74

35 2 0
                                    

Francis' pov.

"Isang araw. Kahit isang araw lang, Fana..." Patuloy nya akong iniiwasan pero patuloy ko rin siyang hinahabol. Ayaw niyang pumayag na hiramin ko si Faye kahit isang araw lang dahil gustong-gusto ko nang makilala ako ng anak ko.


"dalawang oras. 'Yun na 'yon, Francis. Wala nang mas hahaba sa dalawang oras. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." Sagot niya at pinagsaraduhan ako ng pintuan ng faculty room niya.


Lunch time na ng mga estudyante at mga teachers at ako ang naghatid ng lunch ni Jianna ngayon dahil natanggap na sa trabaho ang Mommy nya at kakasimula lang kahapon. Naka-off ako ng two weeks sa trabaho dahil naging busy ako sa pagpapa-imbestiga ko kay Faye. After those weeks, worth it lahat nang naging resulta dahil ngayon mas sigurado na ako.


"Fana please! Kahit isang araw lang! Buksan mo na 'tong pinto..." Sunod-sunod ang pagkatok ko sa pintuan.


Bakit hindi nya ako mapagbigyan kahit isang araw lang? Alam kong malaki ang pagkukulang ko bilang ama kay Faye pero karapatan ko ring makilala ako ng anak ko. Alam kong basura lahat ng dahilan ko pero gustong-gusto ko nang makasama ang anak ko kaya kahit magpaka-basura ang ugali ko gagawin ko ang lahat basta pumayag lang syang makasama ko kahit isang araw lang si Faye.


Hindi naman tumagal ang paghihintay ko dahil binuksan rin ni Fana ang pintuan kaya agad akong lumapit sa kanya pero pinigilan niya agad ako.


"Hindi ko binuksan ang pintuan para sa'yo. Nakalimutan ko lang tawagin si Faye dahil kakain na sya ng lunch nya. Chupe, lumayas ka dyan sa dadaanan ko." She gently pushed me with her index finger. "Mawalang galang na at dadaan ako." Mataray na pagkakasabi niya.


Bago pa man niya ako malampasan ay nagsalita na agad ako. "Isang araw lang, Fana, gagawin ko lahat ng gusto mo basta payagan mo akong makasama si Faye kahit isang araw lang. Kahit hindi mo muna ako ipakilala kay Faye ayos lang basya makasama namin sya kahit sandaling panahon..."


Tumaas ang isang kilay niya at pinagkrus ang dalawang braso. "My daughter doesn't need a 'one day father' so please, huwag ka nang magpumilit." She smirked.


"Ano bang gusto mong gawin ko para lang pumayag ka! Anak ko rin naman si Faye kaya may karapatan ako!" Medyo tumaas ang boses ko dahil desperedo na talaga ako. Mukhang hindi nagustuhan ni Fana ang biglaang pagsigaw ko kaya naman agad akong humingi ng pasensya ngunit hindi niya ako pinakinggan.


"Hoy Francis 'wag mo akong sigaw-sigawan dahil hindi madali ang hinihingi mo sa akin! Kung sana isang araw ka lang nawala baka sakaling pumayag ako kaso hindi e, halos pitong taon kang wala! Kung makasigaw ka parang ikaw ang naghirap sa anak ko ah!" Inis na singhal niya.


"At 'yung sinasabi mong 'karapatan mo' ay wala akong pake! Ikaw lang ang biological father nya pero si Andy ang talagang tumayong ama sa anak ko kaya tigilan mo ako sa pagmamakaawa mo na 'yan dahil hindi uubra."


Aminado akong nasasaktan ako sa lahat nang katotohanang sinabi nya. Ngayon ay lubos lubos na ang pagsisisi ko.


Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko rin sya masisi kung bakit ayaw nyang makilala ako ni Faye.


"Dalawang oras. Tinatanggap ko na ang dalawang oras just to be with my first born." Matamlay na pagkakasabi ko. I should be thankful for the two hours.


"Dapat lang at kapag lumampas kayo ng higit sa dalawang oras, hindi mo na ulit mahihiram ang anak ko." Mahigpit na bilin niya.


"Anak natin, Fana." Pagtatama ko sa sinabi niya at umirap lang sya.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now