23

151 4 0
                                    

"Teka, sinabi mo bang crush kita?!" Tanong ko at napalingon ako sa pangit na teacher na 'to.


"Julet julet?" Barumbado niyang sagot kaya nahampas ko na naman ang balikat nya.


"Ano nga!" Inis kong sabi.


"Bahala ka sa buhay mo" Hindi na sy nagsalita at pinagpagan ang damit niya na nabasa ng palamig.


Parang narinig ko talaga na sinabi nyang crush ko sya. This is it na ba? makakacrush back na ba ako?


Pumagitna sa amin si Ma'am Celyn at Andy. Nasa magkabilang dulo kami ng upuan ni sir.


"Akala ko mananapak ka na," Bulong ni Andy pagkaupo niya sa tabi ko. Akala ko rin masasapak ko sa mukha 'yung punyetang Francis na 'yan, napaka hangin ng ulo sarap palipitin ng leeg.


"Hindi pa ba tayo uuwi? gabing gabi na kaya." Dugtong pa niya. Napatingala ko sa kalangitan at sobrang dilim na, tanging ng mga ilaw na lang sa bawat paligid ang nagpapaliwanag sa bawat sulok.


"Mamaya maya siguro uwi na tayo, parang inaantok na rin kasi ako." Sabi ko sabay sandal sa upuan at nanatiling nakatingala sa itaas habang hindi mabilang na mga bituin ang kumikislap sa mga mata ko.


Nasa bituin ng pamilya ko...


Napangiti ako at marahang ipinikit ng aking mg mat upang damdamin ang malamig na simoy na hangin sa paligid.


Fana Santa Cruz ang kauna-unahang magiging teacher sa ating pamilya, tay, nay.


"Gising ka na pala." Naramdaman ko ang marahang pag-upo ng isang tao sa tabi ng hinihigaan ko.


Kinusot kusot ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si sir Francis na mukhang kakagising lang din dahil naka-pajama lang din.


Sandali akong napatigil dahil... jusmeyo marimar!


"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko sabay hablot ng kumot tsaka ibinalot sa akin. Nyeta, bakit nandito 'tong teacher na 'to?!


"Makareact ka wagas. Nandito ka lang naman sa bahay ko at inagawan mo ako ng higaan, pasalamat ka nga pinatulog pa kita sa kama ko, kung ibang tao ka baka hinayaan na lang kitang matulog sa labas." Ngumisi siya at pinitik ang noo ko.


Bahay nya? baliw ba 'to?


"Sabog ka na naman, nang aangkin ng may bahay ng may bahay" Sabi ko sabay irap. Bahay nya, nang aangkin na naman ng hindi sa kanya.


"Eh, gaga pala 'to eh, may aircon ka ba sa apartment mo?" puno ng sarkasmo niyang sabi sabay pamewang. Tumingin naman ako sa paligid dahil hindi ko magets kung ano ang sinasabi ng shutang teacher na 'to.


May nakita akong aircon at lampshade sa isang study table at may laptop din. May vase pa ng halaman sa gilid tapos picture niya na nakasabit sa pader.


"Oh ano? pahiya ka?" Umirap na lang ulit ako dahil bahay pala nya 'tong napuntahan ko at teka nga! bakit ako napunta dito aber?!


"Paano ako napadpad kwarto na 'to, hah?"


"Hotdog." Barumbado nyang sagot kaya hinampas ko sya sa mukha ng unan.


"Bwiset!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako ng pashneang 'to.


"Bumangon ka na dyan señorita, nagluto na po ako ng agahan para inyo. Nakakahiya naman ho kung lalayas kayo sa bahay ko nang walang laman ang tiyan nyo." Puno ng sarkasmo nyang sabi sabay tumayo na at lumabas.


Napalingon-lingon pa ulit ako sa paligid bago ako tumayo at sumunod sa pintong nilabasan nya. Paglabas ay sala na agad ang makikita at sa bandang kanan ay ang kusina. Nandoon sya at naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.


"Sir ano ulam?" Tanong ko sabay lakad palapit. Ang sarap naman tumira dito sa bahay ni Sir Francis, ang lambot ng higaan nya tapos malamig pa, kumpleto ang mga gamit nya sa kusina at ang laki ng TV nya sa sala!


"Hindi ka naman espesyal kaya itlog lang ang niluto ko. Nakakahiya naman kung pag-uulamin kita ng asin." Ngumingising sagot nya. Ako naman ay ngumiti lang.


"Ayos! Paborito ko rin naman 'yan, itlog nga ang halos araw araw kong inaagahan kapag nagluluto si Lola bago ako pumasok sa school." May ngiting sabi ko at naupo na. Nakita ko naman na nagtitimpla ng kape si Sir kaya hinintay ko na syang matapos para sabay na kaming kumain ng agahan.


"Oh, pakabusog ka." Sabi nya sabay may nilabas pang pagkain sa isang bagay, kung hindi ako nagkakamali ay microwave oven ang binuksan nya. Hindi kasi ako pamilyar sa ganoong mga gamit sa kusina, minsan lang ako makakita ng mga ganyan at dito lang sa bahay ni Sir Francis.


"Binibiro lang kita tungkol sa itlog. Oh, kumain ka na." Nilapag nya sa mesa ang isang buong manok na kinuha niya mula sa oven.


Sabay na kaming kumain ni Sir Francis. Pagkatapos ay ako na ang nagligpit kahit pinipigilan nya ako, ako na rin ang naghugas. Inayos ko pa ang higaan niya bago ko kinuha ang mga gamit ko para makauwi na ako, nagiging-abala lang ako kay Sir Francis kung magtatagal ako dito.


"Aalis ka na?" Tanong ni Sir nang makita nya akong naghahanda nang umalis.


Ngumiti naman ako at tumango.


"Salamat po sa agahan, Sir." Nakangiting sabi ko at nagpaalam na akong aalis na.


"Teka!" Pinigil nya ako. "D-dito ka muna kaya?" Napakamot pa sya sa noo at napaiwas ng tingin. "What I mean is, wala naman akong kasama dito tsaka wala akong kasama mag movie marathon. Kung pwede, mag stay ka muna dito tapos hahatid na lang kita mamaya."


Movie marathon?? Hindi ako madalas makanood ng mga movie kaya game ako!


"Basta walang bayad, G ako." Malapad ang ngiting sagot ko. Si Sir Francis naman ay napangiti at ginulo ang buhok ko sabay hablot sa hawak kong maliit na bag.


"Nice, tara na sa loob. Baka ma-kidnap ka pa dyan sa labas, mapagkamalan kang elementary."


"Ikaw ang tutubos kapag na-kidnap man ako."


"Bakit kita tutubusin? Ano ka chicks?"


"Aray..." Madramang sagot ko. Tumawa naman si Sir at pinanggigilan ang pisngi ko.


"Hindi kita tutubusin. Kung maki-kidnap ka man ngayon, hindi kita ibibigay. Aba, subukan nila."


"Yung totoo sir, type mo 'ko 'no?"


"Asa ka, ashuming ampota."



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now