MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 17 (Check And Physics)

173K 5.6K 875
By -likha-

"HINDI ba sumasakit ang ulo ni Sir dahil sa pagtuturo sa atin?"

Tinignan ni Hendrix si Professor Perez na nakaupo sa harapan pagkatapos ay saka nito binalingan ang nagtanong dito na si Check.

"Lahat ng subjects natin, siya ang nagtuturo. Siya lang din talaga ang nag-iisang Prof natin," dagdag ni Check sa una niyang sinabi. "Paano niya kinakaya 'yon?"

"Iyan ang pagkakaiba ng Prime University sa ibang school. Parang hindi tao ang mga Professors," sabi ni Hendrix sabay bukas ng libro sa Physics. "Sadyang inaral ng mga Professors ang lahat-lahat para matanggap bilang guro dito sa school. Ini-imagine ko pa lang ang naging paghihirap nila, parang lalagnatin na ako."

"Paano 'yon? Ibig bang sabihin no'n, matatanda na talaga sila bago sila magsimulang magturo dito?" kunot-noong tanong ni Check sabay tingin kay Professor Perez na ang edad ay humigit-kumulang 50 na rin.

"Yup! Exactly. Syempre kailangang I-master nila ang lahat-lahat bago sila makasabak sa school na 'to." tugon ni Hendrix kay Check.

"Hindi kaya magkaroon sila ng tumor sa utak dahil doon?"

"Alam mo ba kung ano ang edad ng pinakamatandang Prof dito sa highschool?" iniharap ni Hendrix ang kanyang katawan kay Check.

"Ano?" tanong ni Check.

"She's 82."

"82?!" malakas na ulit ni Check.

Naglingunan ang mga classmates nila at maging si Professor Perez na napatayo pa sa inuupuan nito. Nakataas ang dalawang kilay na tinumbok nito ng tingin si Check.

"Ms.Libramonte?" patanong na sambit ni Professor Perez.

"Sorry, Sir."

Yumuko si Check paharap sa katabi niyang si Hendrix. Nakangiti si Hendrix habang nakatingin sa kanya. Inilagay nito ang hintuturo sa gitna ng labi para sabihin sa kanya na huwag siyang mag-ingay.

"82? Nakakapagturo pa ba 'yon?" pabulong na tanong ni Check.

"Naman! With matching black stick on the side pa 'yon na pamalo niya. And to tell you... she's absolutely terror."

Napaharap sina Check at Hendrix sa nasa gitnang si Professor Perez nang ibagsak nito ang isang nakabukas ng libro sa table nito.

"We will be having a graded recitation today. Be ready as I call your name," malakas na sabi ni Professor Perez sabay baba sa platform na nasa harapan.

"Paktay na," nakangiwing sambit ni Hendrix. "Nag-aral ka ba? Bilisan mo magbasa-basa ka pa hanggat hindi pa nagsisimula."

"Nagbasa naman ako kagabi. Ewan ko nga lang kung maalala ko pa," malumanay na sabi ni Check. Binuksan niya ang libro niya sa Physics na kasalukayang subject nila sa mga oras na iyon.

Ilang minuto lang ay tumayo na ulit si Professor Perez. Naging alerto ang buong klase. Dumiretso ang mga ito ng upo habang nakatingin sa harapan.

"Close all your books and notes. Let's start!"

Sumunod agad si Check at Hendrix, isinara nila ang kanilang mga libro at saka matamang tumingin ng diretso sa harapan. Narinig ni Check ang mahinang pagsambit ni Hendrix sa kanya ng "goodluck". Nilingon niya ito at saka nginitian.

Isinaisip ni Check ang kanyang mga nabasa habang nakayuko at nakatitig sa kanyang libro na nakapatong sa arm chair. Panay ang pagpikit-pikit niya habang inaalala ang kanyang mga inaral kagabi.

"Ms.Check Libramonte."

Agad na naitaas ni Check ang kanyang ulo nang marinig niyang tinawag ni Professor Perez ang kanyang pangalan. Napalunok siya sabay sulyap sa katabi niyang si Hendrix.

"Kaya mo 'yan," pag-cheer ni Hendrix sa kanya sabay senyas na para patayuin siya. "Tayo na," pabulong na sabi nito.

Sa dami ng pwedeng unahin, ako pa talaga? Dahan-dahang tumayo si Check.

"Ms.Libramonte... what is Physics?"

Nagbulungan agad ang mga estudyante sa buong classroom. Kanya-kanya silang panghihinayang nang marinig nila ang unang tanong ni Professor Perez.

