MS.RIGHT (published under PSI...

Від -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... Більше

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 26 (Check's Protector)

169K 5.7K 1.1K
Від -likha-

SAMA-SAMANG naglalakad ang PRIME sa corridor ng college building. Maaga pa kung kaya't naisip ni Bright na libutin ang buong Prime University upang makita na rin niya kung nasa maayos ang lahat.

Naglabasan ang ilang mga estudyante na nag-aantay pa lang din ng pagsisimula ng kanilang klase. Umalingawngaw ang tilian sa bawat sulok ng corridor. Diretso lang ang tingin ng PRIME na pinangungunahan ni Bright.

"Yiee! Jam! Oh my gosh!"

"Hello, Jaxx!"

"Gavin, please notice me!"

"Oh my God! I can't breathe! Bright!"

"Shemay! Ang gwapo ni Xyro!"

"Yohan, ang cute-cute mo!"

"Bright!"

"Jam!"

"Xyro!"

Nawala ang kanina ngiti sa labi ni Bogz. Nilinga nito ang kanan at kaliwa nito pagkatapos ay sumimangot.

Umakbay si Bogz kay Gavin. "Bakit ang pangalan ko, hindi nila sinisigaw?"

Tinignan ni Gavin si Bogz. "Huh?" anito habang nakakunot ang noo.

Bumitaw ng akbay si Bogz. "Taragis ka. Paano mo ako maririnig, eh may nakasalpak sa tenga mo. Kupal na 'to!"

Pinitik ni Gavin ang tenga ni Bogz. "Mas kupal ka... ugok!"

Sunod na inakbayan ni Bogz si Jam. "Hindi ba nila alam ang pangalan ko? I didn't hear them shouting my handsome name."

Nilinga ni Jam ang nakatingin dito na si Bogz. Ngumisi si Jam at saka umiling. Hindi nito sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Bogz!"

Nagpanting at tila gustong pumalakpak ng tenga ni Bogz nang marinig nito ang malakas na tawag dito ng isang babae. Agad itong luminga sa kanyang gilid at likuran para tignan kung sino yung tumawag.

"Bogz! Crush kita! Ang cute mo!" sigaw nung babae.

Unti-unting lumiit ang ngiti sa labi ni Bogz nang makita nito ang nag-iisang tagahanga nito sa building na iyon.

Nakasuot ng salamin yung babae. Todo ang ngiti nito at makikita ang bungi at bulok na ngipin nito sa ibaba. Naka-ribbon ang buhok nito na nakahati sa gitna. At ang masaklap pa ay inulan ng tagyawat yung babae sa mukha.

"Give her a killer wink, Bro," pang-iinis ni Jaxx.

"Oh! Come on, Bro. Lapitan mo na," nakangising sabi ni Jam.

"Give her a kiss," ani Gavin.

"Haha!" tawa ni Yohan.

Naiiling na lang habang nakangiti si Xyro. Si Bright naman ay patuloy lang sa kanyang paglalakad ng diretso.

"Bogz! Date tayo, please!" pahabol na sigaw nung babae.

Humarap si Bogz doon sa babae at naglakad ng patalikod. "Heh! Date mo mukha mo! Panget!"

"HAHAHA!" sabay-sabay na tawa ng PRIME.

Lumiko ang PRIME. Hindi pa rin nahuhupa ang tilian sa paligid. Kanya-kanyang haba ng leeg ang mga kababaihan na nasa bandang dulo ng pasilyo. Inaabangan nila ang unti-unting paglapit ng PRIME.

"Minsan naiirita na talaga ako sa tilian nila. Masyadong maingay, ang sakit na sa tenga. I think, mas mabuting ipagbawal na natin 'yon mula bukas. What do you think, Bro?" tanong ni Bright sa nasa tagiliran niyang si Xyro.

"Well, if that's what you think is right. Ako rin naman sumasakit ang ulo ko sa tilian nila."

"Hey, huwag naman. Mababawasan ang kagwapuhan ko nyan," apila ni Jam. "Ganito na lang, pwede pa ring tumili... bawal na lang yung sobrang lakas. Ano sa tingin niyo?"

"Okay, bawal ng tumili, " mabilis na sabi ni Bright.

"Bright naman," apila pa rin ni Jam.

"Bright is always right. Bawal na ngang tumili. Huwag ka ng ano dyan," singit ng bitter na si Bogz.

"Palibhasa hindi ka tinitilian. May titili nga iisa naman... panget pa! Hahaha!" wagas ang tawa ni Jam.

Masama ang tingin ni Bogz kay Jam. "F*ck you."

Mula sa isang bukas na pintuan kung saan nagkukumpulan ang mga kababaihan ay nakikigulo sa pagsilip si Reiko. Pakiramdam nito ay parang nag-slow motion ang paligid nang matanaw na nito ang palapit ng si Jam at ang grupo nito sa kanilang classroom.

Nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso si Reiko nang huminto sa tapat ng kanilang classroom si Jam. Nagkahulihan agad sila ng tingin. Nakita ni Reiko ang pagngiti ng labi ni Jam.

"Guys... wait a sec."

Huminto ang PRIME sa paglalakad dahil kay Jam. Lumakas ang tilian nang humakbang si Jam palapit doon sa pintuan. Nagsiksikan lalo ang mga estudyante kung kaya't halos maipit na si Reiko sa pwesto nito.

"Don't block," mariing sambit ni Jam. "Get out of my way!"

Humakbang pa si Jam hanggang sa bukana ng pintuan. Nahawi ang mga estudyante gaya ng sinabi nito. Naiwan si Reiko na nakatayo lang at titig na titig sa bukana ng pintuan kung saan nakatayo si Jam.

Inilahad ni Jam ang kamay nito kay Reiko para palapitin ito sa kanya. Nagbulungan ang mga classmate ni Reiko habang nakatingin sa kanila. Nahihiyang lumapit si Reiko para abutin ang kamay ni Jam.

Nang maipatong na ni Reiko ang kamay sa palad ni Jam ay hinila ito ni Jam para tuluyan itong ilapit at mabilis nitong hinalikan sa labi si Reiko.

"I'll see you later," bulong ni Jam at saka kumindat.

Lumakas ang tilian sa tapat ng classroom na iyon. Naiwang tulala si Reiko na hindi makapaniwalang hinalikan ito ni Jam sa mismong classroom nito at sa harapan pa ng kanyang mga kaklase.

Kinabig ni Jaxx si Jam. "Hey! You're making a show."

"Who's that girl?" nakangiting tanong ni Xyro.

"She's pretty," puri ni Gavin.

"Oo nga, I find her cute," sabi naman ni Yohan.

"She's my current girl."

"Expiration?" usisa ni Bright na ngumunguya ng chewing gum.

Ngumisi si Jam. "Bago pa lang, so matagal-tagal pa."

"Pakilala mo na lang sa akin Jam," anang nakangising si Bogz.

"Ulol! Doon ka sa no.1 fan mo!" pang-aasar ni Jam. "Bagay kayo! Haha!" hirit pa nito.

Girls are just a waste of time. Nagpatuloy na sa paglalakad si Bright at sumunod naman ang lahat.

















NAGMAMADALING pumasok si Check sa comfort room. Agad siyang dumiretso sa unang bakanteng cubicle at ini-lock ang pinto noon.

"Hay salamat!" sambit ni Check pagka-upo niya ng toilet bowl.

Nilinga ni Check ang puwesto kung saan nakalagay ang tissue paper. Napasimangot siya nang makita niya na wala ng laman iyon.

"Excuse me?" Kinatok ni Check ang dingding ng kalapit niyang cubicle. "Pasensya na. Pwede bang makahingi ng tissue dyan? Ubos na kasi yung nandito."

"Here," anang nasa kabilang cubicle.

Kinuha ni Check ang iniaabot na tissue nung babae sa ilalim. Buong rolyo na nung tissue ang iniabot sa kanya.

"Salamat," ani Check.

Hindi na sumagot yung babae sa kabila, narinig niyang lumabas na ito ng cubicle. Nakarinig si Check ng pagtawa ng ilang mga babae sa harapan. Ilang saglit lang ay nakarinig naman siya nang malakas na pagsara nung pintuan ng comfort room.

Binuksan na ni Check ang pintuan ng cubicle. Didiretso sana siya sa lababo ngunit paghakbang niya ay dumulas ang kanyang mga paa sa nakakalat na liquid handsoap sa sahig. Naumpog ang ulo niya sa sahig at nawalan siya ng malay.

Samantala, panay ang tingin ni Hendrix sa relo nito. 5 minuto na lang at tapos na ang break time. Kailangan na nilang bumalik sa kanilang classroom pero wala pa si Check.

Where is she? Dagat na ba ang inihi niya? Bakit ang tagal? Tinignan ulit ni Hendrix ang relo nito.

Nagdesisyon na si Hendrix na puntahan si Check. Habang naglalakad ay nakasalubong nito ang nagtatawanang grupo nina Wendy. Panay ang halakhak ng mga ito na habang maarteng naglalakad pasalungat kay Hendrix.

"Ang bad natin. Haha!" tumatawang sabi ni Rhea.

"Dapat lang sa kanya 'yon. Atleast nakaganti na tayo!" Umapir si Tiffany kay Rhea.

"Nakalabas na kaya siya?" tanong ni Lyka.

"I bet, no. Haha!" tumatawang sabi ni Faye.

