MS.RIGHT (published under PSI...

De -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... Mais

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)

172K 5.5K 1K
De -likha-

SABADO. Umuulan pero maagang umalis ng bahay sina Xyro at Check. Si Xyro lang sana ang aalis para mag-grocery pero hindi nito inaasahan na bubuntot pa ang kapatid sa kanyang lakad.

"Ano bang lulutuin mo mamaya, Kuya?" Patalikod na naglalakad si Check, nakaharap siya kay Xyro.

"I don't know yet. Kung ano na lang siguro ang makita natin ngayon."

Napanguso si Check. Kapag PRIME ang kasama niya, mabilis pa sa kidlat ang pagkain.

"Watch your step!"

Bumitaw muna si Xyro sa cart at mabilis nitong hinila ang kamay ni Check. Muntikan na niyang mabunggo ang nakatayong free taste mini stand dahil sa kakalakad ng patalikod.

Parang batang kumuha si Check ng free taste na sausage sa muntikan na niyang mabunggo na stand at saka nakangiting isinubo iyon na parang wala lang nangyari.

"Kuya, pasampa dyan," nakangising sambit ni Check habang nakaturo sa cart. "Itulak mo ako."

"Sure! Sumampa ka, tapos itutulak kita doon sa palusot na daan sa labas."

"Umuulan sa labas! Mahal na mahal mo talaga ako, Kuya. I love you too," ani Check sabay pinalaki ang butas ng kanyang ilong.

Dumampot si Check ng dalawang napakalaking cereal at agad inilagay sa cart na tulak-tulak ni Xyro. Nanakbo siya nang makakita siya ng malaking fresh milk at inilagay din iyon sa cart. Iilan pa lang ang nadadampot ni Xyro pero siya ay nakailang parit-parito na para ikarga sa cart ang mga pagkaing kinukuha niya.

"Hey stop! Ano ba 'yang mga pinagkukukuha mo?"

Nakangising inilagay ni Check ang hawak niyang chocolate spread at isang tasty sa cart. "Ano ba ang pinunta natin dito, Kuya? Para mag-grocery, 'di ba? Oh, 'yan na. Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pa."

"Wala ni isa man dyan sa mga pinaglalalagay mo ang nakasulat dito sa list ko." Ipinakita ni Xyro ang hawak nitong listahan ng balak bilhin na isinulat nito kanina lang bago sila umalis.

"Ano ba kasing mga inilagay mo dyan, Kuya? Basahin mo nga. Ako ang kukuha nung iba," nakapamaywang na sabi ni Check.

"Okay. Ikaw na lang ang kumuha nitong baking soda at saka nitong black pepper. Wala na tayong stock sa bahay, eh."

"Okay, Kuya. I coming back." Nag-thumbs up si Check.

Umalis na si Check. Pagkaraan ng 30 minuto ay nagtaka na si Xyro dahil hindi siya nito makita sa buong supermarket kaya naisip nitong tawagan na siya dahil sa pag-aalala. Agad naman niyang sinagot yung tawag.

"Where the hell are you?! Bakit ang tagal mo?"

[Papunta na dyan, Kuya]

Natanaw ni Xyro ang parating na si Jam. Malayo pa lang ay sumaludo na ito sa kanya. Mukhang sa gawi ni Xyro talaga ito papunta.

"Hurry up! Ang tagal mo, eh. Bumalik ka dito. Doon sa may free taste na stand, ha?" paalala ni Xyro. Agad na rin nitong pinutol ang tawag.

Ipinagdikit nina Xyro at Jam ang kanilang kamao bilang pagbati. Napansin ni Xyro na walang kahit na ano mang bitbit o dala si Jam.

"Are you looking for your sister? Parating na 'yon, kasama si Yohan," bungad agad ni Jam.

"So magkasama kayo ni Yohan ngayon? How about the others?" tanong ni Xyro.

"Nasa PHQ. Si Gavin lang ang wala. May problema yata ulit sa parents niya, kaya hindi makapunta. I'm glad I found you here. Tara, sabay-sabay na tayong pumunta do'n."

"Nakalimutan mo na agad? Kasama ko si Check. Baka tadyakan tayo ni Bright kapag sinama ko ang kapatid ko."

"I'll ask him. Tatawagan ko siya," ani Jam.

Sabay na napalingon sina Xyro at Jam nang makita nila na palapit na sina Yohan at Check. Tumakbo na si Check para mas mabilis na makalapit.

