MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 12 (Krung-Krung)

178K 5.8K 768
By -likha-

"NANDITO ang PRIME!"

Naglingunan ang mga kaklase ni Check sa nakabukas na pintuan ng kanilang classroom nang marinig nila ang isinigaw ng isang estudyanteng lalaki mula sa labas. Napakunot ang noo niya nang magtayuan ang 5 kaklase niyang babae at basta na lamang nanakbong bigla palabas ng classroom.

"Girls, where are you going?" pahabol na tanong ni Professor Perez sabay labas din ng pintuan para tignan kung saan pupunta yung limang babaeng estudyante.

Luh! Ang haharot! Narinig lang na nasa labas ang PRIME, bigla na lang nagsilabasan. Itinigil ni Check ang pagkopya ng kanilang aralin na nasa pisara.

Nagulat si Check nang biglang bumungad sa may pintuan ang kuya niyang si Xyro, kasunod nito si Yohan at ang iba pang myembro ng PRIME. Nagsalubong agad ang kanyang mga kilay.

Pigil ang kilig ng ilang mga estudyanteng babae habang nakatingin sa PRIME. Ang mga estudyanteng lalaki naman ay tahimik lang at nagsi-ayos ng upo.

Nilinga ni Xyro si Check pagkatapos ay hinarap nito si Professor Perez. Isiniksik ni Check ang kanyang sarili sa kanyang arm chair para masilip niya si Xyro, nakaharang kasi ang ulo ng classmate niya na nasa harapan.

Napansin ni Check ang pagtango-tango ni Xyro habang kausap ang kanilang Professor. Muli siyang nilinga nito pagkatapos ay agad ring lumabas ng kanilang classroom.

Nakita ni Check ang pagngiti sa kanya ni Yohan bago ito sumunod sa grupo. Taliwas iyon sa ekspresyon ng mukha ni Bright nang makita niya ang matalim na tingin nito sa kanya habang nahuhuli ito ng lakad.

Gangster! Kung hindi lang oras ng klase ko ngayon lumundag na ako sa harapan mo, tapos dudukitin ko 'yang mga mata mo.

"Ms.Libramonte," tawag ni Professor Perez.

Halos tumagilid ang arm chair ni Check sa pagkagulat niya dahil ang bigat ng katawan niya ay nasa bandang kanan ng upuan. Nilinga niya ang tumawag sa kanya na si Professor Perez.

"Sir?" tugon ni Check sabay ayos ng upo.

"You have to go to the Student Council."

"S-Student Council, Sir?" pagkukumpirma ni Check.

"Yes," sagot ni Professor Perez. "Go there now. PRIME wants to talk to you."

Nagtinginan kay Check ang kanyang mga classmate. Nagsimula na namang magbulungan ang mga ito habang ang mga mata ay nakasentro sa kanya.

Tumayo na si Check sa pagkakaupo niya sa kanyang arm chair. Nanaman? Bwiset talaga ang PRIME na 'yan! Ano pa bang gusto nilang mangyari?

Sinimulan ng maglakad palabas ng classroom ni Check. Sinundan siya ng tingin ng nag-aalalang si Hendrix.


















DAHAN-DAHANG ipinihit ni Check ang pintuan ng Student Council. Isinilip muna niya ang kanyang kaliwang mata sa maliit na awang na ibinukas niya.

Nilakihan pa ni Check ang bukas ng pintuan. Walang mga surot?

Nang makumpirma ni Check na wala naman ang PRIME sa loob ay nilinga niya ang paligid ng pasilyong inaapakan niya. Kibit-balikat na pumasok na lang siya sa loob at saka niya isinara ang pinto.

Ngayon lang napagmasdang mabuti ni Check ang loob ng Student Council. Agad nakuha ng isang portrait ang kanyang atensyon. Nilapitan niya iyon para masipat niyang mabuti.

Sumimangot si Check. Ang aangas ng mga mukha.

"Si Kuya lang yata ang mukhang matino, at saka si... si Yohan." Napalitan ng ngiti ang kanina ay nakasimangot na mukha ni Check.

May Dean ba sa school na 'to? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ang Guidance sa laki ng school na 'to.

"Wala naman rin yatang silbi ang Guidance dito dahil sa mga surot na 'yon," ani Check na ang tinutukoy ay ang grupo ng PRIME.

Napalingon si Check sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Bumungad agad ang seryosong mukha ni Bright, sinulyapan lang siya nito at agad ding iniwas ang tingin. Isa-isang nagpasukan ang PRIME. Kanya-kanyang pwesto ang mga ito sa malaking silid ng Student Council. Palihim siyang napangiti nang makita niyang pumasok na si Yohan sa loob.

"Lakad, pasok na sa loob," utos ni Xyro na nasa bukana pa lang ng pintuan.

