you want to say? Ba't kailangan ko pang tumingin?" Inis na dumekwatro ng upo si Gavin.

"Pupunta ka ba sa PHQ mamaya?" tanong ni Bogz.

Tinignan ni Gavin si Bogz pero agad niya ring binawi ang kanyang mga mata "I don't know. Baka kasi umuwi ako agad. I'm not that sure," walang ganang tugon niya.

"Gano'n ba? Makikisabay pa naman sana ako. Nasiraan kasi ang scooter ko. First time na nangyari 'to," bulong ni Bogz.

"Pa-kilo mo na," mabilis na tugon ni Gavin.

"Gago, mahal na mahal ko 'yon," asar na sabi ni Bogz.

"Oh? Edi pakasalanan mo."

Natahimik si Bogz. Umayos ito ng umupo at nakinig na sa itinuturo ng kanilang professor sa harapan. Mayamaya lang ay kinukulit na naman nito si Gavin. Panay ang kalabit nito habang sumusutsot.

"Sasaksakin na kita ng ballpen kong kupal ka!" inis na sabi ni Gavin.

"Kalma ka lang, Bro. Huwag muna. Pakakasalan ko pa yung scooter ko, eh," pabirong sabi ni Bogz.

"D*mn it! Huwag ka ngang kalabit ng kalabit dyan."

"Pumunta ka na ng PHQ, sige na. Pasabay ako," pangungulit ni Bogz.

Bugnot na tinignan ni Gavin si Bogz. "Hindi nga ako sigurado, bakit ba ang kulit mo?"

"Then make a decision."

Hindi pinansin ni Gavin si Bogz. Nagsimula siyang kopyahin ang isinusulat ng kanilang professor sa harapan.

"Gavin... pssstt!"

Nanlaki ang butas ng ilong ni Gavin. Bakit ba kasi naging katabi ko pa 'tong hinayupak na 'to? Ang kulit! Maging calssmate nga lang siya nakaka-g*go na, tapos katabi pa? F*ck!

"Bro, ano na? Hoy!" Tinutusok-tusok ni Bogz ang braso ni Gavin.

Itinaas ni Gavin ang kanyang kanang kamay. "Sir!"

"Yes, Mr.Acosta?"

"Bogz knows the answer. He wants to solve the problem!" malakas na sabi ni Gavin sabay turo sa katabi niyang si Bogz.

"T*ngina, Gav. Huwag ako, g*go." Iniyuko ni Bogz ang ulo nito.

"Okay, Mr.Leonardo. Come forward and show us your answer," tawag ng lalaking Professor.

"Sh*t," nakangiwing sambit ni Bogz. "Hinupak ka, Gavin."

Nginisian ni Gavin si Bogz. "Get your ass out of here!"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin nang maisip niyang muli ang problemang magpahanggang ngayon ay hindi niya masolusyonan.




















PAGKATAPOS ng klase ay umuwi ng kanilang bahay si Gavin. Kumain lang siya ng merienda at pagkatapos ay umakyat na rin agad ng kuwarto.

Mabilis lang ang ginawa niyang pagre-review bilang paghahanda sa quiz nila bukas. Kinuha na niya agad ang kanyang cellphone at nagsalpak ng kulay asul na headset sa kanyang ulo para makinig ng music.

Habang nakikinig ay ikinukumpas ni Gavin ang kanyang dalawang kamay na animo ay nagda-drums kasabay ng kanyang paghe-headbang. Nang makaramdam ng pagkainip ay naisipan niya na bumaba para magpunta sa kanyang gym room at magpapawis. Bumaba siya ng hagdan habang isinasayaw ang kanyang ulo.

Natigilan si Gavin sa gitna ng hagdan nang makita niyang parating ang kanyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na maagang makakauwi ng bahay ang mga ito. Alam na agad niya ang susunod na eksena na kanyang makikita... ang pag-aaway ng mga ito.

"I told you not to go in my office!" sigaw ng naglalakad papunta sa living room na si Garry, ang ama ni Gavin.

"I'm your wife! May karapatan ako para puntahan at sugurin ka kahit saang lupalop ka pa ng mundo magsusuot, hayop ka!" galit na sabi ni Veron, ang ina ni Gavin.

"You're just being paranoid, Veron! Nahihibang ka na!"

"Hindi ako tanga! Napakahayop mo talaga! Akala mo ba hindi ko alam na may relasyon kayo ni Dahlia?! Hanggang kelan mo 'yon itatanggi sa akin?" Dinuro-duro ni Veron si Garry.

