14

159 6 0
                                    

"TATAAAYY!! LOLAAA!!!"


Paulit ulit akong sumisigaw at wala man lang akong magawa para matupok ang apoy na lumalamon sa bahay namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi ang umiyak ng malaman kong hindi nakalabas sila tatay at nasa loob pa rin sila ng bahay.


"BILISAN NYO!! 'YUNG TATAY AT LOLA KO NASA LOOB EH!! ANO BA!!"


Inaaway ko na ang mga bumbero ngunit hindi nila ako pinapansin at patuloy sila sa pagtupok ng apoy sa abot ng kanilang makakaya.


"Fana huminahon ka.." Hinawakan ni sir ang magkabilang balikat ko ngunit mas lumala lang ang pag iyak ko.


"N-nasa loob ang pamilya ko eh.. si..si tatay.. si..si lola.."


Napasubsob na lamang ako sa dibdib niya habang ang utak ko ay pagod napagod na sa pagsigaw sa pangalan ni tatay at lola. Hindi pa ako handa, ayoko pa..


"AYOKO TAYYY!! 'WAG NYO AKONG IIWAN.." Muli kong sinulyapan ang bahay namin na halos maabo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita sila tatay.


"Umupo ka muna, kukuha lang ako ng tubig." Iniwan ako ni sir at ako naman ay natutulala lang at umaasang nakaligtas sila. Ayokong mag isa, takot akong mawalan ulit ng mahal sa buhay.


Mahal na mahal ka ni tatay ah, palagi mong tatandaan 'yan.


Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Ayokong isipin na mawawala si tatay, ayokong isipin na nasa loob pa rin sila. Ayokong maging mag isa, mahal na mahal ko sila tatay, hindi ko kaya kung mawawala sila sa'kin.


Hindi ko lubos maisip na kanina lamang ay masaya pa kaming nag uusap at nagtatawanan, hindi ako handa, ayokong maging handa na mawawala na sila, ayoko..


"Fana.. ligtas si lola" Bulong ni sir sa akin.


Nabuhayan ako ng loob at  nagtatakbo agad ako papunta sa ambulansyang sinabi ni sir. Nakita ko si lola na naka oxygen at pinapakalma ng mga kapitbahay namin.


Agad akong yumakap kay lola. Bumagsak na lamang ang mga luha ko sa saya nang makita kong nakaligtas sya ngunit wala dito si tatay.


"Lola si.. si tatay?" May panginginig sa boses ko habang pinupunasan ko ang uling sa mukha niya.


"Hi..hindi ko alam, bumalik sya sa loob apo para kuhanin ang alikansyang inipon nya para sa pag-aaral mo.." Nagsimulang mag unahan ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata nang marinig kong ang mga katagang binitawan ni lola.


Napaupo ako sa isang gilid at niyakap ang mga tuhod ko.


Si tatay...


Tatay ko...


"S-sir si tatay..." Muli akong yumakap sa kaniya at humagulgol ng iyak.


"Makakaligtas sya Fana, magdasal lang tayo.."


Paulit ulit akong nagdasal at paulit ulit kong tinawag ang pangalan ni nanay humiling na sana ay iligtas niya si tatay. Ayokong maulila, ayokong mawalan ng tatay..


Mahal na mahal ka ni tatay..


"PUT THE FIRE OUT!" Sigaw ng mga bumbero.


Nang magtagumpay silang mapigilan ang pagkalat ng apoy sa iba bang bahay ay nagsimula silang pasukin ang mga bahay na naapula na at isa ang bahay namin na nga ngayon ay naabo na.


Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang dalawang bumbero na lumabas sa bahay namin buhat buhat ang isang banggay na halos hindi na makilala.


Nangmalapitan ko ito ay nawala na lamang ako sa sarili at napasigaw..


"TAYYY!!!"


Pinigilan ko ang mga bumbero at yumakap ako kay tatay. Nakilala ko siya dahil yakap yakap niya ang kawayan niyang alikansya.


Hindi ko lubos maisip kung bakit itinaya ni tatay ang buhay niya para lamang sa akin.


"Tay naman eh.. bakit ka naman ganyan.. kani.. kanina lang tay ang saya natin tay.."


"Tay ang sabi mo ikaw ang akyat sa moving up ko Tay.. tay ayoko.. 'wag mo 'kong iwan tay!"


"Tay gumising ka tay!"


Inuga uga ko ang katawan ni tatay at nagbabakasakaling muli siyang magigising at sabay naming mararamdaman ang ginhawang malapit na naming makamtan.


"Nagsisikap naman ako tay para maiahon ko kayo sa hirap eh, bakit ka naman ganyan tay. Tay hindi ko kailanganng pera tay! ikaw ang kailangan ko tay! kailangan ko ng ama hindi ng pera tay!"


Wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang sakit na mawalan ng magulang sa pangalawang pagkakataon. Masakit noong nawala si nanay at hindi ko akalain na mas masakit pala kapag parehong magulang mo na ang nawala sa iyo. Ganoon ba ako kasamang tao para bawian ng magulang? ganoon ba ako kasamang anak para tanggalan ng karapatang magkaroon ng masayang pamilya?


"Fana si lola!" Sigaw ni sir. Napalingon ako sa kaniya at nakita kong natataranta na siya dahil nakita ni lola ang bangkay ni tatay.


"Hilario! anak ko anak ko!" Lumuhod si lola at niyakap ang bangkay ni tatay. Napatakip na lamang ako sa bibig ko upang pigilan ang pag sigaw ko. Ang sakit, ang sakit sakit..


"Diyos ko ang anak ko.."


"Lola huminahon ka po.." Bulong ni sir Francis.


Kahit ako ay walang magawa upang pakalmahin si lola dahil maging ako ay wala rin sa sarili. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko na alam ang dapat kong gawin ngayon.


"Lola? lola!, Fana si lola!"


"Lola!" Agad akong nagtatakbo at tumawag ng tulong dahil inaatake si lola.


"Lola lumaban ka!"

--

"Magpahinga ka na.."


"Ayoko na sir.. gusto ko nang makasama sila tatay."


Tulala lamang ako sa loob ng sasakyan dahil kagagaling lamang namin sa hospital at didiretso kami sa punerarya.


Mag isa na lang ako, iniwan na ako ni tatay at ni lola. Wala na akong silbi sa mundo, wala na akong pakinabang, dapat sumunod na lang ako sa kanila.


"Ako na lang ang pupunta sa punerarya, magpahinga ka na sa bahay"


"Sasama ako."


"Ako na lang, pagod ka"


"Bakit nagmamagaling ka?! ikaw ba 'yung anak?! ikaw ba 'yung namatayan?! hindi naman 'diba! 'Wag mo'kong pangunahan!"


Hindi na siya sumagot kung kaya't nag umpisa na namang mag unahan ang mga luha ko. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung paano ako babangon nang wala sila sa tabi ko, hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayanin na wala sila sa piling ko.


Hindi ako masamang tao, hindi ako mamamatay tao, hindi ako magnanakaw pero bakit sa'kin nangyayari lahat nang 'to?! Sobra ba 'kong makasalanan para gawin sa'kin 'to?! Gusto ko lang naman sila bigyan ng magandang buhay pero paano ko gagawin 'yun kung wala na sila?! Patay na sila! iniwan na nila 'ko!


"Magpakatatag ka Fana.."



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now