"Oh, eto na yung pinapakuha mo. Kainis ka, Kuya. Pinahirapan mo ako," nakasimangot na sabi ni Check.

Inilapag ni Check ang buong basket na dala niya sa itinutulak na cart ni Xyro. Naningkit ang mga mata nito nang makita nito ang laman nung basket.

"Hindi ko alam kung anong klaseng soda ang gusto mo. Kaya ayan, kinuha ko na lahat ng nakita ko."

Sumama ang mukha ni Xyro. What the f*ck?!

Hindi maalis ang tingin ni Xyro sa halos sampung klase ng softdrinks in can na nandoon sa basket na dala ni Check. Hindi nito napigilan na mapakamot ng ulo.

"I said... baking soda!" inis na sabi ni Xyro.

"Baking soda?" ulit ni Check sabay kamot ng kanyang ulo. "Ah, iba ba 'yon?"

Nagkatinginan sina Jam at Yohan at saka nag-ipit ng kanilang tawa.

"Nasa'n yung isa pa?" kunot-noong tanong ni Xyro.

"Kaya nga ako natagalan eh, dahil doon! Nagtanong ako, wala daw dito noon. Sa book store ako pinapunta!"

"What? Did you just say... book store?"

"Oo, Kuya!" Kinuha ni Check ang nakaplastik na binili niya sa book store. "Wala nga naman niyan dito. Aanhin mo ba kasi 'yan? May project ka ba sa school, Kuya?" Iniabot niya iyon kay Xyro.

Nakamasid lang si Yohan at Jam sa magkapatid. Kunot-noong binuksan ni Xyro yung plastik. Nang makita nito yung laman ay agad nito iyong ihinagis pabalik doon sa cart.

Isinapo ni Xyro ang kamay sa mukha nito. "Ano ba naman, Check!"

"Walang magagawa, Kuya. Piliin mo na lang yung black dyan."

"Check... ang sabi ko black pepper! Aanhin ko 'yang colored papers na 'yan?!" Inihilamos ni Xyro ang kamay sa kanyang mukha nito.

"Ang sabi mo black paper?" nakasimangot na sabi ni Check.

"Hindi ka lang slow, bingi ka pa!"

Kinagat ni Yohan ang ibabang labi nito para hindi ito matawa pero si Jam na siyang katabi nito ay inilabas na ang kanina pang pinipigil na pagtawa.

Nagpatuloy sa pamimili sina Xyro, Yohan, Jam at Check. Kinumpleto ni Xyro ang lahat ng mga kailangan nila sa bahay. Si Yohan at Jam naman ay mga stocks ng pagkain para sa PHQ ang binili.

"Pumayag si Bright. Pwede nating isama si Check sa PHQ."

Nilingon nina Yohan, Xyro at Check si Jam. Hawak nito ang cellphone nito habang nakadikit iyon sa tenga nito. Kasalukuyan nitong kausap si Bright sa kabilang linya.

Tinignan ni Check ang mga mata nina Yohan, Xyro at Jam na nakatingin din sa kanya. Ako? Isasama nila sa PHQ?

















NOON lang nalibot ng buo ni Check ang PHQ. Si Yohan ang nagmistulan niyang tour guide. Hindi siya makapaniwala sa laki noon. Mistulang isang Mansion iyon na tanging ang PRIME at ang dalawang private securities ng pamilya Villareal na sina Frank at Roger lang ang nakakaalam.

Walang mag-aakalang may ganoong lugar doon dahil mula sa labas ay mistulan talagang isang dead end yung pader at sa itaas na bahagi noon ay tanging malalagong mga puno lang ang makikita.

"Gaano na katagal ang lugar na 'to?" tanong ni Check sa katabi niyang si Yohan.

"Matagal ng nakatayo ang lugar na 'to. Ipinamana ni Dad ito kay Kuya," nakangiting tugon ni Yohan.

"Kung kayo lang ang nagpupunta dito, sino ang naglilinis sa inyo?"

"Kaming lahat," mabilis na singit ni Bogz. "Hello Check," masayang bati nito sabay upo sa tabi ni Check.

"Hello," pagbabalik bati ni Check ng nakangiti.

"Kaming lahat ang naglilinis dito, pero si Kuya ang mas madalas," dagdag ni Yohan.

Nakita ni Check ang pagdaan ni Bright pero hindi siya nito pinansin. Hawak nito ang rubik's cube na lagi nitong nilalaro.

"Lagi ba siyang ganyan?" biglang tanong ni Check.

"Huh? Sinong siya?" tanong ni Yohan.

