MS.RIGHT (published under PSI...

By -likha-

13.9M 430K 81.6K

Highest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katang... More

MR
••STORY TRAILER••
••THEMES & PLAYLIST••
••CHARACTERS PROFILE••
•••INTRODUCTION•••
CHAPTER: 1 (Gangsters)
CHAPTER: 2 (That Girl)
CHAPTER: 3 (Tulips)
CHAPTER: 4 (They Are One)
CHAPTER: 5 (PRIME)
CHAPTER: 6 (Student Council)
CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)
CHAPTER: 8 (Me Against Them)
CHAPTER: 10 (Angel And Demon)
CHAPTER: 11 (Crush)
CHAPTER: 12 (Krung-Krung)
CHAPTER: 13 (Foretell)
CHAPTER: 14 (Agent Check)
CHAPTER: 15 (Surot And Krung)
CHAPTER: 16 (Prime Headquarters)
CHAPTER: 17 (Check And Physics)
CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)
CHAPTER: 19 (Trespassers)
CHAPTER: 20 (A Night With Them)
CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)
CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)
CHAPTER: 23 (Jam, The Chick Magnet)
CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)
CHAPTER: 25 (Like Or Love)
CHAPTER: 26 (Check's Protector)
CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)
CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)
CHAPTER: 29 (Transferee)
CHAPTER: 30 (Prospect)
CHAPTER: 31 (Hendrix's Feelings)
CHAPTER: 32 (Hatred)
CHAPTER: 33 (The Bright Style)
CHAPTER: 34 (His Reason)
CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)
CHAPTER: 36 (Friends)
CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)
CHAPTER: 38 (The Warmest Place)
CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)
CHAPTER: 40 (Threat)
CHAPTER: 41 (I Hate You)
CHAPTER: 42 (Ms.Right)
CHAPTER: 43 (You Are)
CHAPTER: 44 (Never Hurt Her)
CHAPTER: 45 (Brightest Smile)
CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)
CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)
CHAPTER: 48 (Responsible For Her)
CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)
CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)
CHAPTER: 51 (Interrogation)
CHAPTER: 52 (Fighting Partners)
CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)
CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)
CHAPTER: 55 (I Love You)
CHAPTER: 56 (Unexpectedly)
CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)
CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)
CHAPTER: 59 (Love Is In The Air)
CHAPTER: 60 (Triple Date)
CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)
CHAPTER: 62 (I Need You)
CHAPTER: 63 (No Mercy)
CHAPTER: 64 (This Is Not The End)
CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)
FAQs
MS.RIGHT BOOK (Part 1) Published under PSICOM

CHAPTER: 9 (Fighting On My Own)

183K 6K 928
By -likha-

HUMINGA ng malalim si Check habang nakatingin sa nakasarang main entrance ng Prime University. Inayos niya sa kanyang likod ang may kalakihang waterproof backpack na dala niya. Nilingon niya ang mga estudyanteng papasok rin sana na gaya niya. Nakatingin ang mga ito ng masama sa kanya.

"Tss! Dukutin ko kaya 'yang mga mata niyo? Hindi ko kasalanan na masaraduhan din kayo. Doon sa mga kupal na PRIME kayo magreklamo!"

Pasimpleng umalis si Check sa entrance. Pinuntahan niya ang lugar kung saan pwede siyang makadaan. Iyon ay yung puno at pader na itinuro ni Yohan sa kanya.

Ngumisi si Check. Akala niyo, ha! Paminsan wais din 'to, uy!

Ibinaba ni Check ang dala niyang backpack. "Magpapaka-girl scout ako ngayon. Nakahanda ako!"

Tiningala ni Check ang may kataasan din na puno. Luminga muna siya sa paligid bago niya inihagis sa sanga yung inilabas niyang lubid sa kanyang backpack. Muli niyang isinukbit ang backpack sa kanyang likod. Pinagsalikop niya ang magkabilang dulo nung lubid at saka niya ginamit iyon bilang pangsuporta sa pag-akyat niya ng puno.

"Wew! Thank you Lord!"

Napabuga ng hangin si Check nang makaapak na siya doon sa sanga. Kailangan niyang kunin yung lubid pabalik kung kaya't naisipan muna niyang ibaba yung mabigat niyang backpack doon sa tuktok nung pader.

Pagkahila ni Check sa lubid ay dahan-dahan siyang lumipat doon sa pader at pagkatapos ay ibinalik niya yung ginamit niyang lubid sa loob nung backpack. Ang susunod na niyang gagawin ngayon ay ang pagtalon sa kabila ng pader. Binuhat niya yung backpack niya at basta na lang niyang inihagis iyon sa baba.

"Aww! Sh*t!"

