MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 11 (Crush)

184K 5.8K 622
By -likha-

"EXCUSE me, that's my seat."

Itinigil ni Yohan ang pagbabasa nito, iniangat nito ang paningin sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Malamig na tingin ang ibinigay nito sa masungit naman na tingin nung babae na walang iba kundi si Jane.

Si Yohan ang unang estudyanteng pumasok sa kanilang classroom. Madalas na maagap talaga ito dahil nakahiligan na nitong manghiram ng libro sa library at saka nito dinadala sa mas tahimik na lugar para basahin.

"Sorry, but this isn't yours now," sagot ni Yohan sabay tungo ulit para ipagpatuloy ang pagbabasa.

"Yeah right, life isn't fair." Namaywang si Jane.

"What?" muling iniangat ni Yohan ang ulo nito.

"Hindi porke isa ka sa PRIME, eh papayag na lang ako na basta ibigay sa'yo ang upuan ko," mataray na sabi ni Jane. "That chair is mine!"

"Oh? Is that so? Well, sorry to say... this chair is mine now," malumanay na sabi ni Yohan.

"You're not funny. Will you just stand now and leave my f*cking chair!" Bumugso na ang inis ni Jane.

Hindi na nag-isip pa si Jane kung may makakakita sa kanila. Wala itong pakialam kahit pa masigawan nito ang alam nitong isa sa mga myembro ng PRIME. Sila pa lang dalawa ni Yohan ang tao doon sa classroom dahil isang oras pa naman bago ang kanilang klase.

Napataas ang isang kilay ni Yohan dahil sa katarayan ni Jane. "Miss, can't you see? There's a lot of chair in this room."

"Ayoko ng ibang upuan!" matigas na sambit ni Jane.

"But this chair belongs to me now," malumanay pa rin na tugon ni Yohan.

"Oh, really? Eh akin 'yan, eh. Bakit hindi ka na lang bumalik sa pwesto mo?" Itinuro ni Jane ang katabi nung upuan na inuupuan talaga noon ni Yohan.

Halos lutuin ni Jane sa masamang tingin si Yohan. Hindi ako natatakot sa isang 'to kahit PRIME pa siya. Sabi nila hindi naman siya gaya ng kapatid niyang si Bright na mainitin talaga ang ulo. Hindi naman siguro ako mapagti-tripan ng PRIME ng dahil lang sa bwiset na mang-aagaw na 'to!

Isinara ni Yohan ang libro na binabasa nito. Dume-kwatro ito at saka humalukipkip. Nakipagtitigan ito kay Jane na lalong nakapagpa-inis dito.

"What's with that look?!" Pinandilatan ni Jane si Yohan.

Iniurong ni Yohan ang libro nitong nakalapag sa arm chair na inuupuan nito. Tumambad sa itaas noon ang may isang pulgadang lettering ng pangalan nito. Malinaw nitong isinulat doon ang pangalan nitong "Yohan".

Nanlaki ang butas ng ilong ni Jane dahil sa nakita nito. Parang gusto nitong burahin sa titig ang isinulat na pangalan doon ni Yohan. Inangat nito ang tingin nito at tinignan ng masama ang lalaking umagaw ng upuan nito.

"You still want to seat on this chair even if my name is already written on it?"

Itinaas ni Yohan ang dalawa nitong kilay kasabay ng tila nang-aasar nitong ngiti. Kitang-kita nito ang galit sa mga mata ni Jane.

"Screw you! Thunder stealer!"

Walang nagawa si Jane kundi ang umupo sa katabing upuan kung saan umuupo noon si Yohan. Ayaw na sana nitong katabi si Yohan pero inisip nito na baka sa kanya naman magalit ang may-ari ng arm chair na mapipili nitong upuan.

Habang inilalabas ang kanyang notebook at libro sa kulay pink nitong bag ay pasimpleng sinulyapan ni Jane si Yohan. Nakita nitong tahimik lang si Yohan habang nagbabasa ng libro.

Palalim ang tingin ni Jane kay Yohan. Pati yata ang magiging rank ko this school year, balak pang agawin.

Nagulat si Jane nang biglang inilinga ni Yohan ang ulo nito pakaliwa para tignan ito. Pinagtaasan ni Yohan ng dalawang kilay si Jane na animo'y sinasabi na: "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Iniwas agad ni Jane ang mga mata nito at kunwa'y may hinahanap pa sa loob ng kanyang bag. Ilang saglit lang ay napalingon ito sa may bintana nang makarinig ito ng malakas na tawanan mula sa ibaba. Maging si Yohan ay napalingon sa direksyon ng bintana.