"As if naman makalabas siya ng ganoon na lang. Magngangawa muna siya sa loob hanggang sa mapaos siya. B*tch!" Inilipat ni Wendy ang nakataling buhok nito sa kaliwa. "Let's go, girls."

Sa narinig ni Hendrix ay patakbo na itong umalis para puntahan ang comfort room ng pasilyong iyon. Nang marating nito yung comfort room ay agad itong tumawag sa labas kasabay ng pagkatok pero walang sumasagot. Idinikit nito ang tenga sa may pinto pero kahit na anong kaluskos mula sa loob ay wala rin itong marinig.

"Check? Are you still there?"

Walang sumasagot. May tao pa ba sa loob? Luminga si Hendrix sa paligid.

Dahil wala pa ring sumasagot ay kinuha na ni Hendrix sa bulsa ang cellphone nito para tawagan si Check. Laking gulat nito nang makarinig ito ng pagtunog ng cellphone na nanggagaling sa loob ng comfort room.

"Oh God! Check?!" Hinawakan ni Hendrix ang seradura ng pinto para pihitin 'yon pero hindi nito iyon mabuksan.

What the...?!

Pilit na sinubukang buksan ni Hendrix ang pintuan. Halos matanggal na ang doorknob sa kakapihit nito pero hindi talaga nito iyon mabuksan.

"Hey you! Ladies room 'yan, ah!" sigaw ni Jaxx.

Agad na luminga si Hendrix at nakita nito ang palapit na grupo ng PRIME. Nadako agad ang mga mata nito kay Bright at napansin nito na masama ang tingin nito sa kanya.

Nang makalapit si Bright kay Hendrix ay agad nitong hinigit ang kuwelyo nito at saka sinamaan ito ng tingin. "What the f*ck are you trying to do, jerk?!" maangas na tanong nito habang mahigpit na nakakapit sa kuwelyo ni Hendrix.

"I'm just trying to help! Nasa loob ang kaibigan ko and I think may masamang nangyari sa kanya sa loob!"

Binitawan ni Bright si Hendrix. Nilinga nito ang buong PRIME pagkatapos ay saka muling tinignan si Hendrix.

"Si Pakrung ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Bright.

Kumunot ang noo ni Hendrix. "Pa-Pakrung?"

"Yung payatot na krung-krung... si Check," sambit ni Bright.

Tumango si Hendrix. "S-Siya na nga."

"Don't fool me or you'll be dead!" Hinawi ni Bright si Hendrix. Lumapit ito sa pintuan.

"She's not answering. Pero nagri-ring ang phone niya," ani Hendrix.

"What's happening, Bright?" mabilis na tanong ni Xyro.

"Nasa loob daw si Check." Nilinga ni Bright si Xyro. "He said mukhang may nangyari daw na masama sa kanya."

"What?!" Lumapit si Xyro.

Sa narinig ay napalapit na rin si Yohan sa may pintuan. Sumunod na ring naglapitan ang iba. Sinubukang pihitin ni Bright ang doorknob pero gaya ni Hendrix ay hindi rin nito iyon mabuksan.

"Ikaw. Sino ka?!" malakas na tanong ni Xyro kay Hendrix.

"Classmate at kaibigan ko si Check," sagot ni Hendrix.

"Kuya, it's stuck," sambit ni Yohan. "At tingin ko nakita ko na ang dahilan kung bakit."

Yumuko si Yohan at saka nito itinuro ang nakabarang pako sa may pintuan. Nagtinginan ang lahat nang makita ng mga ito ang may kalakihan ding pako na nakaipit sa may pinto.

Humarap si Bright kay Xyro. "Ano yung mga ipapaayos dito sa school?"

"Wala naman, bukod doon sa lumang bench sa garden," sagot ni Xyro.

"Okay. Take note of this too."

Mabilis na sinipa ni Bright ang pintuan. Mababakas ang dismaya sa mukha nito nang hindi nito iyon nabuksan agad. Hinubad nito ang suot nitong jacket at isinampay iyon sa balikat ni Yohan. Bumuwelo ito at ubod lakas nitong binalya yung pintuan.

Namataan agad ni Bright ang nakahandusay sa sahig na si Check. Mabilis itong pumasok sa loob at iniangat ang likod Check.

"God! What happend to her?!" sigaw ni Xyro.

Nakita ni Hendrix ang labis na pag-aalala ni Xyro kay Check kung kaya't hindi nito napigilang magtanong sa katabi nitong si Yohan. "B-Boyfriend ba siya ni Check?"

"What?" Napataas ang dalawang kilay ni Yohan. "They're siblings." pagtatama nito.

Napatingin si Hendrix kay Xyro. Magkapatid? May kapatid na PRIME si Check?

