29

139 2 0
                                    

"Ang gandang ayusan ng kilay mo Fana!" Masayang sabi nang isa sa mga kakilala kong Beauty Care.


Ewan ko ba, ang naaalala ko naglalakad lang ako pabalik sa room dahil nag-cr ako tapos bigla na lang akong nakaladkad papasok sa room ng Beauty Care, hindi naman ako makahindi.


"Maganda nga masakit naman." May sarkasmong sabi ko dahil halos mamugto ata ang mata ko kakaluha kada bunot nya ng isang buhok sa kilay ko.


Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa room dahil si Sir Francis ang next na teacher namin sa next subject.


Habang nagka-klase napapansin ko na pasulyap-sulyap si Sir sa'kin at nang mahuli kong nakatingin sya, sumenyas syang doon daw kami sa faculty nya kumain ng lunch at nag-thumbs up na lang ako.


Pagkatapos ng klase ni Sir may sumunod pang isang subject ang ibang teacher din bago mag-lunch. Hinanap ko pa si Sir at nagtuturo pa pala sya sa kabilang section kaya naghintay na lang ako sa hindi kalayuan.


Kakatapos ko lang makausap si Sir. Tinanong ko kung may galit ba si Ma'am sa'kin pero mukhang hindi naman sineryoso ni Sir ang tanong ko.


"Pangit mo kausap." Ngumisi ako habang sabay kaming naglalakad ni Sir papuntang faculty room nya.


"Mas pangit ka. Patingin nga ng mukha mo." Hinawakan nya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. "Pangit nga."


"Kapal mo! Sabi ni Tatay maganda ako!" Singhal ko at tumawa naman 'tong garapatang 'to.


"Syempre may tatay bang sasabihang pangit ang anak nila? 'De parang ininsulto na rin nya ang sarili nya." Patawa-tawa nyang sabi. Umirap naman ako sabay hampas sa kanya.


"Bakit si Andy rin palaging sinasabi na maganda daw ako! Pangit talaga ng ugali mo Sir Francis!" Napanguso pa ako. Sya naman ay ginagaya ang reaksyon ko at mas nangbubwisit pa.


Nakapasok na kami sa faculty at kaming dalawa lang ang nandito. Doon ako umupo sa mismong office chair nya at doon sya sa plastic na upuan na inuupuan ng mga estudyanteng napapatawag sa faculty.


"Baka naaawa lang sa'yo ang Andy na 'yon kaya sinasabihan kang maganda." Mas lalong humaba ang nguso ko.


"Parang may iba sa mukha mo ngayon ah." Halos dakmain na nya ang mukha ko para lang matitigan nya ng husto at malapit ko na rin syang sipain sa itlog kapag hindi pa sya tumigil sa kakahawak sa mukha ko.


"May nag-ayos sa kilay ko." Sabi ko na lang.


"Tama! Oo nga oh! Maganda naman, 'yung kilay. 'Yung kilay lang Fana 'wag kang ashumera." Umirap ako sa kanya.


Wala na talaga akong pag-asa na mapuri nya. Palagi na lang nya akong sinasabihang pangit pero alam ko naman sa sarili ko na maganda ako at nagsisinungaling lang sya. Duh, love yourself!


"Bahala ka, ayaw mo lang aminin na maganda ako." Kibit balikat kong sabi at kinuha ko na 'yung lunch box na dala ni Sir.


"Hindi ako ang nagluto nyan, si Celyn." Sabi ni Sir, nakita ata nyang enjoy na enjoy ako sa pagkain.


Alam ko naman eh, unang kagat ko pa lang alam ko nang si Ma'am ang nagluto. Ang sarap kaya magluto ni Ma'am atsaka nakabisado ko na ata ang lasa ng mga luto nya.


"Okay. Masarap." Patuloy ako sa pagkain.


"Isipin mo nga, kung may galit sa'yo si Celyn gagawa ba sya ng dalawang lunch para sa'kin at para sa'yo? Kung galit sa'yo 'yon hahayaan ka non mamatay sa gutom." Kasyual na pagkakasabi ni Sir habang kasabay ko na ring kumakain.