Nagmadaling tumayo si Jane para sumilip at alamin kung ano ang nangyayari sa ibaba. Napahawak itong bigla sa kanyang dibdib dahil sa natanaw nito.

No... not again!


















UMIIKOT-IKOT is Check habang tinitignan ang mga estudyanteng may mga bitbit na watergun sa mga kamay. Napadpad na naman siya sa tapat ng building ng mga college students dahil sa kanyang pagtakbo.

Tumakas si Check sa kanilang bahay kanina para pumasok. Naglagay siya ng dummy na unan at wig sa kanyang kama para isipin ni Xyro na natutulog lang siya.

Akala niya ay wala ng gugulo sa kanya ngayong araw dahil malaya naman siyang nakapasok kanina hanggang sa matapos ang kanyang klase. Laking gulat na lang niya na kung kailan pauwi na siya ay saka pa may mga highschool students na gaya niya ang humahabol sa kanya.

"Huwag kayong lalapit kundi makakatikim kayo sa akin!" singhal ni Check sa mga nakapalibot sa kanya.

"Walang magagawa 'yang pagbabanta mo! Hahaha!" tumatawang sabi ng isang estudyanteng lalaki sabay pisik ng watergun na hawak nito sa mukha ni Check.

Pinagtulungan ng mga nasa sampung highschool students na basain si Check. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinaliliguan siya ng malamig na tubig na nasa watergun ng mga ito. Ang ilan sa mga estudyante ay pinili munang hindi umuwi dahil sa kagustuhang makiusyoso.

Hindi naman sa sumusuko na ako at naghahangad talaga ako na matigil na 'tong kalokohan na 'to, pero inakala ko talaga na marunong pakiusapan ang Surot na Bright na 'yan. Nagkamali pala ako!
Niyakap ni Check ang basa na niyang katawan.

"Basa na 'yang damit mo. Hubarin na natin 'yan. Hahaha!"

Pumorma ng isang fighting position si Check habang nakatingin doon sa lalaking nagsalita. Kahit paano ay nakaramdam siya ng hindi maganda dahil sa sinabi nito.

Pinagtulungang hilahin ng tatlong estudyanteng lalaki ang suot na blazer ni Check. Nawasak pa iyon dahil sa sapilitang pagtanggal noon sa kanya. Muling lumayo ang mga ito at saka malutong na nagtawanan. Wala siyang nagawa kundi tignan ng masama ang mga ito.

Kahapon lang ay naranasan niyang mapatid dahil sa taling basta na lang sumulpot sa may hagdan, napa-upo siya sa sahig dahil sa mga holen na ikinalat sa daan, naranasan rin niyang batuhin ng mga itlog, sabuyan ng tuyong mga dahon at kung ano-ano pa pero hindi niya ininda ang lahat ng mga iyon. Pero sa puntong ito ay pakiramdam niya ay gusto na talaga niyang maiyak dahil tingin niya ay masyado na siyang nababastos.

Sumalampak si Check sa lupa at saka niyakap ang kanyang sarili. Mga salbahe kayo! Ang sasama niyo!

"Parang kulang, eh. Hubarin na rin kaya natin yung ibaba?" malokong sabi nung isa sa tatlong naghubad ng damit ni Check.

Napatingala ang nakayukong si Check. Naghihiyawan ang mga nasa paligid. Nakita niyang akmang lalapit na naman yung tatlong lalaki sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang pumikit.

Agad na napadilat si Check nang maramdaman niyang may tumilapon sa kanyang tabi. Nakita niya yung isang lalaki na nakadausdos sa kanyang tagiliran, dumudugo ang ilong nito.

Ang kaninang malakas na hiyawan ng mga estudyante ay biglang nawala. Natahimik ang paligid at ang tanging maririnig na lang ay mga lagutok o tunog ng mga suntok. Kitang-kita ni Check sa kanyang harapan na ginugulpi ni Yohan ang mga lalaking highschool students na nakapalibot sa kanya kanina.

Yohan. Napasinghap si Check. Bigla kasi siyang nilinga ni Yohan, nagpunas ito ng pawis.

"Pinilit niyo akong saktan kayo," mariing sabi ni Yohan habang mataman na tinitignan ang mga nakaluhod ng highschool students.