"Yung hari niyo," walang kagana-ganang sagot ni Check.

"About his coldness?"

"Coldness?" kunot-noong ulit ni Check.

Ngumiti si Yohan. "Ganyan lang si Kuya. Pero kung makikilala mo siya ng mabuti, sigurado ako na... you'll gonna like him."

"Him... I like? No! Cannot be, barrow 1 from 3." Todo ang iling ni Check.

Natawa ang abala sa pagte-text sa kanyang cellphone na si Bogz. "Mainitin ang ulo at mahigpit lang si Bright, pero mabait 'yan." pag-aangat nito sa kaibigan.

"Kapag tulog siguro," bulong ni Check habang nakasulyap kay Bright.

"He's calling us," tawag ni Yohan sabay tayo. "Wait lang, ha?" Nginitian nito si Check.

Magkasabay na lumapit si Bogz at Yohan kay Bright. Napansin din ni Check na lumapit din ang kanyang kuyang si Xyro pati na rin sina Jam at Jaxx.

"Bakit nga ba siya ang leader ng PRIME?"

Tinitigan ni Check si Bright habang kinakausap nito ang mga kasama. Nang makita niya na tumingin ito sa kanya ay agad niyang iniiwas ang kanyang mga mata.

















NAKATINGIN si Bright sa masayang nag-uusap na sina Yohan at Check. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari sa kanya, pero sa mga oras na iyon ay parang nakakaramdam siya ng pagkairita sa tuwing nakikita niyang bumubungisngis ng tawa si Check.

Pinasingkit ni Bright ang kanyang mga mata habang nakatanaw kay Check. Bakit ba sa tuwing nakikita kita, parang gusto ko lang magmura?

Binalingan ni Bright ang hawak niyang rubik's para laruin iyon pero nawawala siya sa kanyang konsentrasyon dahil sa malakas na pagtawa ni Check. Napapatingin siya dito.

Binitawan ni Bright ang kanyang rubik's. "Sh*t!"

"The food is ready!"

Itinigil ng PRIME ang kani-kanilang mga ginagawa at agad na tumayo ng marinig nila ang sigaw ni Xyro.

"Kainan na! Yown!" ani Jaxx sabay inat ng mga kamay.

"Gutom na nga ako," sabi ni Jam na nakahawak pa sa tiyan nito.

Nagpunta sa dinning area ng PHQ ang lahat. Si Xyro ang naghain ng pagkain na ito mismo ang nagluto. Katuwang nito si Bogz na siya namang nag-ayos ng mga utensils sa mesa.

"Ang bango," ani Yohan nang ilapag ni Xyro ang isang malaking lalagyan.

"Sayang, Gav is not here. Favorite pa naman niya ang sinigang," anang si Jam habang nakatingin doon sa sinigang na baboy.

"Sinigang ba 'yan?" tanong ni Check sabay bukas ng takip ng kabababa lang na ulam.

Nabitawan ni Check yung takip dahil mainit. Rinig ang pagkalabog noon sa mesa. Kagat-labing nag-peace sign ito habang nakangisi.

"Hoy! Huwag mong pairalin ang kakulitan mo dito, ha? Baka nakakalimutan mo, nasa PHQ ka ngayon. Hindi 'to bahay niyo, kaya umayos ka," bigla na lang sabi ni Bright na nakaupo sa dulo ng mesa. "Hindi pwede dito yung ganyang bungisngis na mukha mo! Takpan kita ng tape dyan, eh."

Napatingin ng masama si Check kay Bright. Nagpatigasan sila sa pamamagitan ng titigan kahit na malayo ang distansya nila sa isa't isa.

Nagtinginan ang lahat kay Bright at saka sila napangisi. Pamilyar kasi ang linyang iyon na sinabi niya dahil sinabi iyon noon ni Check sa kanya. Binago lang niya ang ilang mga salita.

Unang bumitaw ng masamang tingin si Bright. Tila nakaramdam siya ng pagkailang. Dumila si Check para asarin pa lalo siya.

I hate this sick head girl!

Masama ang loob ni Check nang matapos ang pagsasalong iyon. Ang daming pagkain sa hapag pero hindi nito na-enjoy ang pagkain dahil pinagtulungan ito ng PRIME para hindi ito makahirit ng kuha sa mga ulam na gaya ng ginawa nito noong bumisita ang PRIME bahay nito.

