07

168 6 0
                                    

Pagkabihis ko ay lumabas na ako. Naabutan ko si ma'am na naka backless na black dress at ayos na ayos. Napatulala na lang ako sa ganda nya at si sir ay nakasuot ng parang tuxedo na itim rin samantalang ako naka dress na pink, letse 'yan.



Parang ayaw ko ng sumama dahil sa damit ko, biglang nahiya 'yung suot kong dress na parang pambata. Bumalik ako sa banyo at nagpalit na lang ng pantulog.



Hindi na lang ako sasama nakakahiya kung lalabas ako nang ganito 'yung suot ko, busog naman ako dahil panay kain ako kanina sa byahe.



Paglabas ko sa banyo ay tinitigan ako ni sir. Kumunot ang noo nya. Magsasalita na dapat sana sya kaso dumating si ma'am kaya nanahimik sya bigla.



''Let's— bakit ganyan suot mo?'' Tanong ni ma'am. Ngumiti naman ako ng pilit.



''H-hindi na po ako sasama, busog naman po ako'' Tumingin si sir sa hawak ko kaya tinago ko sa likuran ko ang pink na dress na suot ko kanina.



''Sigurado ka?'' Tanong ulit ni ma'am. Tumango na lang ako.



''Sumama ka na,'' Seryosong sabi ni sir. Lumunok ako at umiling.



''K-kayo na lang po, enjoy!'' Ngumiti ako ng malaki para mapilit ko silang iwan ako.



''Just call me kung gusto mo nang sumama, susunduin ka namin dito'' Ngumiti lang ako kay ma'am habang nakatitig lang sa'kin si sir.



''Sige aalis na kami,'' Tumango ako at tuluyan na silang nakaalis.



Tinabi ko na lang 'yung damit ko at nahiga sa kama. Medyo naninibago ako dahil sobrang lambot at ang luwag pa nito, sanay ako sa masikip at matigas na higaan.



Ano kayang klase 'yung lugar na pupuntahan nila sir at kailangan gano'n pang ka-pormal 'yung suot nila.



Hating gabi na at wala pa rin sila, siguro nagkakasiyahan sila kaya anong oras na ay wala pa. Bumuntong hininga ako at biglang may malakas na kalabog sa labas ang narinig ko. Sumilip ako sa labas at nandito na sila.



Bumalik ako sa higaan at nagpanggap na tulog na. Bumukas ang ilaw at rinig ko ang paghiga ni sir sa kama.



''Ang kulit mo talaga Francis, sabi ko 'wag kang iinom. 'Wag kang pasaway kukunin ko lang 'yung bag ko, naiwan sa venue'' Rinig kong lumabas na naman si ma'am Celyn.



Lasing pala si sir. Hindi na ako nag aksaya ng panahon na lingunin sya at natulog na lang ako.



Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gising na si sir pero tulog pa rin si ma'am. Natahimik ako at hindi nakapagsalita nang makita ko si ma'am na doon natulog sa higaan ni sir at hindi man lang nagalaw ang unan sa tabi ko.



Hindi sya sa tabi ko natulog kundi sa tabi ni sir.



''Good morning'' Tumango ako at ngumiti ng bahagya kay sir.



''May breakfast na dyan kumain ka na''



Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Pagkalabas ko ay nasa kusina na si sir habang umiinom ng kape. Napadaan ako sa paligid nya at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang namumula niyang leeg.



Nang tumingin sya sa'kin ay umiwas ako ng tingin.



Nalilito talaga ako kung mag bestfriend lang ba sila. Ewan ko pero nasasaktan ako sa naiisip kong posibleng nangyari kagabi habang tulog ako. Crush ko lang naman si sir pero bakit ganito.



Nagising na si ma'am at dumiretso sya sa banyo habang tahimik lang akong kumakain sa isang tabi. Maling desisyon pala na sumama ako sa bakasyon nila, sabit lang naman ako dito at nakakagulo pa'ko sa kanila kung meron man silang relasyon ay naabala pa dahil sa'kin.



''May nangyari ba dito kagabi habang wala kami? bakit ang tahimik mo?'' Tanong ni sir. Umiling lang ako.



''Tinatamad lang akong magsalita,'' Sagot ko.



''Sa sobrang kadaldalan mo napagod na 'yang bunganga mo'' Tumawa sya ng bahagya. Pilit na lang din akong tumawa.



Habang kumakain ako ay napapatitig ako sa leeg ni sir. Ano kayang kababalaghan ang nangyari habang natutulog ako?



''Kanina ka pa tingin ng tingin ah, alam kong cute ako pero please lang 'wag mo nang ipahalata'' Napangisi ako dahil sa sinabi nya.



''Hangin mo ah, sana ayos ka pa'' Umirap ako kaya tumawa sya.



''Attitude ka ghorl?'' Natawa na lang din ako.



''Sir..'' tawag ko. Lumingon sya sa'kin.



Paano ko itatanong kung anong nangyari sa kanila kagabi? hindi naman siguro sya magtataka dahil tingin nila sa'kin ay bata pa rin.



''A-ano 'yang nasa leeg mo?'' Tinuro ko ang parte ng leeg nyang namumula. Tumayo naman sya at hinarap sa salamin.



''Bata ka pa,''



Hindi nya sinagot ang tanong ko at umupo na lang ulit. 'Bata ka pa'? anong klaseng sagot 'yan?



''Hindi na'ko bata kaya sabihin nyo na'' Angal ko. Tumawa naman si sir at tinuro 'yung lababo. Kumunot ang noo ko.



''Maghugas ka muna ng pinggan bago sagutin 'yang tanong mo''



''Ayos ka ah, para paraan ka talaga eh 'no!'' Inagaw ko 'yung pinggan nya kahit hindi pa sya tapos kumain ay hinugasan ko na agad 'yung mga pinggan at kawali na ginamit kanina pangluto.



''Sabihin mo na, tapos na'ko maghugas'' Binato ko kay sir 'yung basahan pamunas sa kamay. Tumawa naman sya at binato pabalik sa'kin, napaka epal.



''May mga babae kahapon sa venue, malay ko bang hahalikan ako 'don'' Tumawa pa sya.



Hindi pala galing kay ma'am Celyn 'yon at sa ibang babae! dapat pala sumama ako para nabakuran ko si sir! tanga tanga talaga eh 'no.



''Gusto nyo naman?'' Tanong ko.



''Hindi. Hindi ko itatanggi,'' Tumawa ulit sya kaya umirap ako. Ay shet, masyado na'kong obvious.



Hindi na'ko nagsalita ulit at naligo na lang ako. Pala isipan pa rin sa'kin kung bakit doon natulog si ma'am sa higaan ni sir eh ang sabi nya tabi daw kaming matutulog.



Sana mamaya ako naman katabi ni sir, char.



•°•


Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now