Nagulat si Check sa sigaw na nanggaling sa ibaba. Nawalan siya ng balanse kung kaya't napahilis ang paa niya na nakaapak sa tuktok ng pader. Hindi pa man siya nakahandang tumalon ay nahulog na siya mula sa itaas. Nadaganan niya si Yohan.

Nakangiwi habang nakasapo si Yohan sa likod ng ulo nito dahil nauntog iyon sa damuhan. Si Check naman ay dilat na dilat habang nakatingin sa mukha nito.

"Grabe ka. Binagsakan mo na nga ako ng bag mo, dinaganan mo pa ako," ani Yohan habang nakatingin sa tulalang si Check.

"Luh! Malay ko bang nagpapaka-Juan Tamad ka dito sa ibaba. Ayan, nabagsakan ka tuloy!"

Agad na tumayo si Check at pinagpag ang kanyang damit pagkatapos ay isinukbit niya ang kanyang backpack kasabay ng kanyang pagtalikod.

"Sabi ko na nga ba dito ka dadaan, kaya inantay talaga kita," wika ni Yohan. "I just want to say sorry."

Kunot-noong luminga si Check. "Huh?"

"Sorry sa mga nararanasan mo ngayon," mahinang sabi ni Yohan. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa ginagawa nila sa'yo."

"Nila? Bakit hindi ka ba kasama do'n? PRIME ka rin, 'di ba?" Itinaas ni Check ang isa niyang kilay. "Akala ko pa naman iba ka, pero dahil isa ka ring PRIME... nagbago na ang tingin ko sa'yo. Pare-prehas lang naman kayo! Puro kayabangan ang alam niyo!"

"Hindi ko naman gus—"

"Akala niyo ba nakakaganda ng pangalan ng school ang mga ginagawa niyo?  Matatalino nga ang mga tao dito, puro naman mga demonyo!"

Tuluyan ng tinalikuran ni Check si Yohan at nagmadali ng maglakad. Wala na itong nagawa kundi sundan siya ng tingin habang siya ay palayo.

Napangiti si Yohan. She's really brave.


















ISA-ISANG inaalis ni Check ang mga nagdikitang tuyong dahon sa kanyang katawan. Tapos na ang kanyang klase pero hindi siya makalabas ng school dahil sa mga sari-saring pasakit na ginagawa ng ilang mga estudyante sa kanya. Nanlilimahid na ang kanyang itsura at pagod na pagod na rin siya sa pagtakbo.

Habang nakakuha ng mapagpapahingahan sa isang malagong puno ay naalala ni Check ang naging pag-uusap nila ng Kuya niyang si Xyro. Ni minsan ay hindi sila nag-away na magkapatid dahil mas madalas silang nagkukulitan at nagbibiruan pero kanina lang umaga ay masyadong naging seryoso ang palitan ng kanilang pag-uusap.

—Flashback—

"Bakit naman pati yung gulong ng motorbike ko, binutas mo?" tanong ni Xyro sabay upo sa tapat ni Check na nagsisimula ng kumain ng almusal.

Hindi pinansin ni Check si Xyro. Nakatuon ang kanyang atensyon sa mga pagkain na nasa mesa. Dumampot siya ng apat na wheat bread at pinalamanan iyon ng ham at mayonnaise. Habang nilalantakan ang apat na layer ng tinapay na kanyang ginawa ay nagpalaman pa ulit siya ng apat na layer pa ng sandwich at ibinaba niya iyon sa kanyang plato.

Kukuha pa sana ng tinapay si Check nang dakmain ni Xyro ang kanyang kamay. Noon lang niya ito pinansin na kanina pa nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

"Saan ba napupunta 'yang mga kinakain mo sa nipis ng katawan mo?"

Tumaas ang isang kilay ni Check. "Malamang sa tiyan. Anong klaseng tanong 'yan?" Ipinagpatuloy niya ang pagpapalaman ng tinapay. "Huwag kang mag-alala, ilalabas din naman 'to ng pwet ko!" Inirapan niya si Xyro.

Minasahe ni Xyro ang sarili nitong sentido. Napapakunot talaga ang noo nito sa ginagawa ni Check. Alam nitong lamon kung kumain ang kapatid pero sa nakikita nito ngayon ay mukha kasi siyang mauubusan ng pagkain sa dame ng tinapay na nasa plato niya.

"Itigil mo na. Huwag ka ng pumasok. Next year mo na lang ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa Prime University." Hinawakan ni Xyro ang isa niyang kamay.

"Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko Kuya, ang PRIME ang nagpapahirap sa akin!"

"Kaya nga ang sinasabi ko sa'yo, huwag ka na lang pumasok," mariing sabi ni Xyro.