Palihim na napangisi si Bright nang makita niyang nilantakan na lang ni Check sa isang sulok ang tasty at chocolate spread na kasama sa pinamili ni Xyro. Napailing siya nang makita niya na may chocolate na dumikit sa ilong nito habang kinakagat ang pinalamanan nitong tinapay.

What's with this girl? Naiinis ako na gusto kong matawa sa mga pinaggagagawa niya. Namalumbaba si Bright.

Nai-alis ni Bright ang kanyang kamay sa kanyang baba nang makita niyang tinabihan ni Yohan sa pag-upo si Check. Nahagip ng mga mata niya ang pag-alis ni Yohan ng chocolate sa ilong ni Check.

Bumingisngis ng tawa si Check habang nakatingin kay Yohan. Napansin ni Bright ang biglaang pagtawa ni Yohan ng malakas habang kausap nito si Check. Napagtanto niya na kapwa masaya at komportable ang dalawa tuwing sila ay magkasama.

Nakatingin si Bright sa tumatawang si Yohan. Is she your type of girl?

"Nothing's special with her."


















DAHIL sa sobrang lakas ng ulan at mukhang may bagyo ay hindi na rin nagawang makauwi nina Xyro at Check. Tumawag na si Xyro sa kanilang bahay para sabihin na hindi sila makakauwing magkapatid.

"Sayang, gusto ko ng ulan. Pero sa lugar na 'to, imposibleng makita ko ang pagpatak ng ulan sa labas," mahinang sabi ni Check habang nakasilip doon sa apat na flat screen monitor ng CCTV.

"Hey you!" malakas na tawag ni Bright mula sa likuran ni Check.

Nilingon ni Check si Bright. Mabilis itong lumabas doon sa korteng pabilog na office desk. "Check ang pangalan ko!"

"Hoy, Pakrung. Who told you that you can enter this room?!" Halata ang inis sa boses ni Bright.

"Bukas eh, kaya pumasok ako," papilosopong sagot ni Check.

"You're not allowed here!" malakas na sabi ni Bright.

"Oh, edi sana nilagyan mo sa may pinto ng don't entrance!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Bright sabay buga ng hangin. "The heck! Paano ka natatagalan ni Xyro?"

"No a, b, c, d... no multiple choice," nakangising sagot ni Check.

D*mn! Kung ugali ko lang manakit ng babae, binigwasan ko na 'to! Binuksan ni Bright ang kumukuyom na niyang palad.

Agad napansin ni Bright na may bagay na itinatago si Check sa likuran nito. Nang mapansin nito na nahalata niya iyon ay napasandal ito sa malaking desk kung saan nakapatong ang mga monitor ng CCTV.

Napatingin si Bright sa puwesto kung saan niya ibinaba ang rubik's niya at wala na iyon doon. Agad siyang napatingin kay Check na hindi makatingin ng diretso.

"Give it back to me," malumanay na sabi ni Bright sabay lahad ng kanyang kamay.

"Pahiram lang. Gusto kong subukan," ani Check.

"I said give it back to me."

Inilabas ni Check ang rubik's cube na itinatago nito sa likuran. Kukunin na sana iyon ni Bright pero mabilis nito iyong itinago ulit sa likuran nito.

"Give it to me!" malakas na utos ni Bright.

"Ang damot mong Surot ka! Pahiram lang naman, eh!" inis na sabi ni Check.

"Ayokong pinakikialaman ang mga gamit ko!"

Muling inilabas ni Check yung rubik's pero itinaas nito ang kamay nito. "Saglit lang, Surot. Pahiram muna."

Lalong napasandal si Check sa desk nang bigla na lang itong dikitan ni Bright. Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito na nakakapit sa desk para pigilin iyon at saka inabot ang rubik's sa kanan nitong kamay na nakataas.

Inilapit ni Bright ang mukha niya sa mukha ni Check pagkakuha niya ng rubik's. Halos maduling ang kanilang mga mata sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha.

(NP: Miss Right)

Napasinghap si Check nang bumaba ang tingin ni Bright sa labi nito bago niya inilayo ang mukha niya na nakadunghad dito.

"Get out," sambit ni Bright.

Kagat-labing tinapunan muna ng masamang tingin ni Check si Bright bago ito naglakad palabas ng kwartong iyon. Nang mapag-isa ay pabagsak siyang naupo doon sa swivel chair.

Crazy sh*t! I almost kiss her!

Continue lendo

Você também vai gostar

Garnet Academy: The Game De Cai

Ficção Adolescente

29.8K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
90.7K 3.8K 103
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka lang haha!
30K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...
645K 14.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...