06

170 5 0
                                    

''Okay lang ba dyan?'' Nakangiting tanong ni ma'am Celyn. Ngumiti rin ako at tumango.



Nakasakay ako sa likuran habang nasa harapan si ma'am katabi si sir. Nasa byahe  kami ngayon at kanina pa nag kukwentuhan si ma'am at sir pero hindi ko alam kung tungkol saan. Masyado akong nag eenjoy dito sa likod dahil ang gaganda ng nadadaanan namin. Ngayon lang ako nakasakay ng ganitong katagal sa loob ng sasakyan.



''Sir?'' Napahawak ako sa upuan ni sir. Nakita ko naman syang nakatingin sa'kin sa may salamin sa harapan.



''Bakit?'' Kumunot ang noo nya.



''Sir nasusuka 'ko'' Napatakip ako sa bibig ko at biglang nagpanic si sir. Agad nyang hininto 'yung sasakyan at bumaba.



''dito sa labas! 'wag sa kotse ko!'' Binuksan ni sir ang pintuan sa tapat ko at hinila ako palabas, ang harsh.



''Malapit na tayo Fana, ngayon ka pa nasusuka.''



Tinapik tapik ni sir at ma'am ang likuran ko habang patuloy ako sa pagsuka, tumigil ako sandali.



''Check mo nga sir baka lumabas na 'yung bituka ko'' Pabiro kong tinuro 'yung suka ko at natawa naman si ma'am Celyn sa gilid pero umirap si sir, ayos ka ah, attitude.



Bigla na naman akong nasuka dahil hilong hilo ako. Nang mahimas masan ako ay inabutan ako ni sir ng tissue at mint candy.



''Hinihintay ko na lang talaga na iluwa mo 'yang bituka mo'' Umirap si sir at bumalik na sa sasakyan.



''Okay ka na?'' Tanong ni ma'am Celyn. Ngumiti ako ng bahagya at tinulungan nya akong sumakay ulit. Akala ko babalik sya sa harapan pero tinabihan nya ako sa likod para daw may kasama ako.



''Ang likot mo kasi kaya ka nahihilo'' Inipitan pa ni ma'am ang buhok ko.



''Ganun ba 'yon?'' Inosenteng tanong ko. Nakita ko pa si sir na sumisilip silip sa may salamin.



''Matulog ka na lang, gigisingin kita kapag nandon na tayo''



''Ayoko po, gusto ko makita 'yung dadaanan natin'' Tumango na lang si ma'am.



Nadaanan namin ang maraming puno na may mga nakapalibot na ilaw at mga bench sa gilid gilid. Malapit na 'to sa beach dahil ramdam na 'yung lamig at kakaibang simoy ng hangin. Ang sabi ni ma'am 'wag ko daw ilabas 'yung ulo ko sa bintana baka maputol kaya natakot ako, binuksan ko na lang 'yung bintana at dinamdam ang hangin na tumatama sa mukha ko.



Natatanaw ko na mula dito 'yung sinasabi nila na hotel at mula dito sa malayo ay ang ganda na paano pa kaya kapag sa malapitan na?

--

Nandito na kami sa kwarto at ang laki laki, ang laki ng higaan, ang laki ng banyo, may bath tub pa at may parang swimming pool pa dito.



''Sir ano 'to?'' Tanong ko sabay turo sa parang swimming pool. Tumaas naman ang isang kilay nya at sinundan ng tingin ang tinuro ko.



''Jacuzzi.'' Tipid nyang sagot. Tumango na lang ako.



Jacuzzi pala tawag sa ganito. Siguro ang mahal mahal ng kwarto na'to, malaki pa 'to sa bahay namin. 'Yung kusina para buong bahay na namin. May dalawang malaking higaan at side table lang ang harang.



''Sir kung hindi ako sumama kayong dalawa lang ni ma'am, anong gagawin nyo dito? maghahabulan kayo sa laki ng kwarto na'to?''



Hindi sumagot si sir pero nang tumingin ako sa kanya ay tumatawa sya at pinipigilan lang nya.



''Hehehe'' Tumawa ako ng pilit dahil ako lang ang hindi tumatawa.



''Napaka bibo mo talagang bata'' Pabirong sabi ni ma'am.



Tumigil ako sa pagtawa at nanahimik na lang. Kahit pala sa mata ng iba isa lang akong bata, siguro kapag nagkolehiyo na'ko next year hindi na bata ang tingin nila sa'kin?



'' 'Wag mong tawaging bata 'yan, baka restlingin ka nyan'' Tumawa si sir.



''Oh, sorry''



''Ayusin mo na 'yung gamit mo Fana, mamaya kakain na tayo sa baba'' Tumango na lang ako at inayos ang mga gamit ko.



Magaganda naman ang mga damit ko dahil palagi akong binibilhan ni nanay kahit sa ukay ukay lang 'yung iba, maganda pa rin naman. Medyo mapili si nanay sa damit ko at ayaw nyang nagmumukha akong losyang kaya sabay sa uso lahat ng damit ko, nang mamatay si nanay ay si tatay na ang bumibili ng damit ko kaso hindi sya marunong pumili ng design. May isang beses na binilhan ako ni tatay ng damit, terno daw pero nang tingnan ko ay dress at pantalon. Kailan pa naging terno ang dress at pantalon?



Sabi ni ma'am maligo na daw ako para mamaya fresh pero pagpasok ko sa banyo natanga ako. Kung kailan ako nakahubad tsaka ko napansin na hindi ko alam gamitin ang mga 'to, tabo lang ang alam ko.



''Ma'am Celyn?'' Tawag ko.



''Ma'am hindi ko po alam gamitin 'to, wala po bang tabo dito?''



''Bumaba si Celyn, pihitin mo lang 'yung gripo dyan'' Rinig kong sabi ni sir.



Tiningnan ko ang paligid at ang daming gripo dito, anong gripo ang pipihitin ko?



''Sir ang daming gripo dito!'' Sigaw ko. Narinig kong kumatok si sir sa pinto kaya nagbalot ako ng robe daw 'to.



''Sir ang dami pa lang gripo dito'' Sabi ko pagkabukas ko ng pintuan.



''Papasok ako,'' Tumango ako kay sir.



Pumasok sya at tiningnan ang mga gripo, pinihit nya 'yung sa shower at tumatalsik 'yung tubig.



''Sir baka malapnos ako, ang init nyan'' Sabi ko dahil mainit ang tubig na lumalabas sa shower.



''Ito, pwede na ba 'to?'' Tinapat ko ang kamay ko sa shower at pwede na'to. Tumango ako kay sir.



''Bakit hindi ka tumitingin sa'kin sir?'' Tanong ko.



''Gusto mo tingnan kita?'' Umatras ako at umiling.



''Ayoko!'' Agad kong sagot. Palabas na sya ng banyo ng bigla ulit syang nagsalita.



''Magbihis ka ng maayos mamaya, formal Fana, formal'' Tumango ako kahit nakatalikod sya sa'kin.



''Yes sir'' Sagot ko.



Bago pa sya makalabas ay nagsalita ulit sya.



''Itabi mo 'yung under wear mo, pakalat kalat'' Sabay turo nya sa sahig kung nasaan ang pinaghubaran ko.




•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now