"Alam mo ba Kuya kung para saan 'tong sandamukal na sandwich na 'to, ha? Kailangan ko kasing mas doblehin ang kain ko para may lakas ako mamaya sa pagpasok ko sa school! Alam kong bago ako makauwi ng bahay, pagod na pagod na ang katawan ko dahil sa kademonyohan ng mga kaibigan mo!"

Natigilan si Xyro. Naramdaman nito ang ibig sabihin ni Check sa binitawan niyang salita. "I know... but I can't help you. I'm so sorry."

Pakiramdam ni Check ay gusto niyang maiyak sa sinabi ni Xyro sa kanya. Hindi naman sa dahil kailangan niya talaga ng tulong mula dito, pero ang ikinalungkot niya talaga ay ang malaman na tila mas pinipili pa ni Xyro ang PRIME kaysa sa kanya na kapatid nito.

"Hindi ko naman kailangan ng tulong mo, Kuya. Kaya kong mag-isa," mahinang niyang usal pagkatapos ay inabot niya ang baso ng tubig at saka uminom.

"Check, huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo!" malakas na sabi ni Xyro. "Dyan ka lalo mapapahamak!"

"Mali ka Kuya, hindi ito tigas ng ulo... prinsipyo ang tawag dito."

Sinundan ng mga mata ni Xyro ang ginawa niyang pagbabalot ng sandwich sa isang plastik pagkatapos ay ipinasok niya iyon sa dala niyang backpack.

Ilang saglit lang ay binitbit na ni Check ang kanyang backpack. Sinulyapan niya ang tahimik ng si Xyro na nakatingin lang sa kanya.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon mahina ako."

—End—

Kinuha ni Check ang sandwich sa kanyang backpack. Inilabas niya rin ang baon niyang bottled water. Habang kinakain ang makapal na sandwich ay aburidong nililingon niya ang paligid para tignan kung meron bang nakaantabay na iistorbo sa kanyang pagkain. Kahit paano ay naging kumportable naman ang pag-upo niya sa ilalim ng malaking puno na iyon na nasa likod ng Prime University.

Tumunog ang cellphone ni Check, kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at agad tinignan kung sino ang tumatawag. Agad niyang sinagot iyon.

[Pakner? Where are you now? Are you okay?! My God! Anong ginawa nila sa'yo? What happend? Sabihin mo, bakit ka pinahihirapan ng PRIME?!]

"Pakner, huminga ka naman. Parang ako yung hiningal sa mga tanong mo, eh. I'm fine, very thank you. Do not worry, me okay. Okay?" ani Check na namumuwalan dahil puno ang kanyang bibig ng pagkain.

[Hay! Huwag ka na ngang mag-english! Tapos mukhang kumakain ka pa yata, hindi ko maintindihan. Kumukulot ang kapaplantsa ko lang na buhok dahil sa'yo, eh! Break namin ngayon, nasaan ka? Pupuntahan kita]

"Don't border Pakner, I'm fine thank you."

[Baka you mean bother! Nasaan ka nga? Pupuntahan kita. Bilisan mo hanggat may oras pa ako]

"Huwag na Pakner, naka-uwi na ako," pagsisinungaling ni Check. "Balewala naman yung mga ginawa nila sa akin, sisiw. Sige, Pakner... bye na."

Hindi na pinagsalita ni Check si Jane. Pinindot na niya ang end call button at pagkatapos ay in-off niya ang kanyang cellphone. Humugot siya ng malalim na  paghinga.

Alam kong tutok na tutok ka sa pag-aaral mo, Pakner. Baka magkaproblema ka pa kapag pinuntahan mo ako ngayon dito.

Muling ipinagpatuloy ni Check ang kanyang pagkain hanggang sa natigil ang pag-nguya niya. Pakiramdam niya ay walang-wala talaga siyang makakapitan sa lugar na iyon. Kinagat niya ang ibaba niyang labi para pigilin ang bugso ng kanyang damdamin. Kanina pa niya kasi pinipigil ang kanyang napipintong pag-iyak.

"Waahh!" malakas na tili ni Check. Naisampal niya ang hawak niyang sandwich sa mukha ng kumapit sa kanyang balikat.

Ilang segundo ring nakatapal ang hawak niyang sandwich sa mukha ni Hendrix. Nang i-alis niya iyon ay naibuga naman niya ang laman ng kanyang bibig sa mukha nito nang makita niya ang hindi maipintang itsura nito.

"Ganyan na ba ang ginagamit na pang-facial ngayon?" nakabusangot ang mukhang sabi ni Hendrix.

"Hahaha!" Tumatawa si Check habang nakaturo sa mukha ni Hendrix. "Sorry naman. Ginulat mo kasi ako, akala ko kung sino," aniya pero tawa pa rin siya ng tawa.

