21

157 3 0
                                    

"Sir, busy ka?" Tanong ko habang patuloy kong sinasabayan ang lakad niya. Napakabilis kasi maglakad ang haba ng biyas hiyang hiya sa'kin. Hays, okay na rin basta cute ako.


"Sir Francis? Sir? hoy? Attitude ka talaga ayaw mo 'kong mamansin" Ngumisi ako at mas binilisan pa niya ang paglalakad.


"Makatapak ka sana ng tae!" Sigaw ko nang hindi ko na siya naabutan dahil sa sobrang bilis maglakad. Agad naman siyang nawala sa paningin ko kaya nag-abang na lang ako ng jeep pauwi. Sasabay dapat ako kay Jade kaso natakasan nya ako kaya ako lang mag-isa ang uuwi ngayon, malas.


Bakit iniiwasan ako ng mga taong 'to? Ang sama ng ugali nila sa'kin ah.


Nakasakay na ako sa jeep at may nadadaanan kaming isang tumpok ng mga street vendor sa kabilang parke, huling punta ko roon ay noong nabubuhay pa ang pamilya ko. Tuwing birhtday ko ay nandito kami at hinihintay ang noche buena at sa bahay naman ang media noche. Pasko ang birthday ko kaya malaki ang pasasalamat namin tuwing pasko, bukod sa isang handaan na lang ay kabirthday ko pa si Papa God.


Sa isang linggo ay ang unang araw ng disyembre at ito ang unang pasko na wala ang pamilya ko, siguro ay sa simenteryo ko na lamang ipagdiriwang ang pasko at birthday ko para kahit papaano ay kasama ko naman ang pamilya ko.


Nakarating ako sa bahay at tanaw mula sa hindi kalayuan na mukhang kadarating lang din ni Jade. Tinawag ko sya pero nagmadali syang pumasok sa bahay nya. Natawa na lang ako at umakyat sa apartment ko. Nadaanan ko pa si Andy na nagdidilig ng halaman sa gilid ng pintuan niya.


"Ayos ah, buti ka pa nakakapagbatubo ng halaman ako kasi hawakan ko lang 'yung dahon namamatay agad" Nakipagchismisan muna ako sa kaniya bago ako pumasok.


"Sa halamanan kasi ako nagtrabaho dati, ako ang nag-aalaga sa mga tanim ng amo ko na ibinebenta naman sa mga suki niya" Napatango tango na lamang ako.


Ano kasi tawag sa tao kapag magaling magpatubo ng halaman? Green handed ba? hays ewan. Green minded lang ang alam ko.


"Hays, sana ol na lang" Tinapik ko ang balikat niya bago ako pumasok sa apartment ko.


Hays ano kayang gagawin ko?


Ibinagsak ko ang katawan ko sa maliit na sofa. Parang sinisipag ako na tinatamad, twenty percent sinisipag, eighty percent tinatamad.


Gusto kong magluto ng pagkain para sa hapunan ko mamaya kaso tinatamad ako.


Gusto kong gumawa ng assignment kaso ayaw ng utak ko.


Gusto kong gumala kaya sige.


Nagbihis agad ako at kumatok sa pintuan ni Andy. Sana samahan nya 'ko, maraming aso sa daan baka lapain ako mabuti nang kasama ko si Andy para dalawa kaming kakagatin ng aso.


"Andy!!" Sigaw ko habang patuloy na kumakatok.


"Arat gala tayo!!"


"Teka sandale!" Rinig kong sigaw niya. Sumandal ako sa may hallway at hinintay syang lumabas.


Nang makalabas siya ay nakasuot siya ng dilaw na damit at shorts, mukhang bagong paligo.


"Naks, spongebob" Ngisi ko. Tumawa na lang sya at may kinuha sa loob.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang nila-lock ang pintuan.


"Kahit saan" Sagot ko at naglakad na kami pababa. Nauuna syang maglakad dahil ang tangkad parang si sir, gwapo naman si Andy pero mas bet ko si sir Francis. Galante 'yon plastic nga lang.


