40

135 5 0
                                    

Kumain kami ng tanghalian sa bahay dahil nagluto ako. Ayaw pa nga ni Sir na sabayan akong kumain dahil mukhang galit pa sya pero pinilit ko kaya wala syang ibang nagawa kung hindi ang sabayan akong mananghalian.


Ayaw ko pang umalis si Sir Francis kaya nag-isip ako nang paraan.


Nakikipaglaro sya kay Franchis habang naghuhugas ako ng pinagkainan dahil sabi ko maganda ang bagong mga dekorasyon sa Park at inaya ko sya na pumunta doon mamayang gabi.


Maganda maglibot sa Park kapag pagabi na kaya nanood muna kami habang hinihintay na mag alas singko ng hapon para hindi na mainit.


Hindi pa nga rin sya kumikibo mula kanina. Kapag tinatanong at kinakausap ko sya ang isasagot lang nya tango at iling.


Para tuloy akong kumakausap sa hangin.


Bigla din akong dinapuan ng konsensya dahil kaya siguro sya galit kasi nasaktan ko sya kanina tapos tinakbuhan ko pa. Sino ba namang hindi magagalit don.


Hahanap lang ako ng tiyempo tapos magsosorry ako sa kanya. Hindi ako sanay na hindi ako kinakausap si Sir Francis. Sanay lang ako na kapag may sinasabi akong ayaw nya babarahin nya agad ako ng walang kwenta nyang opinyon.


Sanay din ako na sinasapok ko sya kapag nagkakapikunan kami. Hindi naman sya nagpapahuli dahil gumaganti naman sya kaya quits lang kami.


"Galit ka ba? Hindi ko naman kasi talaga sinasadya eh." Maamong sabi ko para magkabati na kami. Gusto kong kausapin na nya ulit ako.


Kanina pa kami naglalakad sa park dahil pinapasyal na rin namin si Franchis pero hindi nya ako kinikibo. Ganyan lang sya, naglalakad kasabay namin ni Franchis habang nakatingin lang ng diretso at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng sweat short nya.


"Sorry na nga eh. Hindi ko naman nga alam na nasa paanan kita kanina eh!" Malapit na akong mapaluha dahil hindi nya ako pinapanasin. Naaawa na 'ko sa sarili ko, para na akong nanlilimos sa kanya.


Tinikom na lang ang bibig ko dahil hindi rin naman nya ako pinapansin. Sobrang sakit ba non para hindi nya ako pansinin ng ganito? Pasensya na ha, wala kasi akong ganon kaya hindi ko alam.


Sa tagal na hinintay kong magsalita sya ay  sa wakas na narinig ko na rin ang boses nya! Nakahinga na rin ako ng maluwag!


"Hindi naman ako galit dahil sinipa mo ako." Agad akong nabuhayan nang marinig ko ang boses nya! Hindi sya galit? Kung hindi sya galit bakit hindi nya ako pinapansin at kinakausap kanina?!


"Talaga? Eh bakit ayaw mo akong panasinin! Naiiyak na nga ako kasi akala ko galit ka eh. Sorry na ah, bati na tayo." Napanguso pa ako.


"Tsk." Rinig ko ang mahina nyang pagtawa na may kasamang sarkasmo. "Ayokong makipagbati sa'yo."


"Ano?! Bakit naman! Sorry na nga eh! Sabi mo hindi ka galit! Ang labo mo naman!" Inis akong huminto sa paglalakad, at nang mapansin nyang hindi nya ako kasabay na naglalakad ay napalingon sya sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.


Tinitigan ko sya at sinasabi sa isip ko na 'pansinin mo na ako please'.


"Bakit nakatayo ka dyan?" Kinunutan nya ako ng noo. Hindi ako sumagot at tumayo lang ako habang hawak ang tali ni Franchis. "Hoy." Pagkuha nya sa atensyon ko.


"Ikaw kasi eh! Ang labo mo! Sabi mo hindi ka galit pero ayaw mo naman akong kausapin!" Singhal ko na may kasamang tampo.


"Ako pa ngayon ang malabo?" Ngumisi sya at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. "Ikaw ang malabo. Ang sabi mo kaibigan mo lang ang Andy na 'yon pero kaninang umaga kung makayakap ka sa kanya wagas." Pinakatitigan nya ako sa mata at napalunok na lang ako nang unti-unti nyang nilapit ang labi nya sa tainga ko.


"Anong---"


"Oo. Nagseselos ako. Masaya ka na, huh?" Nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko.


Para naman akong naputulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita.


Hinihiling ko na sana nagseselos sya pero ngayon na inamin na nya bakit naman hindi ako makapagsalita ngayon! Para akong nahihirapang huminga dahil sa bilis ng tibok ng pesteng puso ko!


"Diba gusto mong umamin ako? Nagseselos ako. Nagseselos ako, Fana. Sa tuwing makikita ko na magkasama kayo ng 'kaibigan' mo parang gusto kong hilahin ka palayo sa kanya." Umayos na sya ng tayo. "Nung una tinatanggi ko pa na gusto kita, pero, sa bawat pagtanggi ko mas lalo naman akong nahuhulog sa'yo." Mapakla siyang tumawa. "Ang gulo ng utak ko. Teacher ako pero pagdating sa'yo nawawalan ng silbi lahat ng pinag-aralan ko, parang natatanga ako sa tuwing kasama kita."


"Pinigil ko naman dahil alam kong hindi pwede ang estudyanteng katulad mo sa isang teacher na katulad ko. Pero, kasalanan mo rin eh. Pinipigil ko na nga ang nararamdaman ko pero hindi mo ako tinitigilan. Hanggang sa panaginip ko ba naman hindi ka mawala. Paano ko mapipigilan na 'wag mahulog sa'yo?."


"Dumating na nga 'yung punto na hinayaan ko na lang 'tong nararamdaman ko sa pag-aakalang lilipas din 'to pero isang malaking katangahan pala ang naging desisyon ko na 'yon. Dahil, mas lalong lumuluwag ang kapit ko. Kaunti na lang, kaunti na lang Fana at mahuhulog na ako ng tuluyan sa 'yo."


"Tuluyan na akong nilamon ng nararamdaman ko. Tuluyan mo nang sinakop ang sistema ng utak at puso ko. Hindi ko na rin pinigil pa dahil wala na akong magagawa, hanggang sa,"


"Hanggang sa nagising na lang ako sa mundong sinisigaw na ikaw ang para sa akin at ako ang para sa'yo."



•°•

Lady_Mrg


A/N: Stream WHAT
and MAPA by Sb19!  

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now