Nakasimangot na pinunasan ni Hendrix ang mukha nito gamit ang sarili nitong panyo. Kinuha rin nito ang tubig ni Check at binuhusan iyon.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Check kay Hendrix nang matapos ito sa pagpupunas ng mukha.

Hindi pinansin ni Hendrix ang tanong ni Check. Inuna muna nito ang pagsipat sa kanyang itsura. "Ayos ka lang ba?"

"Buhay pa naman," nakangiting sagot ni Check.

"Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nakakilala ng taong kasing engot mo."

Tinignan ng masama ni Check si Hendrix. "Nandito ka ba para damayan ako o baka nautusan ka rin nila para asarin at pahirapan ako?!" Itinaas niya sa isang gilid ang kanyang itaas na labi.

"Eh ang engot mo naman kasi talaga! Sino bang matino ang babangga sa PRIME? Tignan mo tuloy ang inabot mo," umiiling na sabi ni Hendrix.

"Pwede ba, ayoko na munang pag-usapan ang mga surot na 'yon! Ituro mo na lang sa akin kung saan ako pwedeng lumabas dito. Hindi ko alam kung saan ako dadaan, eh." Napakamot siya ng ulo.

Nailayo bigla ni Check ang kanyang ulo, bigla na lang kasing lumapit si Hendrix sa kanya. Nagulat siya dahil halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

Inalis ni Hendrix ang dahon sa tuktok ng ulo ni Check at saka ito ngumiti. "Sumunod ka sa akin, ilalabas kita dito."


















"SALAMAT Drix, ah!" nakangiting pasasalamat ni Check habang nakahawak sa kamay ni Hendrix.

Wala sa sariling nakatitig si Hendrix sa kamay nito kung saan nakahawak si Check. Hinila niya iyon kung kaya't nagbalik ang ulirat nito.

"Huh? Ano nga ulit 'yon?" ani Hendrix.

"Sabi ko... salamat."

Sumaludo si Hendrix. "Walang anuman, Ms.Engot." Ito na ang bumitaw sa kamay ni Check dahil nakakapit pa rin siya dito. "Ano, sigurado ka ba na okay ka na dito? May dumadaang jeep dito hindi gaya sa harapan, 'yon nga lang medyo madalang."

"Okay na ako dito. Maraming salamat ulit," nakangiting tugon ni Check sabay tapik sa siko ni Hendrix.

"Sorry, ha? May pupuntahan pa kasi ako ngayon. Iba ang daan ko kaya hindi na talaga kita masasabayan."

Nag-thumbs up si Check kasabay ng kanyang pagtango. "No problem, I can management."

"Manage lang 'yon," pagtatama ni Hendrix.

"Oo na, sobra lang naman ng ment." Labas ngipin ang ngiti ni Check.

Nagpaalam na si Hendrix. Humarap pa itong muli para siya ay kawayan. Naiwan siyang nakatayo habang nag-aabang ng kanyang masasakyan.

Ipinikit-pikit ni Check ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay dumodoble ang kanyang paningin. Ibinaba muna niya ang sukbit niyang backpack dahil pakiramdam niya ay nangangalay na rin ang kanyang likuran.

Ngayon lang yata ako napagod ng ganito. Napayuko si Check.

Samantala, habang naglalakad sa di kalayuan ay natanaw ni Yohan si Check. Pinakatitigan siya nito. Lalo niya itong napahanga dahil sa naipamalas niyang katatagan.

Bahagyang ngumiti si Yohan. Nagawa niyang makalabas.

Nanlaki ang mga mata ni Yohan nang makita nitong bumagsak ang katawan ni Check. Nagmadali itong tumakbo para siya ay puntahan. Nang makalapit ay inangat ni Yohan ang kanyang ulo at isinandal iyon sa dibdib nito. Hinawi nito ang hibla ng nanlalagkit niyang buhok na tumabing sa kanyang mukha.

"Check? Check?!" Tinapik tapik ni Yohan ang pisngi ni Check.

Napansin ni Yohan ang biglang pamumutla ni Check. She's pale.

Bahagyang naidilat ni Check ang kanyang mga mata. Naaninagan pa niya ang mukha ni Yohan bago niya tuluyang ipikit ulit iyon.

"What happened? Who's that?"

Nilinga ni Yohan si Bright na nasa likuran nito. Naningkit ang mga mata nito nang makita nito si Check na walang malay.

Ang babaeng krung-krung.

Continue Reading

You'll Also Like

537K 6.8K 26
A rumor had been spreading in Cody De Roxas' classroom, about a boy hidden in the past yet existing in the present. Now, how can Cody and his friends...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
248 105 17
Hindi akalain ni Adele Dios Lamboloto na nagising sa 2014 at bumalik ang lahat bilang Grade 7 student. Sa sobrang successful niya sa buhay bilang 40+...
30K 1.8K 44
Season 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga b...