84

31 0 0
                                    

"Papa..." Agad na tumayo mula sa pagkakahiga si Andy at nagmamadaling lumapit kay Faye.


"Bakit anak? may masakit ba sa'yo?" Tanong ni Andy pero umiling si Faye. "Nagugutom ka?" Tumango si Faye.


Nandito ako sa kwarto at hindi ako makalapit kay Faye dahil kapag nakita nyang malapit ako sa kanya ay iiyak at sisigaw sya, ayoko namang ipilit ang sarili ko lalo na hindi nya ako naaalala. Lahat ng kailangan ni Faye ay si Andy ang gumagawa dahil sya lang ang tanging naaalala ng anak ko.


Kitang kita ko ang pagod at hirap ni Andy maalagaan lang ang anak ko samantalang ako ay walang magawa.


"Papa, who is she?" Tanong ni Faye. Pangatlong araw na siyang paulit-ulit na tinatanong kung sino ako pero nakakalimutan rin nya maya-maya.


"She's your Mom. Hindi ka dapat natatakot sa kanya anak dahil sya ang Mama mo." May kinuha si Andy at ipinakita ang album na puro pictures namin. "Nakikita mo 'tong baby sa picture? Ikaw 'to at ito ang Mama mo. Sya ang nag-alaga sa'yo mula baby ka hanggang ngayon kaya hindi ka dapat matakot. Ito naman ay ako, ang pogi mong papa." Natawa si Faye at patuloy na nakinig kay Andy, maging ako nga ay natatawa sa pagkukwento nya. "Ito ang Ninong Chandler mo, si Chanchan kung tawagin mo."


"I know him...." Sagot ni Faye at pasimple kaming nagkatinginan ni Andy at pareho kaming napangiti. "I want to see Chanchan.."


"Papapuntahin ko sya mamaya." Ako ang sumagot kaya napatingin sa akin si Faye.


"I can't remember you, Mama..." Inosenteng sabi ni Faye. Hindi ko namalayang may butil nang luha ang pumatak sa mata ko nang marinig kong tawagin nya akong mama.


"It's okay anak, huwag mong pilitin... Maaalala mo rin ako." Ngumiti ako at nang ngumiti rin siya sa akin ay bumuhos na ang mga luha ko. "C-can I at least hug my daughter?"


"Yeah... I won't shout again..." Sapat na iyon para dali-dali akong lumapit at niyakap ng mahigpit ang anak ko. Sabik na sabik na akong makilala nya ako pero kailangan kong maghintay sa araw na iyon.


"Salamat anak, salamat." Paulit-ulit kong bulong. Nakiyakap na rin si Andy sa amin at naghiwalay-hiwalay lang kami nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Francis kasama si Jianna.


Hindi ako kumibo nang makita ko si Jianna dahil baka mapaiyak ko ang bata kapag nagsalita ako. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Faye at nakita kong nakatitig sya kay Jianna, maya-maya ay bigla syang sumigaw at umiyak ng umiyak. Hinagis nya lahat ng manika na nasa higaan nya at isinisigaw na paalisin ang batang kasama ni Francis.


"Parang awa mo na, ilayo mo ang anak mo sa anak ko. Francis, alang-alang kay Faye huwag mo nang dadalhin si Jianna." Natatarantang sabi ko at pinagtutulakan sila paalis habang si Andy ay abala sa pagpapakalma kay Faye.


"Shhh, anak tahan na." Bulong ni Andy at niyakap si Faye.


"She's a monster!! She said my Mama should die because her Mom is jealous, Papa. I hate her!" Pareho kaming nagulat nang diretsong magsalita si Faye na tila ba naaalala niya ang isang bagay kapag may nag-trigger dito.


"Tahan na anak, tahan na. Wala nang monster. Nandito kami ng Papa mo..." Bulong ko at niyakap ko rin siya. Ilang sandali lamang at kumalma na si Faye kaya dinampot na ni Andy ang mga hinagis na laruan kanina.


Madaling maalala ni Faye ang isang bagay kapag ipinakita sa kanya ang isang bagay na konektado sa kanilang dalawa nang taong gusto nyang maalala.


Kalmado na si Faye at bumalik na naman siya sa pagiging tulala. May parte sa akin na naiinis ako kay Francis pero may parte rin na naaawa ako dahil hindi niya alam kung sino ang lulugaran niya kanina, kung si Faye ba na sumisigaw o si Jianna na natatakot.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now