"Sama kaya natin si Jade?" Tanong niya.


"Sa tingin mo sasama sa'tin 'yon? ayaw nga akong makasabay no'n kahit sa jeep" Napangisi na lamang siya.


"Sa bagay, ang kulit mo kasi tsaka madaldal ka. Siguro kung dati pa kita nakilala baka ginugulpi mo na'ko kapag hindi ko sinasabayan mga trip mo" Sabi niya.


Naglakad na lamang kami at hindi na nag jeep. Nakapamulsa lamang siya habang naglalakad kami habang ako naman ay pinipitas ng bawat halaman o puno na nadadaanan namin.


"Hindi naman kaya ako madaldal dati, ngayon lang"


"Baka maniwala ako" Sarkastiko niyang sabi.


Pinitik ko ang tenga niya. "Di 'wag kang maniwala! pinipilit ba kita?!" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tumawa lamang siya at mukhang tuwang tuwa pa na nakikita akong napipikon.


"Oo na, naniniwala na'ko, masyado kang pikon" Tumawa ulit siya. Umirap na lang ako at naglakad hanggang sa makarating kami sa parke na nadaanan ko kanina.


May nga nagtitinda ng fishball sa gilid, mga cotton kendi, mga kwek kwek, marami pang pagkain na mas masarap kainin sa kalye. Mas maganda dito kapag gabi dahil maraming christmas lights kahit hindi pasko hindi nila tinatanggal para daw may parte naman dito na maliwanag at nakakaakit puntahan.


"Do'n tayo" Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinila hanggang sa makarating kami sa tindahan ng kwek kwek.


"Bago ka lang sa lugar na 'to kaya ilibre mo 'ko ng dalawang stick ng kwek kwek" Sabi ko sa kaniya.


"Gano'n ba 'yon?" Tanong niya. Tumango tango ako.


"Oo kaya ilibre mo na 'ko" Sabi ko sabay kuha ng dalawang kwek kwek kahit wala pa siyang sinasabi na ililibre niya ako.


"Bitawan mo muna ako, pwede?" Tanong niyang muli. Napatingin ako sa palapulsuhan niya at nakahawak pa rin pala ako doon. Nagkibit balikat ako at agad siyang binitawan.


"Kumain ka na rin kaya?" Tanong ko at inalok siya ng kwek kwek.


"Sige, sabi mo eh"


Kumain kami ng kumain at ako naman ang sumagot ng samalamig namin. Dahil sa kabusugan umupo muna kami sa isang tabi para magpahinga bago maglibot libot ulit.


"Grabe ang sarap kapag libre" Sabi ko sabay sandal sa upuan.


"Nauto mo lang ako"


"Nagpauto ka naman"


Sabay na lang kaming natawa. Medyo dumidilim na at mamaya lang ay bubuksan na ang mga ilaw kaya hihintayin na namin.


"Fana" Napatingin ako sa kaniya.


"Oh?"


"Ayun 'yung lalaking lagi mong kasama 'diba?" Sabi niya sabay turo sa isang lalaki na may kasamang babae at masayang kumakain sa kaninang kinainan namin ni Andy.


"Oo, si sir Francis, si Ma'am Celyn naman 'yung kasama nya" Umiwas ako ng tingin.


Nakakawala sa mood.


Ako ayaw nyang kausapin tapos makikita ko na nagtatawanan sila ni Ma'am Celyn. Ang daya mo, sir.


"Crush mo 'no?" Pang aasar niya.


"Mukha mo" Umirap ako.


"Crush mo eh, ang haba ng nguso mo oh" Tumawa siya at patuloy akong inasar hanggang sa napikon ako at sinabunutan ko na sya.


"Anong pake mo kung crush ko?!" Umirap ako sa kaniya.


Punyeta naman kasi kupido, panain mo naman si sir tapos ako una nyang makikita! para boom! kami na!




•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora