79

29 1 0
                                    

Hindi ako tumigil sa paghagulgol habang hawak ko ang kamay ng anak ko.


Nakaratay siya ngayon at napakaraming aparato ang nasa katawan katawan niya. Para akong patay-na-buhay habang nakikita ko ang sitwasyon ni Faye.


Alas dos na ng madaling araw nang mailipat sa private room si Faye, wala syang malay, nakabalot ng puting tela ang bandang noo niya at may ilang gasgas sa katawan.


Sobrang tahimik sa loob ng kwarto, tanging ingay lang ng mga aparatong nakakabit sa anak ko ang maririnig. Si Andy ay nakatulala sa may bintana ng kwarto habang ako ay umaasang gigising na ang anak ko.


Sabi ng doctor na masama ang pagkakatama ng ulo ni Faye at walang kasiguraduhan kung gigising pa sya o hindi na kung hindi lalaban ang katawan nya. Napakasakit isipin na kausap ko pa lang ang anak ko tapos bigla kong mababalitaan na naaksidente at na comatose sya nang dahil lang sa simpleng away ng mga bata.


"The patient had bleeding inside the brain, or better known as Brain Contusion where the brain develops bruises, swelling and bleeding the brain itself after the accident. The patient underwent a nine -hour operation and the result was successful but because her organs were still young, she could not cope with the severe brain injury so she became comatose. Her own body has to fight back while resisting the drugs that are injected into her body to prevent infections and other complications. So far we are still monitoring the patient’s condition."


Hindi ko matanggap na ganito na lang ang sinapit ng anak ko. Napakabuti niyang bata.


"Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa anak ko. Magbabayad silang lahat!"


"Mahal, malapit na ang birthday na unica hija natin at mukhang dito sya sa hospital magse-celebrate ng birthday..." Pumapatak ang mga luhang yumakap sa akin si Andy. "Hindi ko matanggap... Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang prinsesa ko... Kung pwede lang na ako na lang ang mahirapan 'wag lang sya, gagawin ko..."


"Bantayan mo muna si Faye, may ilang tao lang akong dapat kausapin at dapat pagbayarin sa nangyari." Madiin na pagkakasabi ko bago ako tumayo at lumabas ng kwarto.


Nang makalabas ako, naabutan kong nakaupo sila sa labas ng pintuan at mga nakayuko. Makita ko lang ang walang hiyang ama ng anak ko ay sumasabog na ako sa galit.


"Ikaw ang dapat sisihin sa lahat nang 'to! Hindi dapat 'to mangyayari kung hindi dahil sa kapabayaan mo! Wala kang kwentang ama! Sana hindi ka na lang nakilala ng anak ko!" Walang umawat sa akin kaya naman malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin at patuloy ko siyang hinahampas sa iba't ibang parte ng katawan niya.


Naririnig ko ang malakas na iyak na Jianna na hanggang ngayon ay gising pa at kasama ng Daddy nya.


"Teacher tama na po! You're hurting my Dad!" Sigaw nito na syang nagpa-panting ng tenga ko. Lumapit ako sa kaniya at hinablot ang magkabila nyang braso. "Masakit po! Let me go!" Sigaw nito.


"Wala pa 'yan sa sakit na nararamdaman ng anak ko ngayon! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinira mo ang buhay ng anak ko! Nilagay mo sa peligro ang buhay ni Faye!" Sigaw ko sa bata.


"Fana! bitawan mo si Jianna!" Itinulak ako ni Francis kaya't itinulak ko rin palapit sa kanya ang anak nya.


"Magsama kayong mga demonyo! Layuan nyo ang anak ko!" Sa pagsigaw kong ito ay nagdatingan na ang mga guwardya.


Dumaan ako sa church at doon ko ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. Tanging ang Panginoon ang makakatulong sa anak ko ngayon. Ako ang ina pero ni katiting ay wala akong magawa kung hindi ang umiyak at manalangin na sana ay lumaban ang anak ko.


"Ama, alam ko pong hindi ako naging perpektong ina para kay Faye at marami akong pagkukulang sa kanya. Bigyan nyo pa po ako ng pagkakataong makasama ng matagal ang anak ko, gusto kong malaman at maramdaman nya kung gaano ko sya kamahal. Wala po akong karapatang kuwestyunin kung ano ang plano ninyo, kayo po ang nagpahiram ng buhay sa amin at kayo rin ang may karapatang bumawi nito ngunit ipagpatawad po ninyo kung hindi ko tatanggapin kung sakali mang bawiin ninyo ang anak ko. Ipagpatawad po ninyo kung ano man ang masasabi kong masama tungkol sa inyo dahil sa pagkuha ninyo sa anak ko. Nagmamakaawa ho ako at handa kong isuko ang lahat ng bagay at karanggyaan na tinatamasa ko ngayon, makapiling ko lang muli ang anak ko... Nakikiusap ho ako, nagmamakaawa na tulungan ninyong lumaban ang anak ko..."







Nagsampa ako ng kaso laban kay Francis dahil sa kapabayaan nya sa anak ko ngunit ayaw tanggapin ng korte dahil aksidente ang nakikitang dahilan at puro bata ang involve sa pangyayari.


Pinanood sa amin ang CCTV footage sa isang mall kung saan masayang naglalaro ang anak ko at ang mga anak ni Janaih. Makikitang magkahawak pa ng kamay si Faye at Jianna habang naglalakad sila pero nang buhatin ni Francis si Faye ay tila nagselos si Jianna. Nakita sa CCTV footage na nagsisigawan at nagtutulakan ang dalawang bata at may ilan pang mga napapadaang tao ang sinasaway ang mga bata.


Makikitang abala si Francis sa pagbabayad ng mga binili ng mga bata habang si Faye at Jianna ay hindi kalayuan sa kanya.


Nakatayo si Faye habang dinuduro-duro siya ni Jianna, sinusubukan pa nitong hawiin ang kamay si Jianna na tumatama na sa dibdib nya. Parang dinudurog ang puso ko na hanggang panonood lang ang nagagawa ko.


Nahuli sa isang CCTV footage na tinapakan ni Jianna ng malakas ang paa ni Faye kaya't napasigaw ito sa sakit, at nang sumigaw si Faye at tila nataranta si Jianna kaya't itinulak niya ito sa escalator na hindi gumagana. Humampas ang ulo ni Faye sa pinapahawakan ng escalator bago sya tuluyang gumulong pababa. Hindi na nahagip ng CCTV camera kung ano na ang nangyari pagkatapos itulak ang anak ko.


Matapos kong panoorin ang mga footage ay nagsisigaw ako sa galit at pinaghahagis lahat ng bagay na mahahawakan ng kamay ko. Maging ang pulis na nagpapanood sa akin ng mga footage ay nasaktan ko rin ngunit wala syang kibo at tila iniintindi ang nararamdaman ko.


Pinagsusuntok ni Andy ang Pader sa isang gilid habang inuuntog ang sariling ulo at tahimik na humihikbi.


Sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw ngunit hindi ko magawang itikom ang bibig ko dahil sa sobrang nadudurog ang puso ko. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ang anak ko! Pakiramdam ko ay pinabayaan nilang sapitin ng anak ko ang bagay na 'yon!


Hindi ko na lang dapat sya hinayaang makasama ang Daddy nya! Hindi ko na lang sana hinayaang umalis ng bahay...


Tatlong araw nang walang malay ang anak ko at miss na miss ko na sya. Gustong-gusto ko nang marinig ang tawa nya, gusto ko nang makita ang mga ngiti nya, sabik na sabik na akong yakapin ulit ang anak ko...


Ako na lang! Ako na lang sana ang nasasaktan! Ako na lang sana ang nasa kalagayan ng anak ko ngayon...


•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now