04

171 7 0
                                    

''Mga bata nga naman talaga ngayon, ang bababaw''


''Kulit mo sir, hindi na nga ako bata!'' Sigaw ko.


Dahil sa inis ko nag walk out ako. Bata pa ba 'tong ayos ko? kung kumilos na nga ako parang magkasing edad lang kami! kung magdamit na nga ako parang si ma'am Celyn! Bakit hindi nya makita na ayaw kong tinatawag nya 'kong bata! hindi ba nya nahahalata na pinipilit kong maging mature para sa kanya?!


''Fana teka lang!'' Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa hindi na nya ako naabutan.


Buong oras ng klase ay hindi ko sya pinapansin kahit na tinatawag nya ako at pinapasagot sa board. Pinagbubulungan na ako ng mga kaklase ko pero wala naman akong pakialam sa kanila, ano naman kung papansinin ko sila magmumukha lang akong isip bata na pumapatol sa gulo.


''Next week ang last chance para mag submit kayo ng halaman for our garden, Fana, next week pa'' Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Tiningnan din ako ng mga kaklase ko pero nanatili akong walang emosyon hanggang mag uwian.


Hindi pa nya nasasabi ng buo ang salitang 'class dismiss' ay lumabas na ako at diretsong sumakay sa tricycle pauwi.


''Ang aga mo ngayon ah?'' Tanong ni tatay. Nagmano ako at ngumiti ng bahagya pero hindi sumagot.


Nagbihis ako sandali at lumabas para diligan 'yung tanim ko, hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak 'to basta may tanim ako tapos. Kapag namulaklak ng rose 'de rose, kung tulip 'to 'de tulip, bahala na ang mahalaga may tanim.


Kumakain kami ngayon at tahimik lang akong nakikinig sa usapan ni tatay at lola.


''Sigurado ka ba dyan sa plano mo?'' Tanong ni lola kay tatay.


''Oo nay, eh magkokolehiyo na rin si Fana, kailangan ko ng pera para sa pag-aaral nya''


''Hindi ba delikado 'yang plano mo?''


''Bahala na Nay, ang mahalaga mapag aral ko si Fana iyon na lang ang maiipapamana ko sa kanya,''


Hindi ako nagsalita kahit hindi ko alam kung ano ba ang bagong trabaho ni tatay, masyado daw mahina ang benta ng isda kaya kinakapos kami.


Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa higaan at sinubukan kong matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Hanggang ngayon hindi ko pa rin binabasa 'yung mga message ni sir Francis dahil naiinis talaga ako.


Nag message na naman sya pero hindi ko ulit nireplyan o binasa man lang. Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro sa phone hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok.


Kinaumagahan pagbangon ko ay naabutan ko si tatay na binubuksan ang alikansya niya.


''Tay?'' Kinusot kusot ko pa ang mata ko.


''Gising ka na pala, maligo ka na at papasok ka pa,'' Inabutan ako ni tatay ng twalya at tinanggap ko naman.


''Bakit nyo binubuksan 'yan tay? para 'yan sa pangarap nyong tricycle 'diba?'' Tanong ko at tinulungan ko syang bilangin ang perang laman ng alikansya nya.


''May panahon pa naman para pag-ipunan ang tricycle anak, ang mahalaga ngayon ay ang pag aaral mo'' Napabuntong hininga ako at yumakap kay tatay.


''Salamat tay'' Mukhang nabigla si tatay sa sinabi ko pero unti unti rin nya akong niyakap.


''P-para saan?''


''Para dito, tay, mas inuuna nyo ako kaysa sa pangarap nyo, salamat po..''


''Nasa iyo ang pangarap ko anak, pangarap namin ng nanay mo na mapagtapos ka ng pag aaral at mabigyan ka ng magandang buhay''


Nang dahil sa sinabi ni tatay ay bigla akong nakonsenysa dahil sa mga ginagawa ko sa school. Dapat pala ay hindi ko sayangin ang oportunidad na ibinigay sa'kin para makapag aral, dapat pala ay pinagbubutihan ko ang pag aaral ko para kay nanay at tatay.

--

Maaga akong pumasok para naman hindi ako mapagalitan ni sir o mapapunta sa faculty nya dahil ayaw ko syang maka usap. Pagdating ko sa room ay iba ang teacher namin pero hindi naman ako nagtataka dahil paiba iba ang teacher namin kada subject pero subject 'to ni sir dapat sya ang teacher namin dito, hay bahala na ang mahalaga wala sya dito.


Naglabas ako ng notebook at nagsimulang mag sulat. Pagbubutihin ko na ang pag aaral ko para sa pamilya ko, hindi man ganoon kaganda ang buhay namin ngayon ay sisikapin kong bigyan sila ng magandang pamumuhay lalo na kapag nagka trabaho na'ko.


Nag review ako para sa quiz at salamat dahil hindi ako bagsak ngayon. Nagbubulungan na ang mga kaklase ko dahil ngayon lang ako pumasa sa quiz, narinig ko pa ang isa na baka daw may kodigo ako kaya ako nakapasa. Ulit, hindi ako lalaban sa bulungan nila dahil hindi na'ko bata para sa ganoong mga bagay.


Lunch break na at hindi ko pa rin nakikita si sir Francis maging si ma'am Celyn kaya sinubukan kong mag tanong tanong.


''Hi po,'' Ngumiti sa'kin 'yung isang teacher.


''Absent po ba si sir Francis?'' Pasimpleng tanong ko at pinakita ko pa 'yung folder na hawak ko para kunwari ay mayroon akong ipapasa.


''Ngayon ang umpisa ng leave nya Iha, gusto mo bang ako na lang ang magbigay sa kanya nyan pagbalik nya?''


''Ah eh hindi na po, ako na lang po, salamat po'' Umalis na agad ako umupo sa isang bench malapit sa garden.


Ano ba 'yan namimiss ko na si sir, dapat pala kinausap ko na sya kahapon.


Dahil sa pasaway kong kamay ay nilabas ko ang phone ko at binasa ang mga message nya na hindi ko nireplyan.


Francis: Pumasok ka ng maaga bukas, hindi ako ang teacher mo


Francis: May vacation break ako kasama si Celyn bukas ng hapon ang alis ko


Francis: inform kita baka mamiss mo'ko bigla



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now