"Swerte niya sa tanong. Kung ano pa yung pinakamadali."

"Buti kung masagot niya 'yan. Kamote 'yan, eh."

"Sana sa akin na lang napunta yung question na 'yon."

"Quiet!" sigaw ni Professor Perez sabay kalampag ng table nito.

Huminga ng malalim si Check. Madali lang. Buti na lang nabasa ko 'yon.

"Go on. What is your answer?" ani Professor Perez habang nakatingin kay Check sa dulo.

"Sir, Physics is the natural science that deals with the study of... of... of weather and—"

"Weather?" mabilis na sambit ni Professor Perez habang nakakunot ang noo.

Nagtawanan ang lahat ng classmates ni Check bukod kay Hendrix na napakamot na lang ng ulo. Napailing-iling si Professor Perez habang nakatingin kay Check.

"Quiet!" muling saway ni Professor Perez. Tumahimik ang lahat pero halata na nagpipigil lang ng tawa ang mga ito.

"Pssst! Mali 'yon. Ulitin mo," bulong ni Hendrix kay Check pero hindi naman niya ito pinapansin dahil tahimik niyang inaalala ang buong definition ng Physics na kanyang nabasa.

"Weather," ulit ni Professor Perez habang mataman na nakatingin kay Check. "So what is the weather now?"

Kumunot ang noo ni Check sabay linga sa labas ng bintana. "It... it's sunny, Sir. Very very hot."

Napuno ng tawanan ang buong classroom. May ilang napapahampas pa sa arm chair lalo na ang mga kalalakihan. Muling pinatahimik ni Professor Perez ang buong klase.

"Do you really know what you're saying Ms.Libramonte?" seryoso ang mukha ni Professor Perez.

"So-Sorry Sir, I will... repeat." mautal-utal na sabi ni Check.

"Okay. Last chance, Ms.Libramonte."

"Physics is the natural science that deals with the study of matter and motion through space and time, along with related concepts such as... ahmm... " natigilan si Check at inisip kung ano ang kasunod na mga salita. "...such as energy and force."

Ayos! Napapitik si Hendrix habang nakatingin sa nakatayong si Check.

Bumaba ang napapataas ng kilay ni Professor Perez. "Okay, that's good." Sumandal ito sa harapan ng table nito. "Can you tell us more about Physics? Any additional, Ms.Libramonte?"

"Ano pa bang idadagdag ko," bulong ni Check habang nag-iisip. Nang maisip ang isasagot ay tumingin siya ng diretso. "Ah! Sir, we are surrounded by Physics all the time, and whether we realize it or not... ahmm... we use Physics everyday."

"Nice, Check," bulong ni Hendrix.

"Okay. So, can you give an example of Physics?" biglang dagdag na tanong ni Professor Perez.

Napakagat-labi si Check. Luh! Grabe siya, oh! Bakit ang dami niyang tanong sa akin? Kadayaan nitong si Sir.

"Come forward so they can see you," utos ni Professor Perez.

Nagbuga ng hangin si Check bago maglakad. Nang makarating siya sa tapat ni Wendy ay pasimple nitong iniharang ang paa sa kanyang dadaanan dahilan para siya ay mapasubsob. Mabuti na lang at alerto niyang naikalang ang dalawa niyang kamay sa sahig.

Nagtawanan ang lahat. Napatayo agad si Hendrix. Lalapitan sana nito si Check pero nagawa na niyang makatayo agad.

"Sir, that is Physics," mabilis na sabi ni Check pagkatayo niya.

Lalong nagtawanan ang lahat habang nakatingin kay Check. Hindi niya napigilan na tignan ng masama si Wendy at ang ang buong kahilera nito sa upuan na mga kaibigan nito.

"Class! Quiet!" sigaw ni Professor Perez. Agad nitong nilapitan si Check para kamustahin. "What happend? Are you okay?"

Pinagkiskis ni Check ang kanyang mga palad para magpagpag. "I'm okay, Sir," mabilis na niyang sabi. "Another example, Sir?"

"Okay. Can you show us?"

"Sureness, Sir," mabilis na sagot ni Check.

"Mr.Perez," tawag ni Professor Tuazon sa may pintuan na tila may gustong iabot.

"Excuse me," biglang sabi ni Professor Perez para lapitan ang tumawag dito na co-teacher sa may pintuan.

Pagkalapit ni Professor Perez sa pintuan ay bigla na lang may kumalabog na sinabayan ng matinis na tilian. Agad na napalingon ito sa gawi ni Check.

