05

178 6 0
                                    

Nagmadali akong bumalik sa room at kinuha ang gamit ko. Mag ka-cutting classes muna 'ko, pupuntahan ko si sir.


Ang sabi ko magmula ngayon mag aaral na'ko ng mabuti pero bukas na lang pala ako mag aaral ng mabuti, wrong timing ngayon.


Hindi ako pinalabas ng guard dahil hindi pa daw uwian kaya nag akyat bakod ako sa likod at nagmadaling sumakay sa tricycle.


Sana maabutan ko pa si sir, ikaw kasi Fana! bakit ba hindi ko pa binasa 'yung chat nya kagabi 'de sana nakapag reply ako tapos sasabihin ko sasama ako sa kanila.


''Manong para!'' Nagkanda untog untog na'ko sa tricycle pagbaba ko. Inabot ko ang bayad ko at hindi ko na hinintay 'yung sukli. Nag doorbell agad ako at nandito pa si sir dahil nandito pa 'yung sasakyan nya.


''Sir Francis!'' Sigaw ko at kinalampag ko pa 'yung gate.


''Hoy sir!'' May ilang mga dumadaan at pinagtitinginan na ako. Baka iniisip nila na eskandalosa ako at sigaw ng sigaw dito.


''Hoy Francis Scent!!'' Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at lumantad sa'kin si sir na mukhang kagigising lang. Aba! tanghali na ngayon lang sya nagising?


''Ikaw bata ka ang liit liit mo ang ingay ingay mo!'' Reklamo nya. Pumasok ako sa loob kahit wala pa syang sinasabi na pwede na'kong pumasok. Narinig kong sinarado nya 'yung gate at pagpasok ko sa loob ng bahay nya ay napanganga na lang ako. Ang laki ng bahay ni sir may pa tiles pa at ang laki ng tv.


Ah! hindi 'yon 'yung pinunta ko dito.


''Aalis ka na?'' Tanong ko.


Kumuha sya ng towel at binalot sa bewang nya, naka boxer lang pala matulog si sir gusto ko tuloy maging towel.


''Bakit ka nandito ha? nag cutting ka? irereport kita sa principal'' Kinuha nya 'yung telepono at nag dial ng number.


''Lagot ka kapag nalaman nilang nandito ko tapos ganyan pa suot mo'' Umupo ako sa malambot nyang couch. Umirap naman si sir at binaba 'yung phone.


''Oh bakit nandito ka ngayon ha? ayaw mong mag reply 'diba tapos ngayon susugod sugod ka dito halos sirain mo na 'yung gate ko'' Pumasok siya sa isang kwarto at paglabas nya at naka shorts na sya.


''Aalis na kayo mamaya? sama 'ko!''


''May pasok ka, Fana, anong sama ko sama ko close ba tayo?'' Umirap ako sa kanya.


''Magseselfie ako sa bahay mo tapos ipopost ko caption 'close ba tayo sir Francis?' tapos imemention pa kita'' Sagot ko. Makakapasok kaya ako ng dire diretso dito sa bahay nya kung hindi kami close.


''Napaka isip bata mo talaga, bumalik ka na sa school matatanggalan talaga ako ng lisensya dahil sa ginagawa mo, pasaway ka''


''Ayoko, sasama 'ko sa inyo,'' Pagpupumilit ko.


''Kasama ko si Celyn, Fana. Ikaw bata ka bumalik ka na sa school bilis''


Hindi ako tumayo at nanatili akong nakaupo habang nakatitig sa kanya. Bumuntong hininga naman si sir.


''Date nyo ba 'yan?'' Mahinang tanong ko.


Sana hindi.


''Hindi, bakasyon lang 'to kaya umuwi ka na, ihahatid na kita sa inyo'' Hindi na lang ako sumagot at lumabas na ako ng bahay at nag abang ng tricycle.


''Ang sabi ko ihahatid kita, sakay''


Binuksan ni sir ang pintuan sa harap ng kotse nya at sumakay na lang ako 'don.


''Bakit ka nagta-tricycle kung may kotse ka?'' Mahina kong tanong.


''Malapit lang kasi 'yung school sayang lang sa gas'' Tumango na lang ako at nanahimik.


Ayaw akong isama ni sir kasi kasama nya si ma'am Celyn, baka hindi naman talaga sila mag bestfriend at baka secret lovers sila tinatanggi lang para iwas issue sa school. Hays, nag ooverthink na naman ako.


Nakarating kami sa bahay at naabutan namin si tatay sa labas, pinapasok pa nya sa loob si sir kaya nag kulong ako sa kwarto. Ayoko syang tingnan, mamimiss ko lang si sir kapag umalis sya, kahit pa one week lang 'yon mami-miss ko pa rin sya.


''Fana lumabas ka riyan, harapin mo ang teacher mo!'' Sigaw ni tatay mula sa labas ng kwarto.


''Ayoko tay, hayaan mo sya!'' Sagot ko.


Maya maya lang ay narinig ko nang umandar ang sasakyan ni sir at umalis na, aalis na sila mamaya. Ang gara naman ng bakasyon nila sir sa five star hotel kasama si ma'am Celyn? daya ah.


''Fana, miryenda na!''


Lumabas ako ng kwarto para makapag miryenda na. Para akong lantang gulay na hindi nadiligan dahil wala akong kagana ganang kumilos.


''Ba't ganyan itsura mo?'' Tanong ni sir Francis.


''Mami-miss ko kasi si— sir?! akala ko umalis na kayo?'' Sumilip ako sa labas at nandoon pa 'yung sasakyan nya. Baka ibang kotse 'yung narinig ko!


''Sabi ko kay papa hihintayin kitang lumabas''


''Papa? kapal mo sir ah''


''Ayaw nyang tawagin ko syang tito kaya papa na lang''


Napaiwas na lang ako ng tingin. Galing ah, kinilig ako ng slight.


''Wew,'' Ngumisi ako para hindi mahalata. Bumuntong hininga naman si sir.


''Sige na pwede ka nang sumama basta ipangako mo pag balik natin mag aaral ka na ng mabuti,''


Napangiti akong bigla at napatingin ako kala tatay. Tumango lang sila sa'kin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

''Seryoso? walang bawian ah! aayusin ko na gamit ko!''


Nagmamadali akong bumalik sa kwarto at halos mapunit na ang bunganga ko sa lapag ng ngiti ko.


Sasama ako? sasama nila ako!!


Ibig sabihin hindi 'to date kasi kung date 'to hindi nila 'ko isasama, nakakapagtaka lang na bakit sa hotel pero gora!! sasama ako, babakuran ko si sir sa mga babaeng titingin sa kanya!


Nag iimpake ako ng gamit ko nang marinig ko ang chika ni tatay kay sir.


''Sir, crush ka ng anak ko''



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now