"Shut up! Naririndi na ako sa'yo!"

"Pagod na pagod na ako sa'yo, Garry! Hanggang kelan mo ba ako lolokohin?!" Hinampas ni Veron sa likod ang asawa.

"How many times do I have to tell you that me and Dahlia are just good friends?! Masyadong madumi ang utak mo!" anang si Garry na nakatalikod.

"Magkaibigan?!" Iniharap ni Veron si Garry at agad na pinagsusuntok ito sa dibdib. "Hayop ka! Kitang-kita ko ang pang-aahas niyong dalawa sa akin kanina! Huwag mo akong gawing tanga!"

Napabuntong-hininga si Gavin. Kahit anong lakas na ng tugtog na kanyang naririnig mula sa headset na kanyang suot ay balewala iyon sa lakas ng sigawan na nagmumula sa nag-aaway niyang mga magulang.

Madalas na ganoon ang eksena sa kanilang bahay. Puro mga sigawan ang maririnig sa buong bahay sa tuwing nag-aaway ang kanyang mga magulang. Alam ni Gavin na sira na ang kanyang pamilya noon pa man. Umuuwi lang ang kanyang ama sa kanilang bahay dahil sa kasal ito sa kanyang ina. Bukod doon ay wala ng malalim pang dahilan.

Alam ni Gavin na hindi mahal ng kanyang ama ang kanyang ina mula nang magsama sa iisang bubong ang dalawa. Napilitan lang noon si Garry na pakasalan si Veron dahil ipinagbubuntis na siya nito noon. Para makaiwas ang mga magulang ng mga ito sa eskandalo ay ipinakasal ang dalawa.

Larawan ng isang martir na babae ang ina ni Gavin na si Veron. Kahit na alam nitong niloloko lang ito ng asawa ay hindi pa rin ito sumusuko at umaasa na balang araw ay magiging isa silang masayang pamilya.

"Garry... bakit? Why are you doing this to me? What have I done to you?"

Nakita ni Gavin ang dahan-dahang pag-upo ni Veron sa sahig. Nagsimula na ring dumaloy ang luha sa mga mata nito.

"I don't need your drama," usal ni Garry.

"I gave everything to you. Minahal kita ng buong-buo. After all this years Garry, naniniwala pa rin ako na kaya mo akong mahalin at tanggapin bilang asawa mo. Wala akong ginawang kahit na anong masama sa'yo... wala." Isinubsob ni Veron ang mukha sa mga palad nito.

"Paulit-ulit na lang tayo, Veron. Tama na."

Maglalakad sana si Garry pero agad na kumapit si Veron sa mga binti nito. "Mag-usap tayo! Pag-usapan natin 'to!"

"Wala naman tayong dapat na pag-usapan!" matigas na tugon ni Garry.

Gigil na inalis ni Garry ang mga kamay ni Veron na nakakapit sa mga binti nito at nagsimula na itong maglakad. Naiwang umiiyak si Veron habang nakaluhod sa sahig.

Aakyat na sana ng hagdan si Garry nang saglit itong tumigil sa dulo ng hagdan para titigan ang pababang si Gavin. Nakipagmatigasan ng tingin si Gavin sa kanyang ama.

Ilang saglit lang ay umakyat na si Garry ng hagdan. Huminto ito sa gilid ni Gavin. Hinablot nito ang headset sa kanyang ulo pati na rin ang hawak niyang cellphone kung saan iyon naka-kunekta at basta na lang nito ibinato sa ibaba ng hagdan.

"Magsama kayo ng Mommy mong walang kwenta!" mariing sigaw ni Garry sabay tabig sa balikat ni Gavin. "Sakit lang kayo sa ulo!"

Nagtiim ang bagang ni Gavin. Nilinga pa niya ang kanyang ama na dire-diretso sa pag-akyat ng hagdan. Tinanaw niya ang kanyang cellphone na basag na ang screen.

I hate this f*cking life!

Nagmadali ng bumaba si Gavin. Pinuntahan niya si Veron na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Niyakap niya ito at inalo sa pamamagitan ng paghagod sa likod nito.

"Ssshh... tama na, Mom."

"Don't get mad at your Dad... don't be," sambit ni Veron habang nakayakap kay Gavin.

No Mom, I'm not just mad... I hate him. I really do hate him!


















PARA pakalmahin ang kanyang sarili ay lumabas ng bahay si Gavin. Dala ang isang bola ng basketball ay nagpunta siya sa isang public basketball court na madalas niyang puntahan. Malaya siyang nakapaglaro ng mag-isa dahil sa mga oras na iyon ay wala namang ibang tao na nandoon sa court bukod sa kanya.

