75

34 0 0
                                    

Fana's Pov.

"How's your day with your Dad?" Agad na tanong ni Andy nang maihatid ni Francis si Faye. "Nag-enjoy ka ba?"


"It was fun pero I'm so tired po. Daddy kept on tickling me so I run but he chased me and tickled me again." Nakangiting pagkukwento ni Faye. "Jianna was so happy when she finds out that we're real siblings! Papa, I'm so happy! very very happy!"


Pasimple kong sinilip ang reaksyon ni Andy. Marahan siyang nakangiti at nakikinig sa mga kinukwento ni Faye. Pinaupo pa ng niya ito sa tabi niya at sinuklayan ang buhok.


"Tita Janaih and Lola joined us. We ate ice creams and other sweets! Daddy allowed me to drink soft drinks! It was so good!" Kahit kailan ay hindi namin pinapayagan uminom si Faye ng soft drinks dahil madaling tumataas ng acid nya kaya inaagapan na namin ni Andy habang bata pa sya.


"Really? Promise me you'll never drink soft drinks again, it's bad for your health, is that okay?" Tanong ni Andy. Naglaho naman ang mga ngiti ni Faye sabay tumango.


"I wish I could be like Jianna. She can eat and drink anything she wants..." Bulong ni Faye.


"But it's for your own good." Pagsali ko sa usapan nila.


Hindi na sumagot si Faye kaya pinaakyat ko na sya sa kwarto para makapagbihis na rin sya at makapagpahinga. I never thought na darating ang araw na 'to, ang araw na papangarapin ni Faye maging ibang tao dahil sa mga pinagbabawal ko.


Madalang na kaming mag-usap ni Andy dahil palagi syang busy. Ang alam ko free sya for the whole month pero bakit palagi syang umaalis at gabi na umuuwi minsan?


Ayoko namang isipin na baka namba-babae sya dahil alam ko naman hindi nya magagawa 'yon. Ang pinagtataka ko lang ay bakit palagi syang umaalis at palaging busy sa laptop nya. May password na rin ang phone nya kaya hindi ko mabuksan.


It all started noong sinabi ko sa kanya na aksidenteng nagkakilala ang mag-ama, si Faye at Francis. Alam kong natatakot sya dahil magdamag siyang umiyak sa balikat ko dahil baka raw iwanan na sya ni Faye. Madalas rin akong nag-ooverthink na baka nga magbago si Faye lalo na't hindi ko naman alam ang mga nangyayari kapag kasama nya ang Daddy nya.


What if... mas masaya pala si Faye kasama ang mga step sisters nya?


What if... mas nag-eenjoy na syang kasama si Janaih kaysa ako?


What if... dumating sa point na iiwan na ako ng anak ko? Kapag lumaki na sya at nagkaisip baka mas piliin nya ang pamilya ng Daddy nya kaysa sa'min ng Papa nya...


Ngayon pa lang na bago-bago pa lang silang magkakilala ay sobrang saya na ni Faye, paano pa kung tumagal? Baka mas piliin na nya ang malaki at masayang pamilya nila Francis...


Masaya akong nakikita kong masaya ang anak ko pero hindi ko rin itatanggi na nasasaktan ako na parang mas masaya syang kasama ng pamilya ng Daddy nya kaysa sa aming dalawa ng Papa nya.


Humugot ako ng malalim na paghinga at ikinalma ang sarili ko. Uminom na rin ako ng tubig at naupo sa couch.


"Malapit na ang debut si Faye. Next week magse-celebrate na sya ng 7th birthday at nakahanap na ako ng venue, nakapag-hire na rin ako ng catering services." Wala pa akong nabibiling regalo kay Faye dahil busy ako sa school papers na tina-trabaho ko. Hindi ko rin alam kung ano ang bibilhin ko dahil baka may iba pala syang gustong matanggap na regalo, sisimplehan ko na lang syang tanungin para magkaroon ako ng ideya sa kung anong bibilhin kong regalo.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now