Napakunot ang noo ni Check nang makilala niya ang 5 babae na nakayukong pumasok sa loob. Iyon ay ang mga classmates niyang tumakbo palabas kanina... sina Faye, Lyka, Tiffany, Rhea at ang pinakamalditang si Wendy.

"What a shame," maiksing sambit ni Gavin sabay nag-cross legs ng upo sa sofa.

"Sintensyahan na 'yan!" malakas na sabi Jaxx.

"Girls, bakit kayo nakayuko? Ang gaganda niyo pa naman," sabi ng nakangising si Jam.

"Wooh! Highschool pa lang 'yang mga 'yan, oy! Ang landi mo talaga," puna ni Bogz kay Jam.

"T*ngina, sige makialam ka pa," bulong ni Jam sa katabing si Bogz. "Kaya hindi ka magka-syota eh, kulang ka sa diskarte," pang-aasar na dagdag nito

"Tumalon ka sa rooftop kapag pinakitaaan kita ng babae bukas, ano?"

"G*go huwag ako. Baka magbayad ka lang ng babae." Pinitik ni Jam ang tenga ni Bogz. "Itsura mong 'yan."

Hinawakan ni Bogz ang namula nitong tenga. "Kupal ka. Sinasabi mo bang hindi ako gwapo?" seryosong tanong nito.

"Hindi ko sinasabi na hindi ka gwapo... panget ka lang."

Paharot na sinuntok ni Bogz ang muscle sa braso ni Jam ng paulit-ulit. Si Jam naman ay tinatawanan lang ang madalas nitong kaasaran na si Bogz.

Biglang naglakad si Check papunta sa mismong tapat ng desk ni Bright. Mababanaag sa kanyang mga mata na may gusto siyang itanong habang siya ay palapit.

"Pakipaliwanag nga, ano bang nangyayari? Bakit nandito rin sila?" ani Check habang nakadunghad sa desk. "Tagalog, ha!" agad na dagdag niya.

"Tss!" Ismid lang ang isinagot ni Bright.

Naglakad si Xyro palapit kay Check. "Ano bang ginagawa mo dyan, halika nga dito." Iginiya nito si Check. Pinaupo siya nito sa tabi ni Bogz.

"Hi," todo-ngiting bati ni Bogz.

Nilinga ni Check si Bogz. "Hello," aniya at saka bahagyang ngumiti.

"Alam mo, ang cute mo," anang abot-tenga ang ngiti na si Bogz. "Hindi 'yon joke, ah."

Kinaltukan ni Jam si Bogz. "Highschool pa 'yan, oy!"

Napangiti ng todo si Check dahil sa ekspresyon ng mukha ni Bogz. Natuwa siya sa maypagkakengkoy na ekspresyon nito kahit na nagagalit na ito o naiinis.

"So you're the responsible for this mess?!" may kalakasang wika ni Bright.

Bahagyang inangat ni Wendy ang ulo nito para tignan si Bright pero hindi na nito nagawang iangat iyon ng husto dahil natakot ito sa seryosong itsura ng mukha ng leader ng PRIME.

"Sino ang totoong pasimuno sa inyong 5?!"

Sabay-sabay na itinuro nina Faye, Lyka, Rhea at Tiffany ang nasa gitnang si Wendy. Kagat-labing ini-angat na ni Wendy ang ulo nito. Hindi ito mapakali kung saan ba ito lilinga dahil ang lahat ng mga matang nasa kwartong iyon ay dito nakatingin.

Naningkit ang mga mata ni Check. Ano bang nangyayari? Anong kinalaman ko sa mga malditang 'to? Bakit pati ako pinapunta dito?

"I'm sorry! Please, forgive me!" Ipinagdikit ni Wendy ang mga palad nito at idinikit iyon sa labi kasabay ng pagyuko.

"Forgive you?!" sigaw ni Bright.

Takot na takot ang mga itsura ng lima habang ang mga ito ay nasa gitna. Ang kaninang maluwag na pagkakatayo nila ay sumikip dahil bigla na lang silang nagdikit-dikit.

"Who the hell are you para gamitin ang pangalan ng PRIME sa pansarili niyong kagustuhan?!" Halos mapuno ng sigaw ni Bright ang buong kwartong iyon ng Student Council.

"SORRY," sabay-sabay na sambit nung lima.

"Who f*cking told you to use my name?!" gigil na tanong ni Bright. "Sa tingin niyo nakakatuwa ba 'yon ha?"

"Hindi na mauulit, sorry talaga!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Wendy.

"Bakit ba ganyan ang leader niyo? Lagi na lang highblood?" tanong ng walang kamalay-malay na si Check sa katabi niyang si Bogz. "You told him, don't eating pig. Okay?"

Nakapatong ang siko ni Bogz sa sariling hita habang nakapalumbaba. Nakatitig lang ito kay Check. "Okay," wala sa loob na tugon nito.