Nagsimulang magbulungan ang ilan. Ang iba ay kinikilig habang nakatingin kay Yohan at ang iba naman ay pinagbubulungan ang tungkol kay Check at ang pagtatanggol ni Yohan sa kanya.

Tinignan ni Yohan ang ilan sa mga estudyante. Napaatras ang iba sa pag-aakalang baka pati sila ay madamay sa sitwasyong iyon. Lumapit si Yohan sa isang babaeng estudyante.

"Take off your jacket," mahinang sambit ni Yohan sa tapat ng isang highschool student na babae.

"What?" nakangangang tanong nung estudyante.

"I said... take off... your jacket," dahan-dahang ulit ni Yohan.

Agad na sumunod yung highschool student na babae. Nagmadali itong hubarin ang suot nitong puting jacket at inabot iyon kay Yohan ng nakayuko.

"Thanks," mahinang pagpapasalamat ni Yohan.

Nilapitan ni Yohan si Check na noo'y nakatayo na habang nakatingin dito. Yakap-yakap pa rin ni Check ang kanyang sarili at medyo nanginginig na rin ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na ipinipisik sa kanya kanina.

Hindi mapigilan ni Check na titigan si Yohan habang ipinapatong nito sa kanya ang puting jacket. "M-Maraming s-salamat, Yohan," nangangatal na sabi niya.

Ngumiti si Yohan. "Kaya mo na bang umuwi? Gusto mo bang tawagan ko si Xyro?"

"Huwag na, hindi kasi alam ni Kuya na pumasok ako ngayon." Todo ang iling ni Check. Nilinga niya ang may-ari nung jacket na kanyang isinuot. "Ibabalik o kaya papalitan ko na lang sa'yo ito, ha? Salamat," aniya. Nakangiting tumango naman yung may-ari nung jacket.

"Pakner!"

Nilingon ni Check ang tumatakbong si Jane. Agad siyang sinuri nito ng makalapit ito sa kanya pagkatapos ay sinamaan nito ng tingin si Yohan.

"Don't expect me to thank you for saving my bestfriend, dahil kayo lang din namang PRIME ang may pakana ng mga 'to," mahina pero mariing sabi ni Jane kay Yohan.

Inilayo na ni Jane si Check. Nilinga ni Check si Yohan na tahimik lang na nakatingin sa kanilang magkaibigan.

Maraming salamat ulit... Yohan.


















"HIGHSCHOOL students?"

Kumunot ang noo ni Bright dahil sa sinabi sa kanya ni Yohan. Inilinga niya ng bahagya ang kanyang katawan sa nakatalikod na swivel chair.

Tuluyang iniikot ni Bright ang swivel chair na kanyang inuupuan paharap. "What are you talking about? Kinausap mo ako kagabi about that crazy girl's issue then I told you na pag-iisipan ko."

"Yeah, they keep on chasing her."

"What?" Nagsalubong ang mga kilay ni Bright. "Alam mo ba kung ano ang naging desisyon ko? Naisip ko ng itigil ang pagpapahirap sa kanya na bihira ko lang gawin. Then, sasabihan mo ako ngayon na may humahabol pa sa kanya?"

Napaisip bigla si Yohan. "Kung gano'n, hindi ikaw ang nag-utos no'n?"

"No," maiksing sagot ni Bright.

"Baka naman meron lang may trip na pahirapan yung babaeng 'yon," biglang sabat ni Jaxx.

"Oo nga," segunda naman ni Jam. "Well, that's possible."

Bakante ngayon ng magkakaklase na sina Bright, Jam at Jaxx kaya awtomatiko na nagpupunta talaga sila ng Student Council para doon muna maglagi at dahil na rin sa kagustuhan ni Bright. Kapwa napatingin si Bright at Yohan kayna Jam at Jaxx dahil sa sinabi ng dalawa.

"Where are they?" tanong ni Bright na ang tinutukoy ay iyong mga highschool students.

"They're outside, Kuya. Hindi ko pinauwi yung 3," sagot ni Yohan.

"Dalhin mo dito," sabi ni Bright sabay tayo at saka sumandal sa office desk. "I have something to ask."

Lumabas si Yohan ng Student Council, ilang saglit lang ay kasama na nito yung tatlong highschool students na lalaki. Pinatayo nila ang mga ito sa gitna. Kapwa mga nakayuko ang mga ito at kakikitaan ng takot sa mga mata.

"Who's behind this sh*t?"

Inisa-isang tignan ni Bright ang mga nakayukong estudyante. Walang nagtangkang umimik sa mga ito kung kaya't nakaramdam ng inis si Bright. Halata ang takot na nararamdaman ng mga ito.

