08

169 7 0
                                    

''Fana, come here''



Tumayo na lang ako at naglakad palapit kay ma'am Celyn.



''Bakit po?''



Wala dito si sir ngayon may pinabili si ma'am kaya umalis sya sandali. Nanunuod lang ako habang si ma'am naman busy sa kakahalungkat sa maleta nya na puro damit.



''Mukhang kaysa sa'yo 'to, sakto, nag aaya ng swimming si Francis''



Inabot sa'kin ni ma'am 'yung black bikini pero tinanggihan ko.



''H-hindi po ako nagsusuot ng ganyan..''



''C'mon Fana, ngayon lang.''



Mahabang pilitan ang naganap bago ako napilitang tanggapin 'yung bikini. Ang sabi ni ma'am wala naman daw malisya 'yon dahil gano'n naman daw 'yung suot mga nagsu-swimming sa baba.



''Pagka-kain natin ng lunch isuot mo na 'yan para makababa na tayo'' Tumango lang ako.



Dumating na si sir at may dala syang paper bag galing grocery. Nagluto si ma'am ng pagkain habang ako naman nag lalagay ng mga pinggan sa mesa, para nila akong anak dito.



Habang kumakain kami ay tahimik na naman ako dahil may pinaguusapan sila na hindi ko naiintindihan. Parang ang boring maging matanda ah, nag uusap sila palagi sa mga bagay bagay na sobrang lalim tulad na lang ng batas ba 'yon na tungkol sa mga ilegal na trabaho.



''Saan ka pupunta?'' tanong ni sir pagkatayo ko.



''Sa lugar kung saan ako lang ang may alam,''



''Ayos ka ah. Saan nga?''



''Sa cr, sama ka?,''



''Galit ka?''



''Mama mo galit,''



''Attitude ka ah''



''Kayo talagang dalawa, panay kayo away!'' Suway ni ma'am.



''Kasalanan nya!''



Sabay naming sabi ni sir. Umirap ako at umirap din sya.



Pumunta na lang ako sa banyo at sinuot 'yung bikini na binigay ni ma'am. Nahihiya akong lumabas dahil nandon si sir kaya sinuot ko 'yung robe na nakasabit sa may banyo.

--

Nandito na kami sa pool area at si ma'am ang kasabay ko. Hiyang hiya ako habang naglalakad palusong sa pool.



''Don't be shy,'' Ngumiti sa'kin si ma'am.



Nang makalusong ako ay nilubog ko ang sarili ko hangang leeg para hindi makita 'tong suot kong bikini. Bakit ba kasi sinuot suot ko pa 'to?! nakakainis naman!



Nilubog ko sandali ang ulo ko at pag ahon ko ay biglang wala na si ma'am. Umikot ako at wala rin sya sa likuran ko.



''Ma'am Celyn?''



''Ma'am?''



Nakita ko syang nakaupo habang umiinom ng juice katabi si sir. Gusto ko man lumapit sa kanya ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa suot ko. Ang sabi ni ma'am sexy naman daw pero ayoko talaga ng sinasabihan ng gano'n at higit sa lahat ayokong nagsusuot ng ganito.



''Fana! come here!'' Sigaw ni ma'am.



Nagpanggap akong hindi sya naririnig dahil nasulyapan kong nakatingin pala si sir sa gawi ko.



Gusto ko nang umahon dahil halos lalaki na ang nasa pool at iilan na lang ang babae. Naghanap ako ng lugar na wala masyadong tao pero wala akong mahanap, puno ng tao ang paligid.



''Fana tara dito!''



Bumuntong hininga ako at umahon na lang habang nakayakap sa katawan ko. Lumapit ako kay ma'am at sumiksik sa kanya para hindi ako mapansin ni sir pero nakatingin sya sa'kin, nakakainis.



''I told you, you are sexy, bakit ka ba nahihiya?'' Tanong ni ma'am pero hindi ako sumagot.



''Sexy. Wala ngang shape 'yan, bilog na bilog.'' Angal ni sir.



Aba?! akala mo naman ang ganda ganda ng katawan nya! wala ka ngang abs eh! Walang shape walang shape, tinititigan mo nga ako kanina! Sama ng tabas ng bunganga mong teacher ka.



''Shape? tinitigan mo talaga kung may shape sya o wala? Francis bata pa si Fana.''



Hinampas ni ma'am si sir.



Bata? Hindi na'ko bata! Kapag ako rumampa dito sa harap makikita nyo!



''Bakit ka nanghahampas? hindi ko tinitigan ah! obvious naman unang tingin pa lang!'' Reklamo ni sir. Umirap lang ako sa kanya.



''Akala mo naman maganda katawan mo, wala ka ngang abs!'' Angal ko. Nagsalubong naman ang kilay nya.



''Pake mo? Epal ka rin eh''



''Epal ka rin eh'' Ginaya ko ang boses nya kaya napikon at inirapan na lang ako. Sa huli ay ako ang nanalo dahil napikon sya agad.



Tahimik lang akong umiinom dito pero 'yung ibang lalaki na kaidaran ko lang ay lumalapit sa'kin at nakikipag kaibigan. Hindi ako sanay makipagkaibigan kaya tinatanggihan ko. Marami na akong naging kaibigan pero hindi tumatagal, ilang araw lang ayaw na agad nila sa ugali ko dahil masyado nga akong kakaiba para sa normal na babaeng inaasahan nila. Kasalanan ko ba na masayahin akong pinalaki nila tatay? kasalanan ko ba na hindi ko hinaharap ng seryoso 'yung mga tao sa paligid ko?



Kaunting bagay lang tinatawanan ko, kaunting bagay lang kinaiinisan ko, kaunting bagay lang iniiyakan ko, kaunting bagay lang kinaiingitan ko. Ewan ko sa sarili ko, alien ata ako.



''Hoy bata, may twalya ka na'' Binato ni sir 'yung twalya sa mukha ko. Umirap ako sa kanya at binalot sa katawan ko 'yung twalya dahil medyo nilalamig na rin ako.



''Si ma'am?'' Tanong ko pagkaupo ni sir sa gilid ko.



''Umuwi na, may emergency sa bahay'' Nanlaki ang mga mata ko.



''Umuwi na?! as in umuwi sa bahay nila?!''



''Ulit ulit ka? sinabi nang umuwi inulit ulit pa''



''Bakit hindi sinabi sa'kin? sasama na'ko pauwi!''



''Busy ka sa kaka-entertain sa mga lalaki dyan sa tabi tabi kaya hindi ka na inistorbo'' Nahampas ko si sir dahil sa sinabi nya.



''Wala nga akong kinakausap sa kanila! Issue ka rin eh!''



''Galit na galit?'



Sinabi ko kay sir na uuwi na rin ako kung kami na lang dalawa ang maiiwan pero ang sabi nya mamasahe na lang daw ako dahil ayaw nyang mapagod sa byahe kung ihahatid nya 'ko, eh hindi ko naman alam ang pauwi!



''Dalawa naman 'yung kama at magkahiwalay naman, ano inaarte mo?'' Tanong nya. Napaka attitude talaga nito sarap punitin ng mukha.



''Hindi maganda tingnan,''



''De 'wag mong tingnan, tapos.'' Umirap ako.



''Wala ako gagawin sa'yo 'wag kang asshuming dyan, batang 'to''



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now