"Sir, this is another example of Physics."

Napanganga si Professor Perez nang makita nitong tila dominong nakatumba ang hilera ng upuan nina Wendy at ng mga kaibigan nito. Inilipat nito ang tingin sa nakangiting si Check.

"Okay, Sir?" tanong ni Check habang naka-thumbs up.

Wala sa loob na napatango na lang si Professor Perez. "Yeah! Okay..very good, Ms.Libramonte."

Nag-bow si Check pagkatapos ay nginisian niya si Wendy na noo'y masama ang tingin sa kanya. Nakangiting bumalik na siya sa kanyang upuan.

"Hey, that's crazy. Haha!" natatawang sabi ni Hendrix sa ginawang pagtumba ni Check ng upuan ni Wendy na nagdire-diretso hanggang sa dulo.

"That's Physics."

Nakataas ang kilay ni Check habang todo ang kanyang pagngiti.


















"KAYA mong ubusin lahat 'yan?"

Namumuwalan ang bibig ni Check. Tumango siya bilang pagtugon sa nagtanong na si Hendrix sabay abot sa kanyang softdrinks.

Nasa canteen sila ngayon. Inisa-isang tignan ni Hendrix ang pagkain sa kanilang table. Sari-sari ang pagkain na binili ni Check. Mula sa dalawang klase ng sandwich ay meron ring tatlong muffins na iba-iba ang flavor. Hindi rin nawawala ang isang malaking junkfood at medyo natutunaw ng ice cream.

"Saan mo dinadala yung kinakain mo, sa katawan mong 'yan?" ani Hendrix sabay kagat sa sandwich nito.

"Narinig ko na 'yang tanong na 'yan eh, sa Kuya ko. Gusto mo pa bang sagutin ko?" ani Check sabay sandok ng ice cream at isinubo iyon.

"Okay, huwag na lang," nakangiting sagot ni Hendrix.

Tahimik na kumain sina Hendrix at Check. Napapangiti si Hendrix sa tuwing napapasulyap ito sa kanya dahil sa punong-puno ang bibig niya kung kumain.

Matapos kumain ay dumiretso sila sa napakalaking library ng school. Sabay silang gumawa ng assignment nila sa Math.

"Ano ang mas mataas? .01 o .005?" biglang naisipang itanong ni Hendrix kay Check.

Itinigil ni Check ang kanyang pagsusulat. "Huh?" aniya pero ang totoo'y iniisip niya kung ano nga ba ang tamang sagot.

".01 o yung .005, alin ang mas mataas sa dalawa?" ulit ni Hendrix na halatang sinusubukan si Check.

Iginilid ni Check ang kanyang mga mata. Yung .005 yata kasi mas mahaba 'yon, eh. Saka mas mataas yung 5 kaysa sa 1.

Naipikit ni Check ang kanyang mga mata. Hindi siya makasagot dahil hindi siya sigurado at ayaw niyang mapahiya. Hindi na lang niya sinagot si Hendrix, idinaan na lang niya iyon sa pagkamot ng kanyang ulo.

".01 ang sagot. Hay naku!" Kinurot ni Hendrix sa pisngi si Check.

"Alam ko naman ang sagot, eh! Hindi ko lang sinabi, dahil malalaman mo," depensa agad ni Check.

"Magpapaliwanag ka pa. Ganyan talaga ang mga engot. Haha!" tumatawang sabi ni Hendrix.

"Nagsalita!"

Biglang hinampas ni Check sa braso si Hendrix. Agad itong napangiwi sa sakit sabay iwas noon kay Check.

"Ang o.a mo! Hindi naman malakas 'yon," ani Check na nakaakma para ulitin ang kanyang paghampas.

"Huwag na, uy! Masakit kaya," ani Hendrix na hinihimas ang braso nitong hinampas ni Check.

Namataan ni Check ang pagdating ni Yohan. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa maupo ito sa tapat, hindi kalayuan sa kanilang pwesto ni Hendrix. Napansin agad ni Hendrix ang kakaibang ngiti sa labi niya.

Tumikhim si Hendrix. "Hoy! Mag-aral ka. Hindi yung kung sa'n-sa'n ka tumitingin."

"Nag-aaral naman ako, ah!"

Nagsulat si Check sa kanyang notebook at pagkatapos ay pinilas niya iyon at ginawa niyang eroplano. Kunot-noong nakatingin lang si Hendrix sa kanya na todo pa rin ang pagngiti.

