19

163 9 0
                                    

"Jade!!" Nagtatakbo ko pababa para maabutan ko si Jade.


"Sabay tayo!" Humihingal ako nang maabutan ko sya. Siguro mamimili din sya kasi linggo ngayon.


"Saan ka nga pala pumunta kahapon? nagmadali kang sumakay sa jeep eh" Hindi pa rin sya sumasagot.


"Libre kita pamasahe," Sabi ko pagkasakay namin sa jeep papuntang palengke.


"Bayad po, dalawang palengke keep the change"


"Hindi mo ba talaga ako kakausapin? may problema ba?" Tanong ko.


Hindi sya sumagot dahil may ka-text sa cellphone nya. Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa palengke.


"Buda! nandito 'ko!" Napalingon ako sa pinaglingunan ni Jade.


"Siraulo ka! ang sabi ko sa'yo bukas pa! ano 'yan!?" Sigaw ni Jade sabay turo sa bag nung lalaki.


"Eh insan excited na'ko, tsaka hoy Buda! may utang ka pa sa'kin!"


"Oo na! oo na! mapanumbat ka!"


"Tara, titingnan ko kung maganda ba 'yung apartment mo"


Hindi na lang ako nakisabat at hinintay silang matapos. Grabe si Jade, bakit kaya Buda tawag sa kanya?  maganda naman si Jade ah kaso.. chubby. Pero slight lang!


"Geh geh? ano ginagawa mo dito?" Tanong nya sa'kin.


"Anong 'geh geh' naman?" Tanong ni Jade.


"Nakita ko 'to kagabi eh. Tol nag catering kami tapos naka tuxedo ako, galing ko tol noh? noh? noh?"


"Puta... Andy... Sana ayos ka pa" Umirap si Jade.


"Jade una na 'ko" Tinapik ko sya sa balikat. Hindi naman sya sumagot kaya nauna na ako.


Andy? nandito na naman sya? At tae. Caterer pala sya sa party! dapat pala sa kanya ako humingi ng extra rice para hindi na ako nakipagsabunutan kay sir Francis, sana wala akong bakas ng kurot sa pisngi!


Kagabi pagkatapos naming magsabunutan nanlibre naman sya para daw makabawi, baka nga nasa apartment pa 'yon hanggang ngayon kase doon sya natulog, sa sala. Pinapauwi ko na kasi baka kung anong isipin ng mga kapitbahay ko pero kaclose ko naman sila lahat. Ala una ng madaling araw gising pa, may kachat tapos kinikilig kilig pa pagkasilip ko sa kanya.


Iniisip ko nga baka may kalandian sa chat 'yon o baka si ma'am Celyn lang.


Pagkatapos kong mamalengke ay dumiretso na ako pauwi sa apartment. Bukas na 'yung kabilang kwarto sa tabi ng akin, may bago na sigurong umuupa, salamat naman.


Natatakot akong lumabas sa gabi at sa madaling araw kasi nadadaanan ko 'yon eh baka biglang may sumilip sa bintana, o kaya naman biglang bumukas 'yung ilaw kahit walang tao.


"Hoy! Sarap buhay ka? anong oras na tutulog tulog ka pa dyan. Umuwi ka na nga! may pasok na bukas!"


Hinila ko sya kaya nalaglag sa upuan.


"Fana! natutulog ako napaka bastos mo!" Reklamo nya.


"Ay pasensya na ho, bahay ko kasi 'to at pahila-hilata ka pa dyan anong oras. Baka ho kasi bumakat na kayo sa sofa at hanap hanapin kayo" Sarkastikong sabi ko.


Hindi na sya sumagot at niligpit na ang hinigan nya sabay diretso sa banyo, akala mo sa kanya.


Nakaluto na ako ng tanghalian, sinigang na baboy dahil nakakahiya naman sa bisita ko kung tuyo ang ipapaulam ko sa kanya. Maselan pa sa isda pero noong sila tatay ang naghahain ng tuyo sa mesa agad syang kumakain, puro kaplastikan.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now