Napansin ni Bright na may dugo ang pinag-angatan nito kay Check. Nilinga nito si Xyro. "Xyro, dumudugo ang ulo niya!"

"God! Bilis! Dalhin natin siya sa clinic!" natatarantang sabi ni Xyro.

Hahakbang sana si Xyro pero iniharang ni Bright ang kamay nito. "Baka madulas ka."

Itinuro ni Bright ang liquid handsoap sa sahig. Nagulat ang lahat nang makita nila iyon. Dinampot ni Xyro ang wala sa ayos na lalagyan ng liquid soap na nasa sink. Wala na iyong laman.

"It's intentional."

Nagtinginan ang lahat kay Bright dahil sa sinabi nito. Kinuha nito ang puti nitong panyo na nasa bulsa nito at inilagay iyon sa likod ng ulo ni Check na dumudugo.

Binuhat na ni Bright si Check. "Let's go. May sisintensyahan pa tayo," mariing sabi nito.





















NAGKAROON na ng malay si Check at maayos na ang lagay nito. Mabuti na lang at maliit lang naman ang natamo nitong sugat sa ulo. Iniwan muna ito ng PRIME sa clinic para matutukan pa itong mabuti ng school doctor.

Sa tulong ni Hendrix ay nalaman ng PRIME kung sino ang may pakana ng nangyari kay Check. Agad na pinuntahan ng PRIME ang classroom ni Check sa pangunguna ni Xyro na hindi pa rin humuhupa ang galit dahil sa ginawa sa nag-iisa nitong kapatid.

Malakas ang naging pagkalabog ng pintuan ng class 4F nang buksan iyon ni Xyro. Tiim-bagang na pumasok agad ito sa loob kasunod ang buong grupo ng PRIME at si Hendrix.

"Yes? What can I do for you?" nagtatakang tanong ni Professor Perez.

Hindi pinansin ni Xyro ang lalaking Professor, si Hendrix ang binalingan nito. "Pakituro kung sino yung mga tinutukoy mo kanina."

"Ah—"

"No need. I still remember them," sambit ni Bright.

"Malakas talaga ang memorya niya, basta nagkaroon na ng atraso sa kanya," nakangiting sambit ni Jaxx.

"Yare kayo ngayon! Sinaktan niyo si Cutie!" malakas na sigaw ni Bogz habang nakapamaywang.

Naglakad si Bright sa gitna. Tahimik ang lahat ng estudyante at nakasunod lang ang mga mata. Nanginig si Wendy nang bigla na lang ibinagsak ni Bright ang kanang palad nito sa arm chair nito.

"You'll gonna pay for your stupidness!"

Hinablot ni Bright sa pulsuhan si Wendy at saka niya ito itinayo. Tinignan niya ng masama ang mga kahilera nitong mga kaibigan at saka niya isinenyas ang kanyang kaliwang kamay para patayuin ang mga ito. May takot sa mga matang sabay-sabay na tumayo sina Lyka, Faye, Rhea at Tiffany.

"Teka! What is this all about? Wala kaming ginagawang masama!" apila ni Wendy.

"May nakarinig sa usapan niyo kanina, kaya huwag ka ng mag-deny!" mariing sabi ni Bright.

Napatingin si Wendy sa nasa harapang si Hendrix. Pinagtaasan ito ng noo ni Hendrix kasabay ng masama nitong tingin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Wendy. You f*cking bastard!

"Excuse me. Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyayari dito?" tanong ni Professor Perez.

"Sir, I'll explain it to you later," si Hendrix ang sumagot.

Pinapunta ni Bright ang grupo ni Wendy kay Xyro. Galit na tinitigan ni Xyro isa-isa ang mga ito. Patulak na ipinasa nito kayna Jam at Jaxx ang magkakaibigan.

"Don't be scared, girls. Wala pa ang hatol," nakangising sabi ni Jaxx.

Naglakad na pabalik si Bright sa harapan. Pag-apak niya sa platform na inaapakan ng mga Professors ay dahan-dahan siyang humarap. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at saka iginala ang kanyang mga mata sa buong classroom.

(NP: Miss Right)

"Listen... all of you! Don't do stupid things to Ms.Check Libramonte... or else you're all dead to PRIME!"

Продовжити читання

Вам також сподобається

Play The King: Act Two Від akosiibarra

Підліткова література

247K 16.6K 80
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
42K 631 111
Highest ranking- #1 in 100 Tula (September 27, 2018 - October 29, 2018) #1 in 100 Tula (March 3, 2019 - March 15, 2019) Other Rankings: #2 in Prose (...
A Runaway Royalty (Completed) Від Michelle

Підліткова література

639K 14.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
He's Dating the Campus Nerd Від Jejelainee

Підліткова література

27.7M 706K 109
[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High S...