Sinundan ng tingin ni Hendrix ang eroplanong papel na pinalipad ni Check. Bumagsak iyon sa binabasang libro ni Yohan na nasa kanilang tapat.

Napataas ang dalawang kilay ni Yohan. Dinampot nito ang papel at saka binuksan nang mahalata agad nito na may nakasulat doon.

Binasa ni Yohan sa nakasulat doon sa eroplanong papel. Hello Yohan.

Nilingon ni Yohan ang paligid. Agad nitong nakita si Check sa tapat. Kumaway si Check ito kung kaya't ngitian siya nito kasabay rin ng pagbalik-kaway.

"Nag-aaral pala," nakasimangot na sabi ni Hendrix.

Nilinga ni Check si Hendrix. "Oh, bakit? That's Physics."

"Tss!" ismid na tugon ni Hendrix.

Nagulat si Check dahil pag-angat niya ng kanyang ulo ay nakita niyang nakatayo na sa kanyang harapan si Yohan bitbit ang mga librong hiniram nito sa library.

"Can I ?" tanong ni Yohan.

"Huh?" nakangangang sagot ni Check.

"I mean, pwede bang tumabi ng upo?" paglilinaw ni Yohan kay Check.

"Ah! Sure, sige upo ka lang," labas sa ilong na sabi ni Hendrix na itinuro ang puwesto sa tapat nila ni Check.

"Thanks," maiksing tugon ni Yohan kay Hendrix.

Napataas ang mga kilay ni Hendrix sa ginawang pag-upo ni Yohan. Imbes kasi na sa tapat ito maupo ay tumabi ito sa kabilang tabi ni Check. Naramdaman ni Hendrix ang bahagyang pag-urong niya para mas bigyan pa ng space ang naka-upo ng si Yohan.

"Yohan, si Hendrix nga pala... kaibigan at classmate ko," pormal na pagpapakilala ni Check sa kasama niyang si Hendrix.

"Nice to meet you," sambit ni Yohan.

"Same here," tugon ni Hendrix.

"May kaibigan ka pa lang lalaki," sabi ni Yohan kay Check.

Tumango si Check. "Siya ang kauna-unahang naging kaibigan ko dito sa school bukod kay Pakner."

"I see," ani Yohan habang nakangiti. "Akala ko kasi wala, eh. Wala kasing tumutulong sa'yo nung mga oras na hinahabol ka para pag-trip-an nung mga nautusang magpahirap sa'yo."

Pinaparinggan ba ako ng PRIME na 'to?! Napahawi sa buhok nito si Hendrix.

Biglang nalaglag ang ballpen ni Check. Nagka-umpugan sina Yohan at Check dahil sabay silang yumuko para kunin yung ballpen.

Naunang mahawakan ni Check yung ballpen kaya ang kamay niya ang nahawakan ni Yohan. Kagat-labing umangat na siya kasabay ng pag-angat din nito.

Ladies and gentlemen, this is another example of Physics. Napangiti si Check dahil alam niyang tama ang english na binitawan niya sa kanyang isipan.

"Are you okay? Napalakas yata yung pagkaka-untog natin." Hinawakan ni Yohan ang noo ni Check.

Napalunok si Check. Luh! Ayokong kiligin pero hindi ko po mapigilan!

"No mind. I'm okay. No worry."

Napangiti ng todo si Yohan dahil sa isinagot ni Check. Samantala, pakiramdam naman ni Hendrix ay para itong na-out of place bigla. Napailing na lang ito at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Kunwari ay nagbabasa pero ang totoo ay pasimpleng sinusulyapan ni Check si Yohan. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang sinusuyod ang kabuuan ng mukha ng lalaking kanyang hinahangaan.

Napatingin si Check sa nakasarang notebook ni Yohan. Doon ay nabasa niya ng buo ang pangalan nito. Lumaki lalo ang ngiti sa kaniyang labi. Muli niyang iniangat ang kaniyang paningin para tignan ang kanyang katabi.

Dane Yohan Villareal.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 410K 94
What if mapunta ka sa 'worst section' ng bagong school mo, at ang malupit .. IKAW LANG ang BABAE sa section mo! At hindi lang basta-basta ordinary...
982K 19K 58
Highest Rank: #1 in Mystery from Sept 20-25, 2018 Lufia Santillan De Vera, mas kilala bilang Red Butterfly. She's the top agent of NBI, the badass on...
275K 2.5K 20
Best Wattpad Authors!! ... Are you new on wattpad? Are you searching stories to read? ... Here are some authors and their stories that I suggest you...
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.