Dahil walang ideya at naguguluhan si Check sa mga nangyayari ay naisipan na lang niyang palihim na sulyapan si Yohan na tahimik lang na nakikinig sa kapatid nitong si Bright.

Ngumiti si Check. Buti pa si Yohan, mabait na... cute pa.

"Hindi uso ang sorry lang sa PRIME," sabi ni Jaxx habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sina Wendy.

"Can I say something?" biglang sabi ni Xyro.

Tinanguan ni Bright si Xyro. Lumapit si Xyro kay Bright at saka may ibinulong. Matapos marinig ang ibinulong ni Xyro ay napahawak si Bright sa baba nito habang nakatingin kayna Wendy.

"Okay... let's play a game."


















"KASALANAN mo 'to, eh!"

"Oo nga! We shouldn't listen to you!"

"Shut up! Wala ng mangyayari kahit sisihin niyo pa ako!" inis na sabi ni Wendy.

Pinagtulungang sisihin nina Tiffany, Faye, Lyka at Rhea si Wendy. Nakahilera sila ngayon sa tapat ng highschool building. Pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng hindi napigilang magsilabasan kahit oras pa ng kanilang mga klase.

"May ice pa yata yung ibubuhos sa atin! My gosh!" napahawak sa dalawang pisngi nito si Tiffany.

"I hate this feeling! Hindi ako sanay ng napapahiya. Tignan niyo pinagtitinginan tayo ng lahat," mangiyak-ngiyak na sabi ni Lyka.

"I don't have extra clothes na pamalit," ani Rhea.

"Mommy!" pumapadyak si Faye.

"Shut up! Naririndi na ako sa inyo, girls!" sigaw ni Wendy na nasa gitna pa rin.

Sa tuktok nila ay may malaking timba na puno ng malamig na tubig. Ipina-set up iyon ni Bright sa ilang college students. Si Yohan ang nagturo kung paano ikukunekta ang mga tali noon.

Pinapili ni Bright sina Faye, Lyka, Rhea at Tiffany ng apat na myembro ng PRIME para maging parte ng parusa sa kanila. Pinili ng mga ito sina Jam, Bogz, Yohan at Xyro. Hindi na pinapili pa ni Bright si Wendy dahil bilang pasimuno ng lahat ay ginusto ni Bright na sa kamay nito mismo manggaling ang kapalaran ni Wendy.

30 meters ang layo ng limang PRIME sa target nila para mag-trigger iyon sa mga timba na nakatapat sa itaas nina Wendy at ng barkada nito.

"Hindi ako napili. Sayang mukhang masaya pa naman 'to," panghihinayang ni Jaxx na nasa tabi ni Gavin.

"Huy," tawag ni Check kay Gavin na tahimik lang habang nakikinig ng music sa nakapasak na earphones sa tenga nito. "Ipaliwanag mo nga, ano bang nangyayari dito, ha?" Kinalabit na niya si Gavin.

Kunot-noong tinignan ni Gavin si Check. "Huh?" anito habang nakanganga.

"Luh! Ewan ko sa'yo!" Magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Check. "May sariling mundo yata 'to."

"Nahiya naman ako sa katangahan mo," hirit ni Gavin kahit na may nakapasak na earphones sa tenga nito.

Gigil na tinignan ni Check si Gavin. Pompyangin ko kaya ang isang 'to.

"Mahina talaga ang kukote mo, ano?" biglang sabi ni Jaxx pero ang mga mata nito ay doon nakatingin kayna Wendy.

"Ano kamo?!" inis na sabi ni Check sabay lapit kay Jaxx.

"Silang 5 yung dahilan kung bakit pinaliguan ka nung mga lalaking ugok ng malamig na tubig kahapon," sabi ni Jaxx sabay tingin kay Check.

Napatingin si Check sa nakahilerang sina Wendy. "Si-Sila?!"

"Oo patpating amazona. Pinalabas lang nila na kay Bright galing yung utos," paliwanag ni Jaxx kasabay ng paghalukipkip nito.

"Kung gano'n, hindi ang PRIME—"

"You know what? You're cool at times... but you're slow."

"Ah, oo cool... yung kahapon? Malamig talaga yung tubig na pinipisik nila sa akin. Nakakanginig kaya." Niyakap ni Check ang kanyang sarili habang inaalala ang nangyari sa kanya kahapon.

She's really slow. Napa-iling na lang si Jaxx.

Sumenyas na si Bright para simulan ang "parusang laro" nila. Sabay-sabay na napapikit ang grupo nina Wendy. Inihahagis-hagis nina Jam, Xyro, Bogz at Yohan ang hawak nilang bola ng baseball sa ere at sinasalo iyon habang si Bright na nasa gitna ay nakatayo lang habang nakatitig sa malayo nilang target.

"Paisa-isa lang. Who goes first?" tanong ni Bright.

"Ako na lang." Parang batang tumalon-talon si Bogz.

"Malayo yung target, nakikita mo ba? Ayusin mo, ha? Baka hindi 'yan tumama. Sayang naman yung timba sa taas ng target mo," paalala ni Jam sa katabi niyang si Bogz.

"Kitang-kita ko. Sapul sa akin 'yang red mark na 'yan," sabik na sabi ni Bogz.

"Do it now," sambit ni Bright.

Hinalikan pa ni Bogz ang bola ng baseball na hawak nito. Parang bata itong umikot at saka malakas na hinagis ang bolang hawak.

Napatili si Rhea nang bumuhos dito ang malamig na tubig sa timba na nasa tapat nito. Naiyak sina Faye at Lyka nang makita ng mga ito na may halong maliliit na isda yung tumaob na timba.

Napakagat-labi si Check habang nakatingin sa basang-basa na si Rhea. Siya mismo ay napayakap sa sarili niyang katawan nang makita niyang may halo pang cube ice yung tubig na bumuhos dito, idagdag pa yung maliliit na malansang isda.

"Oha, oha!" Sumayaw-sayaw si Bogz. "Ice bucket challenge with fishda, alright!" anito habang kumekembot-kembot.

"Sus! Naka-chamba ka lang, eh," sabi ni Jam habang pumoporma na ng hagis. "My turn. Hmm, titirahin ko 'yang red mark na 'yan kahit masagwang tignan. Para kasing period ng babae, eh. Haha!" natatawang sabi ni Jam.

Siniko ni Xyro si Jam. "Puro ka kalokohan."

Natamaan ni Jam yung red mark na target nito. Bumuhos kay Lyka ang laman nung timba na malamig na tubig na may halo ring mga isda. Kumindat si Jam kung kaya't nagtilian ang mga babaeng estudyante na nanonood.

Sinundan ni Xyro ang pagtira sa target. Hindi nawawala ang tilian sa paligid. Nasapul rin nito ang red mark at bumuhos kay Tiffany ang laman nung timba na gaya din sa naunang sina Rhea at Lyka. Parang batang nagngangawa ito ng iyak.

Napakagat-labi si Check nang makita niyang lumingon sa kanya si Yohan. Nginitian siya nito at saka tumango pagkatapos ay dumiretso na ulit ng tingin.

Pumuwesto na si Yohan ng pagbato at natamaan rin nito ang target. Napuno ng isda ang tuktok ng ulo ni Faye, nagtitili ito habang pinapagpag iyon para alisin.

Lalong lumakas ang tilian sa paligid nang ang pinakahuling titira na ang susunod na walang iba kundi si Bright. Pumuwesto ito na parang maghahagis talaga ng bola sa larong baseball.

Ubod-lakas na inihinagis ni Bright ang bola. Tumama iyon sa red mark at bumuhos kay Wendy ang laman ng timba. Sa sobrang lakas ng tili ni Wendy ay napatakip ng tenga sina Faye, Lyka, Tiffany at Rhea.

Iba ang laman ng timba nung kay Wendy. Puno iyon ng malabnaw na putik at mga palaka. Diring-diri ito habang nagkakakawag para alisin ang mga palakang kumapit sa balikat nito.

"Eww! Girl, yung ulo mo may frog pa!" sigaw ni Tiffany habang nakaturo sa ulo ni Wendy.

Panay ang ikot at talon ni Wendy sa pwesto nito. Kahit nandidiri ay sinipa-sipa nito ang mga palaka na nagtatalunan sa mga paa nito. Maririnig ang malalakas na tawanan ng mga nakasaksi.

Dahil tapos na ang laro ay tinawag na ni Bright ang buong grupo ng PRIME para umalis na. Humarang si Check sa harapan ni Bright ng may tapang sa kanyang mga mata.

"Hoy, Surot! Alam mo bang isinusumpa kita? Pero dahil dyan sa ginawa mo, magpapasalamat ako sa'yo... ngayon lang!" mataray na sabi ni Check habang siya ay nakapamaywang.

"What? Iniisip mo na ginawa ko 'to para sa'yo?" Namulsa si Bright habang magkasalubong ang mga kilay. "Why would I? Tss... stupid!"

"Ano?" kunot-noong tanong ni Check.

"It's for the PRIME, not for you... krung-krung!"

"Go now. Go back to your class." Tinapik ni Xyro ang balikat ni Check.

Naglakad na si Bright kasunod ang buong PRIME. Naiwan si Check na masama ang tingin sa lalaking pinakaiinisan niya. Dahil sa kabwisitan ay napapadyak siya.

"Krung-krung daw? Ano 'yon?"

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
27.7M 706K 109
[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High S...
30K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...
1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...