"Oo na. Mabait naman talaga si Ma'am, siguro iba lang mood nya kagabi." Sagot ko na lang sabay hablot nang juice ni Sir. "Ang daya, bakit ikaw may pa-juice tapos sa'kin tubig lang." Reklamo ko.


"Napaka-demanding mo, pasalamat ka nga pinagluto ka pa nung tao." Hindi naman nya ako pinigilan at hinayaan lang akong uminom sa inuminan nya.


"Ser gusto mo ayusin ko rin kilay mo??" Nakangiting sabi ko.


"Tigilan mo 'ko, 'wag mo 'kong idamay sa kagaguhan mo." Agad na sagot nya. Syempre nangulit pa rin ako hanggang sa pumayag na sya pero nung nag-umpisa ako, isa pa nga lang nabubunot ko sa kilay nya umayaw na agad sya at maluha-luhang minumura ako dahil masakit daw.


"Ayoko na! putangina sabi mo hindi masakit!" Natatawa na lang ako dahil ganyang-ganyan din ang reaksyon ko kanina habang inaayos ang kilay ko.


Dahil nga ayaw na nya, bumalik na lang ako sa upuan at kinain 'yung mansanas na kasama sa lunch na dala ni Sir.


"Eh pa'no 'yan Ser, malapit na ang graduation, lilipat na rin ako ng school next school year. 'Di na kita makikita." Tanong ko na lang. Sumimangot pa ako at pumalumbaba na nakatitig sa kanya.


Parang ayaw ko nalang umalis dito, parang gusto ko na dito na lang ako. Masyado na akong napamahal sa school na 'to at kay Sir--- sa mga teacher namin pala..


Ngumisi naman sya sabay pitik sa noo ko na nakasanayan na ata nyang gawin kapag natutuwa sa mga sinasabi ko.


"Mabuti, wala na akong sakit nang ulo kung lilipat ka na ng school." Mas lalo akong napasimangot. Ang sama-sama nya talaga pagdating sa'kin pero kapag sa ibang estudyante pinupuri nya pero kapag ako nagiging demonyo sya.


"Hindi mo ako mamimiss??" Tanong ko.


"Hindi. Wala namang kamiss-miss sa'yo." Sinamaan ko sya nang tingin at padabog akong sumandal sa upuan.


"Palibhasa maraming magandang estudyante dito." Inis at pabulong kong sabi.


"Parang may nagseselos sa tabi-tabi." Patawa-tawa nyang sabi kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin.


"Sinong nagseselos?! Mama mo nagseselos!" Barumbadong singhal ko.


"Ikaw Mama ko tanga." Tumawa na naman sya kaya lumapit na ako sa kanya sabay sakal ko sa kanya. "Teka!" Tumatawang sigaw nya. "Hindi ako mamamatay kung ganyan ka manakal! Para ka lang nangingiliti tanga!"


"Hindi ako pumapatay ng pangit!!" Sigaw ko.


"Teka lang!" Mas lumakas pa ang tawa nya. Walang 'yang 'to, may kiliti pala sa leeg.


"Kung hindi ka lang talaga malakas sa'kin inuntog na kita sa pader!" Pikon na sabi ko at tinigilan ko na sya.


"Alam ko namang ayaw mong nasasaktan ako, crush mo 'ko 'diba?" Pang-aasar pa nya.


"Kapal ng mukha mo!" Umirap ako.


Naka-upo ako sa office chair nya at nakasimangot habang masamang nakatitig sa kanya. Sya naman ay patawa-tawa lang at nakikipagtitigan pabalik sa akin.


"Tara nga dito." Sabi nya sabay tapik sa upuan na katabi nya.


Para naman akong tanga na nakasimangot at sumunod sa sinasabi nya. Nang makaupo na ako sa tabi nya, kinabigla ko ang bigla nyang inayos sa magulo kong buhok at nakangiting tumingin sa'kin.


Nakangiting nakatitig sa mga mata ko.


"Magpapakabait ka, Fana... Pagkatapos nito, hindi ko na alam kung kailan ulit tayo magkikita."



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now