Pumorma si Gavin para sa isang 3 point shot. Walang kahirap-hirap niyang nai-shoot ang bola sa ring.

Naningkit ang mga mata ni Gavin nang makita niyang inapakan ng isang babae ang gumulong niyang bola. Dinampot nito iyon at saka pinatalbog-talbog.

Who the hell is she?

Nakasuot ng cap na nakabaliktad yung babae habang nakatali ang mahaba nitong buhok. Ang sapatos na suot nito ay isang sneakers na kulay puti. Medyo may kaluwagan ang suot nitong puting t-shirt at nakasuot ng pantalon na may ilang mga butas sa may tuhod.

Napakunot ang noo ni Gavin nang humarap yung babae sa ring at pumorma rin ito ng isa 3 point shot. Ibinato nito ang bola at sakto iyong pumasok sa gitna ng ring.

Napansin ni Gavin na kukunin nung babae yung bola pabalik kung kaya't nakipag-unahan siya para kunin iyon. Nang kapwa malapit na silang dalawa sa pag-abot ng bola ay nagka-untugan sila at sabay na napaupo sa lupa.

"F*ck!" sambit ni Gavin sabay tayo at saka niya pinagpag ang kanyang puwitan.

Nagsalubong ang mga kilay ni Gavin nang makita niyang dinampot nung babae ang kanyang bola at idinribol-dribol ulit iyon.

"It's mine, so give it back to me."

"But I also want to play," nakangiting sambit nung babae habang patuloy sa pagpapatalbog nung bola.

Itinaas ni Gavin ang dalawa niyang kilay. "And so?"

"I want to play with you."

"No," mabilis na sambit ni Gavin.

"Then you have to steal this ball in my hand." Dumila yung babae at saka nagsimulang pumorma para itakbo yung bola.

"Hey stop!" sigaw ni Gavin. "D*mn!"

Nakita ni Gavin na palayo na ng palayo yung babae habang idini-dribol pa rin yung bola kaya wala siyang nagawa kundi ang habulin ito.

Mabilis na nahabol ni Gavin yung babae. Nagpunta siya sa harapan nito para harangin ang pagtakbo nito. Nakita niya ang pagngiti nung babae sa kanya habang nakataas ang isa nitong kilay.

"Let's play," sambit nung babae sabay tingin doon sa ring. "Kapag nakalusot ako at na-shoot ko 'to, maglalaro tayo. Kapag naagaw mo sa akin yung bola, then I'll go ahead. Hindi na kita iistorbohin sa paglalaro mo. Deal?"

Tinignan ni Gavin yung bola pagkatapos ay tumingin din siya sa mga mata nung babae. "Okay... deal."

Ngumisi yung babae. "Alright!"

Pumorma ng pag-abante yung babae pero nanatili lang kalmado si Gavin habang nakatingin doon sa bola. Sinubukan nung babae na lumusot sa kanya pero naging mabilis ang kanyang kilos.

Tinignan sa mga mata nung babae si Gavin. He's really good.

Tumalikod kay Gavin yung babae at sinubukang lumusot sa ganoong puwesto pero mahigpit ang pagbabantay na ginawa niya. Nang makakita ng butas ay umikot yung babae paharap at saka umabante pero bigla na lang itong na-out of balance sa ginawi nitong pag-ikot sa sarili nitong mga paa.

Natumba yung babae kay Gavin. Napahiga siya sa lupa nang nakahiga sa ibabaw niya yung babae. Gumulong yung hawak nitong bola doon mismo sa ilalim ng ring.

Saglit na natigilan ang dalawa sa kanilang posisyon. Dilat na dilat yung babae habang si Gavin naman ay magkasalubong ang mga kilay na nakatingin din dito.

Inalis ni Gavin yung babae sa pagkakadagan nito sa kanya. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bola pagkatapos ay idinribol iyon patakbo doon sa kabilang ring.

"Hey! Come back! Hindi pa iyon 'yon, eh!" sigaw nung babae.

Dahil hindi pinansin ni Gavin yung pagtawag nung babae ay patakbo itong sumunod sa kanya para agawin yung bola. Mabilis na nadikitan siya nito at sa isang iglap lang ay naagaw na nito agad ang bola sa kamay niya.

"What the..."

Mabilis na umikot yung babae pagkatapos ay tumakbo pabalik sa kabilang ring. Inis na hinabol ulit ni Gavin yung babae. Nakita niya na malapit na ito sa ring kung kaya't mas binilisan pa niya ang pagtakbo.