"Sagot!" malakas na sigaw ni Bright.

"Sinabihan lang po kame. Ang sabi po sa amin kayo raw po ang nag-utos," mabilis na sagot nung nasa gitna pero hindi nito magawang iangat ang ulo para tumingin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Bright. "What the hell?! Wala akong inuutos na kahit na ano."

"Iyon lang po ang sabi sa amin. Kapag hindi raw kame sumunod, kame daw ang papahirapan ng PRIME."

"Who the f*ck are they?!" ani Bright kasabay ng pagkalampag niya ng office desk.

"Wala na po sila ngayon sa school, nakauwi na po ang mga iyon ngayon."

"Sila?" kunot-noong sambit ni Bright.

"Highschool students din."

Napatingin si Bright sa sinabi ni Yohan pagkatapos ay iginilid niya ang kanyang mga mata habang may iniisip.


















SA bahay nina Check dumiretso si Jane pagkatapos ng klase nito. Ngayon pa lang nito nalaman ang lahat-lahat matapos nitong pilitin si Check na ikuwento ang naging hidwaan sa pagitan niya at ng PRIME.

"Kung gano'n, noon pa lang nakagawa ka na pala ng kasalanan sa kanila." Kinuha ni Jane ang isang unan sa kama ni Check na kanilang inuupuan.

"Dinumihan nga kasi nila yung cap na bigay sa akin ni Kuya."

Hinila ni Jane sa may bangs si Check. "Kahit kailan ang babaw mo. Kaya ka napapahamak, eh."

"Eh ibang usapan naman 'yon, eh. Yung pagsuntok nung Surot na Bright na 'yon kay Hendrix ang hindi ko nagustuhan." Biglang sumama ang mukha ni Check.

"By the way, sino nga pala yung Hendrix na 'yan?"

"Classmate ko siya, Pakner. Noong una nainis ako sa kanya, tawanan ba naman ako nung unang araw ng pasukan because of my introduce the self. Pero ayon okay na kame ngayon. Him... me, friends now." Ngumisi si Check.

"Huwag pilitin mag-english kung hindi naman kaya," seryosong sabi Jane sabay hampas ng unan kay Check. "Hey, what's with that smile? Siguro crush mo yung Hendrix na 'yon, 'no?" pang-aasar nito kay Check dahil sa napuna nitong kakaibang ngiti sa mukha niya.

"Hoy hindi, ah!" Pabatong ibinalik ni Check ang unan kay Jane.

"Wooshoo!" Kiniliti ni Jane si Check.

Nag-ihit ng tawa si Check. Nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama dahil ayaw siyang tantanan ni Jane. Kahit mga dalaga na ay hindi pa rin talaga nawawala sa kanilang dalawa ang ganitong klase ng harutan.

"Haha! Hindi ko nga siya crush ano ba!" tumatawang sabi ni Check habang parang bulateng hindi mapakali sa kakaikot sa kama.

"Okay, hindi na kung hindi." Itinigil na ni Jane ang pagkiliti kay Check. "Pero, tell me... meron ka na bang crush sa Prime University, ha?"

Tinitigan ni Jane si Check habang nag-aantay ng kanyang isasagot. Kagat-labing umiwas siya kay Jane. Tumalikod siya, kinuha niya ang isang unan at saka sumubsob doon.

"Uy! Mukhang meron, ah!" Labas-ngipin ang ngiti ni Jane. "Share mo naman sa akin. Kilala ko ba siya? Yiee!" Sinundot nito ang tagiliran ni Check.

"Meron nga," mabilis na sabi ni Check. "Pero saka ko na sasabihin sa'yo kung sino," aniya habang nakasubsob pa rin sa unan.

"Pakners tayo, ah! Ang daya mo!" Pinilit iharap ni Jane si Check. "You're so nakakainis! Come on! Tell me his name."

Hindi nakikita ni Jane ang todong ngiti sa mukha ni Check dahil nakasubsob pa rin siya sa kanyang unan. Kinikilig na kinagat niya ang ibaba niyang labi.

Isa siya sa PRIME... si Yohan.

Continue Reading

You'll Also Like

7K 294 19
"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan...
8.8M 56.2K 11
"I was born to hate you." Iyan ang mga unang salitang sinabi ni Zoe sa "boyfriend" niyang si Jet kasama ng isang mala-demonyitang ngiti. Despe...
90.7K 3.8K 103
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka lang haha!
253K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...