Tumalon yung babae para mag-lay up. Halos dikitan lang sila ni Gavin dahil agad din siyang tumalon para kunin doon sa babae yung bola.

Habang nasa ere sila ay nginisian nung babae si Gavin kasabay ng pagbitaw nito ng bola papasok doon sa ring. Pagbagsak nung bola ay kinuha iyon nung babae. Nilapitan siya nito at nakangiti nitong iniaabot pabalik sa kanya ang bola.

"I'm Erin."

Tinignan lang ni Gavin si Erin at agad niyang kinuha ang kanyang bola na inaabot nito. "Piss off." Tinalikuran niya ito bitbit ang kanyang bola na inipit niya sa kanyang tagiliran.

"Bye, Gavin," sambit ni Erin habang inaayos ang suot nitong cap.

Hindi inaasahan ni Gavin ang kanyang narinig. Naigilid niya ang kanyang mga mata habang naglalakad palayo kay Erin. Gusto niya sanang lingunin ito para magtanong pero minabuti na niyang umalis ng tuluyan.


















HABANG nagkakasayahan ang PRIME sa paglulublob ng kanilang mga paa doon sa sapa ay heto at nag-iisa si Gavin habang tahimik lang na pinanonood ang mga kaibigan. Ayaw pa niyang umuwi ng bahay kung kaya't nagdesisyon rin siya na magpunta muna ng PHQ nang araw na iyon.

"Ayos ka lang, Gav?" Inakbayan ni Xyro ang tahimik na si Gavin na nakaupo sa batuhan na kanilang tinatalunan.

Bahagyang ngumiti si Gavin at saka tumango. Yumuko siya at saka bumunot ng damo na nandoon sa ibaba ng bato. Nahalata agad ni Xyro na maaaring may galit si Gavin na nararamdaman dahil sa paraan niya ng pagbunot ng mga nagtataasan na rin mga damo.

"Your parents again?" mahinang tanong ni Xyro.

"Yeah... as always," malamig na sagot ni Gavin.

"Ayaw mo bang makinig ng music ngayon? Pampagaan ng mga iniisip. Mula kanina hindi ko pa nakita na—"

"It's broken," mabilis na singit ni Gavin. "Binato ng magaling kong ama kanina. I have to buy a new one."

"Ang problema parang bola ng basketball 'yan. Hanggat kaya mong dalhin para maka-score, dalin mo. Pero kapag hindi mo na kaya at wala ka na talagang magagawa, pwede mo namang bitawan at ipasa na sa iba. Mas makakabuti pa 'yon at mas may pag-asa pang maka-score kaysa naman pilitin mo ang sarili mo kung alam mong pagod na pagod ka na."

Napaisip si Gavin sa malalim na salitang binitawan ni Xyro. Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat habang nakangiti.

Sumagi bigla sa isipan ni Gavin ang paglalaro niya nang basketball kanina. Nang dahil doon sa babaeng si Erin ay panandaliang nawala ang bigat ng problema na kanyang iniisip.

Tumayo si Xyro at nagpunta sa harapan ni Gavin. "Kahit na madalas akong magbigay ng advice sa inyong lahat, sa case ng problem mo, mas mabuti na hayaan kita na mag-isip kung ano ang tama mong gawin. Alam ko kung gaano kabigat 'yan. Mag-iiwan na lang ako ng salita na maaaring makatulong sa'yo. There's only one thing na alam kong iniisip mo palagi..." Pinutol nito ang sinasabi. Humarap ito sa iba pa nitong mga kasama at saka nag-inat ng mga kamay. Inilinga lang nito ang ulo kay Gavin at saka ngumiti.

Dahil gustong marinig ang kasunod ng nais sabihin ni Xyro ay inantay iyon ni Gavin. Nakatingin siya dito at inantay ang muling pagbuka ng bibig nito.

"You love your Mom."

Patakbong lumapit na si Xyro sa iba pa nilang kasama. Napangiti si Gavin dahil sa sinabi ng nakatatanda niyang kaibigan sa PRIME. Tumayo na rin siya mula sa kanyang pagkakaupo at tumakbo para makisali sa pangalawa niyang pamilya.

"Now it's clear for me. I know what to do now."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.8K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
297K 15.8K 87
7BB シ " SEVEN BAD BOYS "
537K 6.8K 26
A rumor had been spreading in Cody De Roxas' classroom, about a boy hidden in the past yet existing in the present. Now, how can Cody and his friends...
30K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...